Obsessive

43K 1.4K 229
                                    

ob·ses·sion

əbˈseSHən/

noun

-the state of being obsessed with someone or something.

-an idea or thought that continually preoccupies or intrudes on a person's mind.

--

Naranasan mo na bang magmahal ng taong hindi mo pa kilala? Hindi mo sya kilala pero naramdaman mo agad na may kakaiba. 'Yong sa unang kita mo pa lang sa kanya, feeling mo nahulog na sa lupa ang puso mo? Corny, 'di ba?

I thought so too. Hanggang sa makita ko sya. Love at first sight ata, e. Hindi ko napigilan ang pagkaripas ng tibok ng puso ko. Parang feeling ko nagkaroon ng butterfly garden sa tiyan ko. I felt like time had stopped at that particular moment.

At noong nakita ko sya, I didn't let him out of my sight again. Hinabol ko sya. Sinundan. I became his stalker. Obsessed na obsessed ako sa kanya.

I remembered it happening 6 years ago. Summer noon. Kaka-graduate ko lang ng high school. At dahil sa mainit ang summer, nakagawian ko na'ng tumambay sa mall. Araw-araw. Swerte nga ng mga tao do'n, palagi nila akong nakikita. At least nakakakita sila ng maganda.

And don't think that I'm just boasting... kase maganda talaga ako. Wala sa lahi namin ang pangit. Kung meron man, I'm sure naitakwil na. At ako? Isa ako sa pinakamaganda. Madalas nga akong mapagkamalang artista.

So I'm used to people's stares. Sanay na rin akong lapit-lapitan ng mga lalaki para hingiin ang number ko. Binibigay ko naman... 'yong number ni yaya. Ang dami na nga nyang textmate, e! Pakialam ko ba sa boys? Maglaway sila!

Lalo na sa suot ko ngayon... short shorts tapos striped blouse and a pair of sandals with wedged heels. Naka-shades din ako kahit hindi maaraw sa loob ng mall. Paki nila?

"Hi, Miss," bati ng isang lalaki.

Hi yourself, pangit!

Kapag pangit hindi ko pinapansin. Inismiran ko sya saka ako nagpatuloy paglalakad. Hmm.. where to go ba? Ayoko namang mag-shopping. Apaw na ang closet ko. Saka wala akong tagadala! Ayoko kasing magsama ng manliligaw ko. Baka isipin nila na sasagutin ko na sila just because I let them tag along.

Should I eat first? Pero nakakain na 'ko sa resto ni kuya kanina. Ayoko namang kumain ulit dahil lang sa wala akong magawa. Manaba pa 'ko! Arcade? Ano 'ko bata?

Haaay... so I guess I'll just walk and let them enjoy the view.

Sakto namang napadaan ako sa tapat ng Timezone. As usual, super crowded na naman. Bukod kasi sa mga bata, marami ring isip-bata na naglalaro do'n.

"Uy, Toby, ikaw naman!"

"Sige, tol."

Napatingin ako dun sa mga naglalaro ng malaking hammer. Kakatapos lang noong isang guy na pumukpok tapos iniabot nya yung hammer do'n sa isang lalaki, who I assumed was Toby. I stopped walking. Ang gwapo nya kase... si Toby. Brown yung buhok nya saka ang gwapo kapag naka-side view! Matangos ang ilong. Makinis ang mukha tapos 'yong lips! My god! Bagay na bagay kami.

Itinaas nya yung hammer and he was about to slam that thing nang bigla syang kuhitin noong kasama nya at itinuro ako.

"Uy pre, chicks, o! Nakatingin dito. Kilala mo?"

Lumingon sya sa 'kin. I smiled. 'Yong pinakamaganda kong ngiti. Pero blank lang yung expression nya saka sya umiling.

"Di, e." Saka nya itinuon ulit 'yong attention nya sa nilalaro. Nainis ako! He ignored me! No one ignores me! They can't possibly ignore me! Sa ganda kong 'to!

IJL #3: O.C.C.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon