Compulsive

33.4K 1.2K 180
                                    

com·pul·sion

kəmˈpəlSHən

noun

-the action or state of forcing or being forced to do something; constraint.

-an irresistible urge to behave in a certain way, especially against one's conscious wishes

--

Kinakabahan ako. First day of school ngayon. Walang uniform sa school na 'to kaya freestyle lahat ang suot. I'm okay with it naman. It's great actually. Napakarami ko namang damit at dahil sa likas na fashionista ako, this would be a great opportunity for me to show off.

Pero kinakabahan pa rin ako. I don't know why.

Siguro kasi hindi ako sanay sa cheap school? Ha! That must be it! I don't know how to meddle with these... people.

Tama. 'Yon nga siguro. Well, for Toby I'll do anything. Kahit na ang makipagsiksikan sa mga taong 'to! Gosh! Naka-dress pa naman ako! E, pa'no kasi, nagkukumpulan sila do'n sa isang bulletin board for their class and schedules. E, hello! Bakit kasi iisa 'yong nando'n? Do'n sa school na papasukan ko sana, kasama na ng letter of acceptance nila 'yong sched!

"Anong section ka?"

"C. Ikaw?"

"C din! Yes, magkaklase tayo!"

C? As in cheap? God! Ano kayang arrangement nila ng pagpili ng magkaka-section? By IQ? Kung ganun, for sure A ako. By Beauty? A pa rin! A naman ako sa lahat ng bagay.

"Uhm... hello..." A nerdy looking girl just approached me. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Why?"

"A-Ah wala lang... first year ka din ba?"

Natural! Makikipagsiksikan ba 'ko dito kung hindi? Must she state the obvious?

"Yes."

"Ah... ako nga pala si Euphemia. Ikaw?"

"Gale."

"Nice to meet you Gale."

I gave her a quick nod. Akala ko titigilan na nya 'ko. Hindi pa pala.

"Anong section mo?"

"Don't know yet," maikli kong sagot.

"Gusto mong tingnan ko?" she offered.

Hindi naman ako tumanggi. "Sure. Suit yourself."

She smiled. Hmm... okay she's quite pretty naman. Bawasan lang ang pagkamanang.

"Ano'ng surname mo?"

"Eusebio. Corrine Gale Eusebio."

Tumango siya at saka nakipagsiksikan sa ibang estudyante. After mga 10 minutes siguro, she went out... gasping for air. She looked pathetic. Naka-turtleneck pa naman! Kainitan!

"Are you okay?"

"Yeah... I'm... fine," she panted.

"Did you see my name?"

Tumango sya. "Section B ka. Pati ako. Classmates tayo." She said the last sentence with a smile.

"Did you get the schedule?"

"Yes. Ito, o." She showed me her notebook. May scribbles doon ng schedule namin. "Aayusin ko muna tapos ipapa-photocopy ko para sa 'yo."

"Okay." Nakakuha agad ako ng P.A. Haha! I'm so mean!

IJL #3: O.C.C.L.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon