Chapter One

21 1 0
                                    

"Cheeseburger nga po."

Sabi ni Wonwoo sa babae sa may burger shop sa tabi ng 7/11 kung saan siya bumili ng toiletries niya at cups ng ramen, etc. Tumango ang babae. Umupo si Wonwoo sa stool at pinatong ang mga pinili niya sa counter.

Ala-una na ng umaga at gising pa rin siya. Isang nocturnal species si Wonwoo, hindi noon pero dahil sa naging lifestyle niya, gabi na siya kung gising at tulog tuwing umaga.

Makikita mo rin sa pangangatawan ni Wonwoo dahil sa putla ng balat niya at pagiging skinny niya.

Kabilang din kasi si Wonwoo sa Night Clasa ng Seoul College at katatapos lang ng klase nila kaninang alas-dos ng umaga na nagsimula ng alas-sais ng hapon. Engineering ang course ni Wonwoo at pinagpala siyang mapunta sa Night Class. Dahil kung hindi baka matagal na siyang nag-drop out.

Ang po-problemahin niya na lamang ay ang hinaharap niya. Kung paano siya makakapaghanap ng trabaho dahil tulog siya kung umaga. Pero, alam niyang kaya niyang manatiling gising kapag kinakailangan ng isang sitwasyon. Ganyan katibay ang isang Jeon Wonwoo.

Ng makuha na niya ang kaniyang inorder at nakapag-bayad, umalis na siya at naglakad mag-isa sa madilim na daan pabalik sa maliit na apartment na nirerentahan niya. Mag-isa lang siya simula ng tumuntong siya ng high school at nabubuhay sa kakarampot na perang pinapadala ng Ate Seulgi niya at iniwang pera ng tatay niya sa bangko.

Kahit ganun, hindi naman siya namulubi. Kaya pa nga niyang magbuhay mayaman kung gugustuhin niya, pero dahil, ayaw niya, hindi na lang niya ginawa.

Sanay na sanay na si Wonwoo sa madilim na daan na ito tuwing umuuwi siyang kung disoras ng gabi. Kung matye-tyempuhan mo pa, palaging nag-aaway sina Mr. And Mrs. Kang na nagma-may ari ng isang tofu diner. O di kaya ang magdamag na inuman ng mga doctor tuwing tapos na ang kanilang shift. Malapit-lapit lang din kasi rito ang isang malaki at pribadong hospital na pinagma-may ari ng mga Kim.

Kagat-kagat ni Wonwoo ang lid ng walang lamang coffee cup na binili niya sa 7/11. Kung ang iba mamamatay ng walang tubig, kape siguro ang kay Wonwoo. Kailangan niya pa kasing manatiling gising dahil sa project at lessons na kailangang gawin at aralin. Kahit papaano, pinanghahawakan parin ni Wonwoo ang pagiging consecutive na dean's lister. Dyan niya lang napapatunayan na hindi napupunta sa wala ang paghihirap nila ng Ate niya.

Malapit na siya sa apartment complex na tinutuluyan niya ng makarinig siya ng mga pares ng yabag na parang tumatakbo. Palakas din ng palakas ang mga boses na para bang nagbabangayan.

Binitiwan ni Wonwoo ang coffee cup at hinayaan itong tumama sa lupa. Huminto siya sa paglalakad at tumingin sa isang madilim na eskinita na pinagmumulan ng ingay. Napailing siya at inayos ang itim niyang hood.

"Mga walang kwenta."

Mahina niyang sabi sa sarili bago tumawid ng daan. Nasa kalagitnaan siya ng daan ng makita niya ang mga grupo ng kalalakihan na baka kaedad niya lamang na naghahabulan at may mga dalang baseball bat. Iba rin sa kanila at duguan at paika-ika sa takbo.

Agad nanlaki ang mga mata ni Wonwoo at tumakbo para sana makatawid at makaiwas sa gulo dahil hindi naman siyang kabilang sa kanila pero huli na ang lahat at may humila sa kaniya. Hindi niya magawang bawiin ang kamay niya dahil una, hindi niya pa lubos naiintindihan ang mga nangyayari at pangalawa, walang balak na huminto sa paghabol ang mga lalakeng may mga baseball bat.

Tumingin siya sa likod ng lalake bigla siyang hinila. Sa tingin niya, mas matangkad ito kesa sa kaniya. Nakasuot din ito ng school uniform ng Diamond Academy. Isang prestihiyosong paaralan na para lamang sa mga mayayaman, artista, modelo o anak ng politiko o yung mga taong kahit hindi mag-aral ng mabuti may siguradong trabaho at marangyang buhay sa hinaharap.

Gustong matawa ni Wonwoo. Wala talagang alam gawin ang mga katulad nilang kabataan. Hindi nila iniisip na baka may mga katulad ni Wonwoo na kailangang isugal ang kalusugan para makapag-aral. Wala silang kaalam-alam at makikipag-basag ulo na lamang.

Mahigpit parin ang hawak ni Wonwoo sa mga pinamili niya. Dahil kahit hindi siya maalam sa self-defense baka may mapatay siya ng walang oras kapag may sumubok kunin ito sa kaniya. One week din kasing supply 'to. Magkamatayan na pero hindi niya ito isusuko.

Maya-maya pa naramdaman niya ang pananakit ng mga paa. Malayo... hindi sobrang layo na talaga ng tinakbo nila. Ang iba nga, lumiko na at nagtago samantala itong lalake kasama ng iba pa, diretso lang ang takbo.

Lumingon si Wonwoo, nandun parin ang mga humahabol sa kanila. Napairap siya. Hindi man lang sumagi sa isip niya ang masangkot sa gulo ng mga spoiled brats. Kaya nga nag-night class siya diba? Pero, mukhang mali siya ng desisyon.

Muntikan ng madapa si Wonwoo ng lumiko ang lalakeng kumakaladkad sa kaniya. Sobrang dilim ng eskinitang pinasukan nila. Biglang sumandal ang lalake sa pader kaya napasandal nalang din si Wonwoo. Nakita nila ang paglagpas ng mga lalakeng may hawak na baseball bat.

Napahinga ang lalake ng maluwag saka natawa.

"Tanginang taga Cloud School. Ano tingin nila sa mga taga-Diamond ganun ganun na lang? Diba?"

Agad siyang nilingon ng lalake para hingan ata ng suporta sa kalokohan nito. Ilang segundo pa eh hindi natanggal ang tingin ng lalake sa kaniya. Ng mapansin ng lalake na hindi sila magkakilala agad niyang binitawan si Wonwoo. Napangiwi si Wonwoo.

"S-sino ka?! Ano'ng ginagawa mo rito?! Taga-Cloud ka no!"

Automatikong umikot ang mga mata ni Wonwoo bago tinanggal ang hood niya at inayos ang spectacles niya na sa kabutihang palad hindi nalaglag kanina habang tumatakbo sila. Buti na lang talaga at hindi dahil wala na siyang kapalit.

Umubo si Wonwoo para maghanda sa isasagot sa walang kwentang lalakeng kumaladkad sa kaniya papunta sa isang lugar na hindi niya alam at wala sana siyang balak alamin.

"Sino ako? Isang lalakeng tahimik na naglalakad sa isang kalsada. Ano'ng ginagawa ko rito? Nagpapahinga dahil may isang ulol na lalakeng kakaladkarin na lang ako ng walang dahilan kahit tahimik lang akong naglalakad sa isang kalsada. Sa tingin mo taga-Cloud ako? Hindi dahil hindi ko kaya ang bayarin sa Cloud kaya nga tahimik na lang akong naglalakad sa kalsada. May katanungan ka pa?!"

Napakurap ang lalake bago tinignan si Wonwoo mula ulo hanggang paa.

"Hindi ka nga naka-uniform. Ibig sabihin taga Seoul College ka. Pero.... hindi ko maintindihan... Ano ba ang ginagawa mo sa daan? Akala ko tuloy tropa kita at hindi mo na kayang tumakbo kaya hinila na lang kita."

Sabi nung lalake. Umikot ang mga mata ni Wonwoo bago nilampasan ang lalake sabay bangga sa balikat niya. Mga walang kwenta.

Isinuot muli ni Wonwoo ang hood niya at naglakad ng diretso umaasa na baka sa dulo nito, makikita na niya ang apartment complex niya.

"Hoy lalakeng naka-hood, hindi ka ba nag-aalala na baka balikan ka? Baka akalain nila na kasama ka namin?"

Sinundan siya ng lalake pero hindi siya nagsalita. Kung mapagkamalan siya? Ehdi sasabihin niya ang totoo. At kung ayaw talaga nila maniwala ehdi tatakbo siya papunta ng police station. Dala naman niya palagi ang I.D. niya at may patunay siya na hindi siya gala sa disoras ng gabi at isang Night Class Student.

Naramdaman niyang sumabay sa kaniya ang lalake sa paglalakad kaya huminto at siya at hinarap ito. Mukhang nagulat naman ang lalake kaya medyo napaatras ito.

"Look Mr. Diamond Academy, sobrang abala na ang ginawa mo sa akin, at hindi na ako magdadalawang isip na suntukin ka kapag ginulo mo pa ako ulit. Pwede ba.... tantanan mo na ako. Marami pa sana akong nagawang tama sa oras na kinaladkad mo ako sa pagtakbo."

Sabi ni Wonwoo at naglakad na. Mabilis narin ang paglalakad niya para makalayo siya agad sa lalakeng iyon.

"Pwede ko ba malaman ang pangalan mo?!"

Dinig ni Wonwoo-ng sigaw nung lalake pero hindi niya sinagot at pinansin at tumakbo na lang siya.

the feeling•meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon