Kabanata 2

7 1 0
                                    

His Eyes

Nakakahiya!

Pilit kong iwinawaksi  sa aking isipan ang kahihiyang natamo  kanina ngunit baliwala.

"Ang tanga mo naman Amore!"

Gigil kong pinag hahampas ang unan sa aking higaan.

They might think that I am a nosy girl, enjoying what I'd hear kaya hindi ako umalis agad at imbes nagtago pa!

Ano bang gagawin nila kung sila ang nasa sitwasyon ko diba? It was so awkward if I  appear in the middle of their heated conversation so I decided to just keep quiet that time. I don't care about them anyway kaya ano bang makukuha ko sa pakikinig sa kanila kung ganoon?

"Ughhh!"

Nakatulugan ko na ang pagpupuyos sa inis sa sarili. Kinabukasan ay masakit ang ulo ko dahil sa puyat at marahil sa matinding pag iisip.

"I don't care. I don't even know them."

Pagkumbinsi ko sa aking sarili ngunit nagdadasal pa rin na sana'y hindi magkrus ang landas namin.

Nagmamadali akong makapasok ng School, hindi dahil sa male late na ako kundi dahil ayaw kong  makita yung Arlene at saka yung boyfriend nya.

Napapikit ako ng mariin. Naalala ko nanaman ang kahihiyang dinanas ko kagabi. Kasalanan ko ba iyon?

"Hay. Kainis talaga."

Pagkababa ko ng sasakyan ay dire- diretso akong nagtungo sa may gate. Hinawi ko ang mahabang buhok at bahagya ko iyong ihinarang sa aking mukha.

"Amore!"

Someone called me while I'm walking at the hallway. Really... Sa kalagitnaan pa talaga ng pagkukubli ko at saka may tatawag ng malakas sa pangalan ko?

Hindi ko magawang lumingon dahil baka mamaya kasunod ko na pala ang isa sa dalawa.

"Huy, Amore wait!"

Bahagya akong tumigil ngunit hindi pa din nagawang lumingon. I wonder if Arlene and the guy from last night knows me? I mean sila nga hirap akong kilalanin, lalo pa kaya sila sa akin? Sila naman itong pansinin sa School dahil active sa mga extra curricular activities eh.

Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong kaibigan ko lang pala iyong tuatawag.

"Bakit ka ba nagmamadali sa paglalakad, kanina pa kaya kita tinatawag." Si Jocelyn habang sinasabayan ako sa paglakad.

Diretso ako sa hagdan patungo sa room namin. Nakatungo pa din at hindi lumilingon sa paligid.

"Huy, ano ba. Napano ka at ganyan ka maglakad. Nagtatago ka?"
Hindi na niya napigilang puna sa akin.

"H-a... wala. May stiff neck ako!"

Kumunot lamang ang noo niya, halatang hindi naniniwala sa akin.

Laking pasasalamat ko na wala akong nakitang isa sa pinagtataguan ko hanggang magsimula ang klase. Hindi ko kasi alam kung ano'ng gagawin kapag nakita ko sila.

It was so awkward to actually witnessed some couple breaking up almost infront of you. Though wala naman akong balak ikwento iyon sa iba because like what I've said, wala naman akong pakialam.


Kasalukuyan kaming nagla lunch sa cafeteria nila Rachel at Jocelyn nang biglang may isang grupo ng mga babaeng grade 11 ang maingay na papasok sa loob.

Some student were looking at them while the other ignored them including us. Nagpatuloy lang kami sa pagkain habang masayang nagkukwentuhan ng kung anu- ano.





Won't Get Fooled AgainWhere stories live. Discover now