Chapter 2

28 0 0
                                    

Damn! sana pala hindi nalang ako bumaba!

Sana talaga!! Until now she's still a headturner, that's why i really hate her..... I envy her because all the people around me loves her except for me, they never look at me that way, the way how they look at her. I really hate her! Until the end of the world!

Ano pa nga bang magagawa ko, edi harapin siya!

"Hey Ate!"

Siya namang pagharap nya sakin

"Oh! I was just looking for you little sister"

"Ano bang kailangan mo...Ate?"

"Ate!? For real?! Tinawag mo kong Ate at dalawang beses pa talaga! Hahaha!"

"Ano ba kasing kailangan mo?"

"Little sis, masyado kang nagmamadali, come on! Let's have some tea, dyan lang sa tapat ng building na ito!"

Ano pa nga bang magagawa ko?

"Psh. Fine!"

~

Di pa rin mawala sa isip ko ang pinagusapan namin ng babaeng yun.

"Girl! Nasaang bahagi ka na ba ng universe nakarating at tulala ka?"

Tumingin sa kanya

"Nandito sya"

"Sino?"

"My nightmare"

"Nightmare ka dyan! Kay aga-aga eh!"

Psh. Talaga naman to!

"Si Gail, nandito siya! Nandito siya Mhae! Ang babaeng sumira sa pangarap ko! Nandito sya!!"

Di ko namalayan na unti-unti nang tumutulo ang mga butil ng luha sa mukha ko mula sa mata ko.

"Mhae! Akala ko di na ko maiingit sa kanya pero ganun padin, inggit na inggit pa rin ako sa kanya Mhae! Akala ko tapos na pero ito nanaman!"

"Shh. Hush Holly.. Shh.. Tahan na!"

~

Nandito ako ngayon mag-isa sa bar. Naiinis ako sa sarili ko kasi natatakot nanaman ako sa maaring mangyari sa galit ko, baka magawa ko nanaman ulit ang ginawa ko dati sa kapatid ko. Oo sobrang sama ko sa ginawa ko pero di ko mapigilan ang galit na nararamdaman ko.

In just a snap of my finger, I can make her life miserable, I can play with her life as long as I want, pero kung hindi lang dahil sa lalaking yun edi sana wala nang pakialam sa kanya ang mga tao sa paligid ko. Hindi ko akalain na ang pinaka-pinagkakatiwalaan ko pa ang sisira sa lahat ng plano kong sirain ang buhay nya.

Minahal ko siya ng buong-buo pero anong ginawa niya, ginamit nya lang ako para mapalapit sa BIDA KONG KAPATID! Palagi nalang siya, hindi ba pwedeng ako naman!

Hanggang sa ngayon, ang tingin nila sa akin ay disgraced, walang kwenta, selfish, walang utang ng loob, lahat na ng masasakit na salita nasambit ko na sa kanila pero hindi pa rin nila naiintindihan ang sakit na nararamdaman ko.

Eto nanaman ang mga luhang nagbabadya sa mga mata ko, bakit ganun? Napaka-hina ko, kailangan kong maging malakas, at matapang sa harap para hindi na nila ako, apihin o saktan.

Oo alam kong nakamali ako sa nagawa ko dati pero hindi nila ako masisisi dahil kahit na kailangan hindi nila ako tinuring na anak, lahat ginawa ko para mahalin nila ako, at ipagmalaki nila ako pero wala silang ibang isinukli sa akin na magagandang salita, galit na galit ako.

Hindi ko namalayan na nakakadami na ako ng iniinom ko, napako ang paningin ko sa dalawang taong ngayo'y masayang nagsasayaw sa gitna, gusto ko silang sirain, gusto ko silang paghiwalayin, tumayo ako sa aking kinauupuan at pagewang-gewang na lumapit sa kanila ngunit bago ako makarating sa dalawang ay unti-unti akong nakaramdam ng pagkahilo at unti-unti na din nagdidilim ang paningin ko-

"Miss! Ayos ka lang ba?"

"Miss! Miss!"

*BLACK-OUT*

CollisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon