Kabanata 1

26 4 0
                                    

Hear

Nagmamadali akong makauwi pagkatapos ng klase.

I want to meet my parents as soon as possible to tell them my good news!

What I really love about them is they recognize my accomplishments no matter how big or small it is.

"Salamat po Manong."

Agad akong bumaba ng sasakyan namin pagkatapos kong magpasalamat kay Manong Paco, ang family driver namin.

My Dad is working in a government office while my mother is a businesswoman. Mayroon kaming restaurant at catering services.

We're accomodating Weddings,birthday parties, Anniversaries and many more.

Madalas ay sa sarili naming pavilion ginaganap ang mga event ng guests pero may mga pagkakataon na lumalabas din kami lalo na kapag summer.

"Mama, I'm home!"

Pagtawag ko pagkabukas pa lamang ng double doors ng bahay namin.

Sinipat ko ang pambisig na relo.

5:30pm na, siguradong nakauwi na si Mama.

Usually kapag wala namang event at regular na araw lang sa restaurant ay hindi siya gaanong nagtatagal doon, di tulad kapag may event talaga dahil hands on doon si Mama. Mayroong mga naka assign sa pagluluto ng pagkain pero tutok din siya doon at nagluluto din.

Madalas din akong sumama kay Mama lalo na kapag may mga children parties dahil kapag may mga theme ang birthdays ay nagsusuot din ako ng costumes o di kaya'y uniform ng mga waiters na babagay sa theme ng birthday celebrant.

Madalas akong pumwesto sa candy corner.

Dahil nga wala akong kapatid, sabik ako sa bata. I love kids lalo na iyong sobrang ku-cute at chubby ng mga cheeks. Ang sarap lang panggigilan!

"Amore".

I heard my mom called out my name. Her voice is coming from the kitchen. I immediately walked towards its direction.

"Hi Ma."

I hugged her and kissed her cheeks.

"Si Papa po?"

She kissed me back and pointed the high chair near the counter top.

I immediately sat on it while she's pouring water on a glass,gesturing me to drink it after sliding it in front of me.

"Thanks,Ma."

Ngumisi ako doon. Ugali na talaga ni Mama na painumin ako palagi ng tubig, alam na alam niya kasing tamad akong uminom kaya palagi niya akong pibagsasabihan, telling me that water is the cure of all diseases. Ayun daw ang libreng gamot sa lahat. Madalas kasi akong magkaroon ng uti dahil sa junk foods at softdrinks.

Ako naman ay palaging si "opo" pero madalas talaga'y hindi ko iyon nagagawa.

"Nasa office niya ang Papa mo sa taas, may inaayos pang trabaho. Maglinis ka na muna at magpalit ng damit para makapag meryenda."

Umakyat na ako sa taas at nagdiretso sa aking kwarto.

Inilapag ko agad ang bag sa kama at padarag na nahiga doon.

I closed my eyes tightly, enjoying the comfort of my bed.

Mga ilang sandali pa at kumuha na ako ng pampalit na damit at nagdiretso sa banyo.

Pagkababa ko sa kitchen ay naroon na si Papa, kumakain ng cake kasama si Mama.

"Hi Pa!"

Umikot ako sa may likod niya. I hugged and kissed him on his cheeks.

Won't Get Fooled AgainWhere stories live. Discover now