Chapter Two

6 1 0
                                    

Tulad ng kahapon, naglalakad ulit si Wonwoo pabalik ng apartment niya. Hindi naman mawala-wala sa isip niya ang nangyari kahapon. Yung butthurt na lalake. Ang layo ng tinakbo nila. Ang mga estudyante ng Cloud at Diamond na nag-kakabangayan ata.

Naka-hood parin si Wonwoo dahil sa ganoong paraan, hindi siya mamamatay dahil sa lamig. Pero, ngayon puti na katulad ng jeans at sapatos niya.

Dadaanan na naman siya sa parehong kalsada kung saan siyang nakaladkad pero wala ng mga yabag o ingay kaya alam ni Wonwoo na hindi na siya bigla-biglang mahihila. At kung mangyayari man yun, iiwas na talaga siya.

Tatawid na sana siya ng may napansin siyang pigura ng isang matangkad na lalake sa ilalim ng isang patay sinding lamplight. Tumigil siya sa paglalakad at napakunot ang noo.

Tumingin siya sa paligid dahil baka may hinihintay lang ito. Nagkibit-balikat si Wonwoo at nagpatuloy sa paglalakad at lalagpasan na lamang ang taong lamplight pero nagsalita ito kaya huminto siya.

"Kanina pa kita hinihintay. Ang tagal mo, lalakeng naka-hood."

Napalingon si Wonwoo. Boses pa lang, kilala na niya. Yung lalake kahapon. Mas lalong kumunot ang noo ni Wonwoo. Tumayo ng tuwid ang lalake at naglakad papalapit kay Wonwoo.

Yun naman ang pag-atras ni Wonwoo. Kung kahapon, hindi niya masyadong makita ang mukha ng lalake, ngayon naman sa tulong ng patay-sinding ilaw ng lamplight, nakikita na niya ang mukha nito.

Nakangiti ito sa kaniya habang nakatingin. Ilang pulgada rin ang tinangkad ng lalake sa kaniya. Katamtaman ang kulay nito hindi katulad sa kaniya na animo'y walang dugo. Matangos ang ilong, perpekto ang labi at mapungay ang mga mata.

Napakurap si Wonwoo.

"Ano'ng ginagawa mo rito? At bakit mo naman ako hinihintay?"

Tanong ni Wonwoo. Linagay ng lalake ang isang kamay niya sa ilalim ng chin nito na para bang nag-iisip. Naghintay si Wonwoo at nagulat siya ng biglang nag-snap ng daliri ang lalake.

"Aha! Nandito ako para alamin ang pangalan ng lalake na naglalakad ng tahimik sa kalsada."

Natawa ang lalake sa sariling sinabi nito samantalang si Wonwoo kulang na lang may mamuong itim na ulap sa ibabaw ng ulo niya. Pinanood niya lang ng ilang segundo habang natatawa ang lalake bago ito iniwan at nagpatuloy sa paglalakad.

"Timang."

Sabi niya sa sarili niya bago niya sinilid ang mga kamay niya sa loob ng malaking bulsa sa harap ng hoodie jacket niya. Maya-maya pa, tulad ng inaasahan, nasa harap na niya ang lalake kaya huminto siya sa paglalakad at sinubukang lagpasan ang lalake pero hinaharangan nito ang dadaanan niya.

Ng tuluyan ng mapikon si Wonwoo, huminto siya at napapikit ng mariin.

"Ano bang problema mo?!"

Tanong niya ng makamulat siya. Nag-pout sa harap niya ang lalake kaya kulang na lang ay ang magsuka-sukahan siya.

"Gusto ko lang naman malaman ang pangalan mo, masama ba yun?"

Sabi ng lalake. Tanginang pangalan yan. Dahil dyan hindi matahimik ang buhay ni Wonwoo. Napahilamos si Wonwoo ng mukha niya.

"Masama! Kaya lumayo ka!"

Sabi ni Wonwoo at tinulak ang lalake pero hindi man lang natumba kaya medyo napahiya siya. Hindi siya malakas okay? Baka mas malakas pa ang babae sa kaniya, pero hindi na niya iyon ginawang big deal at linagpasan muli ang lalake.

"Ano'ng masama na alamin ang pangalan mo?"

Tanong nung lalake habang sumasabay kay Wonwoo sa paglalakad. Nagpanggap si Wonwoo na walang naririnig. Kung hindi mo papansinin, mapapagod lang din yan at aalis.

"Hoyyy~ bakit nga? Gusto ko lang naman malaman. Wala namang mawawala sayo diba? Diba?"

Huminto si Wonwoo sa paglalakad at hinarap ang lalake. Umayos ang tayo ng lalake at inayos pa nito ang uniform niya at ang buhok niya at kung sa tingin niya natuwa si Wonwoo, mas lalo lang itong nainis. Huminga ng malalim si Wonwoo atsaka tinignan ang lalake.

"Pag sinabi ko ba ang pangalan ko sayo, tantananan mo na ako?"

Tanong ni Wonwoo. Kumunot ang noo ng lalake.

"Hindi naman kita ginugulo bakit naman kita tantananan. Actually, gusto ko nga makipag-kaibigan kaya inaalam ko ang pangalan mo. So, ano ngang pangalan mo?"

I knew it, sabi ni Wonwoo sa sarili niya. Imbes na tumahimik ang buhay niya, mas lalo lang magugulo kapag sinabi niya ang pangalan niya sa lalakeng ito.

"Ayaw kong sabihin ang pangalan ko sayo. At ayaw ko rin ng kaibigan na katulad mo."

Sabi ni Wonwoo at nagsimula na namang maglakad. Sinundan at sinabayan na naman siya ng lalake habang nakakunot ang noo at mukhang naguguluhan.

"Bakit ayaw mong sabihin ang pangalan mo? Bakit ayaw mong maging kaibigan ang tulad ko?"

Tanong nito sa kaniya. Sa wakas, nasa tapat na si Wonwoo ng apartment complex na tinutuluyan niya. Huminto siya at hinarap muli ang lalake sa huling pagkakataon.

"Ayaw ko ng kaibigan na kagaya mo na spoiled brat at sangkot sa mga gulo. Hindi pa nga tayo magkakilala, halos madamay na ako sa kagaguhan niyo kagabi paano pa kaya kung magkaibigan tayo? Pwede ba... wala kang mapapala sa akin. Hindi nakalagay sa life description ko ang kaibigan kaya huwag mo na akong lapitan. Kahit kailan."

Sabi ni Wonwoo at naglakad papasok. Pinakita niya ang entry I.D. niya sa guard at nakapasok siya. Susundan sana siya ng lalake pero dahil wala siyang I.D. agad siyang pinigilan.

Napasimangot ang lalake habang nakatingin sa likod ni Wonwoo na paakyat na sa hagdan ng apartment complex.

Humakbang patalikod ang lalake at tinignan ng kabuuan ng apartment complex. Luma ito di tulad ng inaasahan niya sa mga pigura ng lalakeng gusto niyang malaman ang pangalan. Mukhang anak-mayaman din kasi. Pero ngayong alam niya na isa siyang rentador at hindi katulad ng mga pakipot na lalake o babae na nakilala niya noon, mas ginusto niya pang kilalanin ang lalakeng iyon.

Napalingon siya ng makarinig siya ng yabag at paghingal. Natawa siya ng mahina ng makita niya ang butler niya na si Mr. Lee na hingal na hingal kakahabol sa kaniya.

"Youngmaster.... ha.... sa wakas.... ha... naabutan ko na po kayo..."

Saglit na huminga ang kawawang butler at napatingin siya sa building sa kaniyang harap. Napakunot ang noo niya at napatingin siya sa kaniyang Youngmaster.

"Youngmaster, ano po ang ginagawa niyo sa lugar na kagaya nito? Paano po kung may mangyaring masama sa inyo at mapahamak kayo?"

Agad na may tinawag ang kawawang butler at isa-isang lumapit ang mga bodyguards at pinaligiran ang buong paligid.

Sumandal siya sa poste na walang ilaw at tinignan ang second floor ng building. Sinusubukan niyang isipin kung saang room nakatira yung lalake.

"Youngmaster, kailangan na po nating umuwi. Mag-aalas-tres na po ng madaling araw. Kanina pa pong alas-sais kayo naghihintay sa kalsada. Kailangan niyo na pong kumain at magpahinga."

Ah. Naalala na niya. Wala pa pala siyang kain kakahintay sa lalakeng iyon. Hindi naman niya kasi alam kung kailan ito dadaan. Ilang beses narin siyang pinilit na umuwi pero ayaw niya. Iba talaga ang tama niya sa utak dahil sa lalakeng iyon.

Napangiti siya.

"Butler Lee, may ipapagawa ako sayo."

Lumapit siya sa butler at binulong ang pinapagawa niya.

the feeling•meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon