Simula

24 4 0
                                    

"Excuse me!"

Pinilit kong tumingkayad upang masilip ang nakasulat sa bulletin board ngunit bigo ako.

"Ano ba yan,maghintay naman kayo!"

"Huwag nga kayong maniksik diyan!"

"Uy, number 1 na naman sa Ranking! Galing talaga!"

Pinilit kong makipagsiksikan sa tumpok ng mga estudyante doon dala na din ng excitement.

I wonder what is my rank for the first quarter. Hindi naman ako naghahangad ng una. Basta palagi ko lang ibinibigay ang makakaya ko sa pag aaral.

Basta't makita ko lamang ang pangalan sa ranking ay masayang masaya na ako.

"Amore!"

Sa gitna ng pakikipagsiksikan at pagtingkayad ko roon ay may biglang humigit sa akin.

Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa nakabibinging pagtili ng taong humigit sa akin.

"Ang galing mo!"

"Ang galing galing mo talaga!"

Niyakap at pinanggigilan ako ni Rachel.

"Wait lang. Huwag mo naman akong lamugin chel."

Pilit kong iniiwas ang sarili sa kanya habang natatawa sa reaksyon niya.

"Ang galing mo talaga! Halika dali"

Hinigit niya akong muli sa tumpok ng mga estudyante.

"Ay excuse me lang, sandali at padaanin niyo kami,wala naman yata dyan ang mga pangalan niyo!"

Pasimple kong kinurot sa tagiliran si Rachel. She's really talkative especially when she's in extreme excitement.

Hindi man lang pumreno sa pananalita.

Natutuwang itinuro niya sa akin ang listahan ng ranking sa taas.

Grade 10-Venus

Star Achievers

1. Victoria Amore Consolacion.
2. Crizel Andrin
3.Ryan Florencio

And the list goes on. Sa top 7 ng klase ay ako iyong nangunguna.

Hindi ko mapigilan ang ngiti. I am just so happy to supress my smile.

I can still feel Rachel hands on my arms as she continiously shaking me out of happiness.

Nagsimula na kaming maglakad palayo doon at binigyan ang iba ng pagkakataong makatingin doon.

"Ikaw na yung number one Amor,ang galing mo talaga. Naku paniguradong inggit na naman sayo si Crizel niyan"

"Tumigil ka nga,first quarter palang naman yun,marami pang magbabago. Ang ingay ingay mo naman mamaya niyan may makarinig sayo nakakahiya"

Agad ko siyang sinuway. Hindi nanaman mapigilan ang kadaldalan nitong si Rachel. As much as possible ayokong pinag uusapan ang tungkol doon. Hindi ko naman ugaling ipagyabang ang mga bagay na naachieve ko sa klase. Ayaw ko ding may mayabangan sa akin ng dahil doon.

Crizel Andrin was our top 1 student since Grade 7. She's very intelligent and focused with her studies. I admire her for being so dedicated with everything that she do and that motivates me to study well too.

Nagsipag din ako kagaya niya. I want to make my parents proud and make them happy.

Though I know wether I get the rank 1 or not, they are still proud of me.

My parents aren't the type that would pressure you to be the best always. They aren't the kind of parents that would push you to reach their expectations. To be perfect even though you knew you can't.

Won't Get Fooled AgainWhere stories live. Discover now