Ilang araw ang lumipas umaktong normal ang prinsesa lalo na nang maglayag ito papunta sa sinasabing kaharian ng ama. Tanaw niya ang kabu-uan ng dagat sa itaas ng Bapor, marami din siyang mga kasabay na tao, mapa lalaki man o babae. Halata sa mga mukha ng mga ito na sila'y mabababang uri lamang. Hindi na ito nagulat sa kaniyang nakita, mukhang maiiba na yata ang kaniyang istado kung ganitong klasseng mga tao ang makakasalamuha niya.
'not bad' sabi ng kaniyang isip, inamoy amoy niya ang sariwang hangin na siyang humahampas-hampas sa kaniyang buhok upang lumipad.
"magandang araw magandang binibini" wika ng taong nasa gilid niya, iminulat nito ang kaniyang mga mata saka tiningnan ang mapangahas na taong nagsalita at kuma-usap sa kaniya.
"kilala ba kita?" pagtatanong nito sa lalaki.
"Balang araw binibini ay makikilala mo rin ako" malumanay nitong sagot sa kaniya, romantiko at kaaya-aya ang pagkakasabi niya dito.
"pareho pala ang ating distinasyon magandang binibini..." pinutol ng lalaki ang kaniyang pagsasalita dahil bumaling ito ng tingin sa mga mata ng prinsesa. Isang ngiti ang nabuo sa kanyang mga labi.
"Maaari ko bang makuha ang iyong pangalan binibini?" pagpapatuloy nito sa naputol niyang salita kanina. 'Ang kapal naman ng mukha nitong lalaking to' sinabi ng kanyang isipan.
"paumanhin ginoo ngunit may importante pa akong gagawin, mauna na ako sa iyo" yumuko ang prinsesa saka dali daling pumaibaba sa tuktok ng bapor. Magsasalita pa sanang muli ang lalaki pero npangiti nalang ito dahil sa inasal ng prinsesa.
"kakaibang babae, ni hindi man lang siya tinablan ng aking kakisigan" mabilis na lumapit sa lalaki ang taong may taas na dalawang talampakan.
"Mahal na Prinsipeng Fou malapit napo tayo sa inyong kaharian, gusto nyo na po bang kumain o di kaya'y magpahinga sa ib-----" pinutol ng lalaki na syang prinsipe ang kaniyang pagsasalita
"hindi na kailangan Demeon maaari mo na akong iwan" niyukuan siya nito bago umalis.
Ang prinsesa naman ay umupo sa silya na gawa sa kahoy habang tinitingnan ang hawak hawak nitong mapa. Maliit lamang ang lupain ng kahariang ito kung ikukumpara sa kanilang kolonya. Mapait itong napaisip kung ano ang sasapitin niya sa lugar na tinutukoy ng kaniyang ama. Itiniklop nito ang dalang mapa saka lumapit sa may pinakagilid ng bapor kung saan makikita mo ang daan na tinatahak nito. May isang isla na ang unti unti napoporma habang papalapit ng papalapit ang bapor.
"bago kalang ba dito binibi?" tanong ng babaeng tumabi sa kaniya. 'ganito ba ang mga tao dito' inis na wika ng kanyang isip. Tumango ang prinsesa bilang sagot.
"gano'n ba? kaya pala hindi pamilyar ang mukha mo" pagsasalita nitong muli, halata sa kaniyang mukha ang pagiging masayahin. Tumahimik na ito nang di na muling umimik ang prinsesa.
*TING*
*TING*
*TING*
Napatingin ang lahat ng mga tao pati ang Prinsesa sa tumunog na kampanilya. Nagsidagsahan ang lahat malapit sa labasan ng Bapor.
"Hindi kapa ba bababa?" tanong no'ng babae sa Prinsesa, nginitian ito ng prinsesa bago sumagot.
"hindi pa" tumango tango yung babaeng saka nagpa-alam upang sumunod sa mga kasamahan nito. No'ng iilan nalamang ang mga taong bumababa, tumayo siya at pagkatapos ay lumakad patungo sa may hagdanan na siyang labasan ng Bapor. Bumungad sa kaniya ang mga naka hilerang karwahe, iba iba ang kulay at desinyo ng mga ito. Napansin niya ang karwaheng naiiba sa lahat doon sa may likuran. Bulok na ito kung titingnan mo, medyo di narin kapansin pansin kaya ito nalang ang nilapitan niya. Naka upo sa harap non ang isang matandang lalaki na medyo uugod ugod na.
"Ginoo pwede po bang sumakay sa inyong karwahe?" magalang na tanong ng prinsesa sa matanda, nilingon ito ng matandang kutsero.
"O magandang binibini, ikinagagalak kong maisakay ka sa aking munting karwahe" napangiti ang prinsesa sa magandang bungad nito sa kaniya. Bago ito sumakay pinagmasdam niya muna ang paligid. 'Mukhang maganda naman ang pamamalakad ng hari at reyna dito' sabi ng isip niya.
"saan po ang ruta ninyo binibini?" tanong sa kaniya ng matanda nang siya'y makapasok sa karwahe. Binuksan niya ang nakatuping mapa saka tiningnan ang lugar kung saan nakatira ang kaniyang amain.
"sa may bayan po malapit sa kahariang Hoesa" pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ang karwahe biglang tumakbo. Dahil sa nakabukas lang ang bintana pasulyap niyang tinanaw ang kanilang dinadaanan, makikita dito ang maganda at kamangha-manghang tanawin.
Ilang oras ang lumipas nakarating na ang Prinsesa sa sinasabing bayan, tumigil ang karwahe sa isang sulok kung saan may mga taong nagsisibenta at may kung ano anong ginagawa, yung iba naman ay naglalakad lang at nakikipag-usap. Dahil sa dami ng tao, naramdaman ng prinsesa na may humawak sa dala niyang kustal. Nang tingnan niya ito isang balingkinitan na lalaki ang kaniyang nakita na may katangkaran.
"Akin na yang dala mo" mabilis na hinablot ng prinsesa ang kaniyang kustal pagkataps ay agad niyang tinadyakan ang lalaki, napadaing ito dahil sa sakit. Sunod na ginawa ng prisesa ay pinantayan niya ito, nakaluhod na kasi ngayon ang lalaking nagtangkang nakawin ang dala niya.
"huwag mo akong susubukan" susuntukin na sana ng lalaki ang Prinsesa nang mabilis itong naka-ilag, muli ay pinagsisipa nito ang lalaki saka pinagsusuntuok. Idiikit niya pa ito sa dingding pagkatapos ay kina-usap.
"You don't know me" nagulat ang lalaki sa ginamit na lenggwahe ng prinsesa, muli ay nakatikim na naman ito ng suntok at doon na tuluyang nakatulog.
"ang sakit ng Fist ko" daing ng prinsesa, ang ibang taong nakarinig sa kaniya ay napatingin sa gawi nito, napa iling nalang siya dahil sa nangyari. Ng balikan niya ang dalang Kustal wala na ito. Nilibot niya na ang kaniyang paningin sa buong paligid pero hindi niya iyon nakita.
"Ito ba ang hinahanap mo?" nagulat ang prinsesa sa boses na kanyang narinig.
"Uncle?" mahina niyang sambit nang mapaharap ito sa lalaki. Ng malinaw niya na itong nakita doon na siya tumili,
"uncl----" mabilis na nakalapit sa kanya ang amain at tinakpan ang kaniyang bibig.
"ano kabang bata ka, hindi kaba sinabihan ng ama mo na huwag magsalita ng lenggwaheng Ingles?" mahinang wika ng amain sa kaniya, dahan dahan nitong kinuha ang kamay na nakatakip sa baba ng prinsesa
"paumanhin tiyo, hehe" napayuko ang prinsesa dahil sa hiya.
"YANG!!" mabilis na napatingin ang prinsesa sa sumigaw.
"FENG!!" balik na sigaw ng prinsesa sa pinsan nito. Nagyakapan ang mga ito ng makalapit na sa isa't isa, nagtatatalon pa sila habang tumitili.
"Matagal rin tayong hindi nagkita" wika ng pinsan nito
"oo nga" pagsang-ayon ng prinsesa
nginitan nila ang isa't isa saka sabay na tumingin sa ama ni Feng.
"tiyo paki dala ng kustal ko, maraming salamat"
To be continue...
![](https://img.wattpad.com/cover/128767859-288-k710487.jpg)
YOU ARE READING
The Prince's Gundae
Fiksi SejarahIsang pangkat ng mga Babae na nahahati sa tatlong klasse. Ang Golkipeo o mga tagabantay, ang Jeonsa o mga mandirigma at ang Yeosin na siyang pinakamataas sa kanila. Silang lahat ang naatasang maging bantay at taga-alalay ng pinakaiingatang mahal na...