Kabanata 3- Chocolates and Horses

1.7K 44 17
                                    

ATHENA'S POV

Kinabukasan...

Pagkagising ko sa umaga ay nagulat na lamang ako na alas diyes na pala. Ba't hindi na naman ako ginising ni yaya?

Napaisip-isip muna ako ng ilang sandali bago ko mapagtanto na Sabado pala ngayon, at wala si Teacher Ann, ang aking personal na guro. Home-schooled kasi ako at tinuturuan niya ako ng five basic subjects for five hours a day, five days a week. Tatlong taon ko na siyang guro, simula pa nung six years old ako at infairness, kahit minsan ay naboboringan ako sa pag-aaral ay nagagawa niya pa ring kunin ang interes ko...

Napatingin ako sa bedside table ko at nakita ko ang breakfast ko. Tapsilog with orange juice, and three servings of rice. Hindi kasi enough sa akin ang isang serving lang dahil malakas akong kumain. Kailangan ay dapat puno ang pinggan, at iyong ulam ay pang animnapu't siyam ka tao.

Iyan siguro ang rason kung bakit ako mataba. Siguro ay kailangan ko nang magdiet? Ang gaganda kasi ng mga babae sa mga paperback novels na nababasa ko, kaya no doubt ay nagugustuhan din sila ng kanilang mga leading man.

Napagdesisyunan kong kainin lang ang kalahati ng rice pero sa huli ay naubos ko pa rin. Ang sarap eh. Mukhang mahihirapan yata ako sa pagda-diet nito...

But I will do my best, para kay Kuya Chad... Magpapasexy talaga ako sa kanya!

Ano na kaya ang ginagawa ni pogi ngayon?

Pagkatapos kong kumain ay agad-agad akong naligo at nagpaganda. Isinuot ko ang aking bestidang puti saka yung brown boots ko at sinuklay ng maigi ang makapal at parang pubic hair kong buhok na kasing itim ng sunog na pwet ng aming kaldero.

Bago ako umalis ng kwarto ay napatingin ulit ako sa salamin at inayos ang buhok ko for the last time. Kinindatan at itinuro ko pa ang aking repleksiyon dahil ako nga mismo ay nagagandahan sa sarili ko, what more pa kaya ang iba, di ba?

I happily skipped my way towards his room, at nanginig pa sa excitement nang mapakatok na ako. Nang bumukas ang pinto ay bumungad sa akin si kuya pogi na nakasando lang at pulang polo shirt na checkered at bukas lahat ng butones.

Oh my. Ang sarap namang martilyuhin ang bungo ng kung sino mang nag-imbento ng mga sando! 'Di sana ay nakita ko na ang abs ni kuya. Feeling ko ay meron naman siya kahit medyo payatot siya ng kaunti.

Nang umangat ang mga tingin ko sa mukha niya ay napatulala na lamang ako sa kanya. Feeling ko tuloy ay nakatitig ako sa isang glamorous magazine, at siya iyong nasa cover.

Mukhang hindi nito inaasahan ang aking pagsalubong sa kanya, pero napalitan rin ng nakakasilaw na ngiti ang kanyang pagkagulat sa mukha.

"Oh, hey, babygirl! Good morning!" masiglang pagbati nito sa akin.

"Good morning din..." ...aking prinsipe. Pagpapatuloy ko sa aking isip. "Ahm, pinapasabi pala ni papa na ililibot daw kita sa buong Hacienda ngayon." pagsisinungaling ko para lang magka-moment sa kanya.

Of course, naroon na iyony attraction sa pagitan namin. Yung development nalang ang kulang para tuluyan na siyang mahulog sa akin. Hindi naman sa masyado akong bilib sa sarili ko, pero we can't deny the fact na maganda ako and we are destined to be with each other.

Kailangan nalang naming mag-bonding araw-araw para mas mapadali ang kanyang pagkahulog sa akin.

"Tamang-tama naman kung ganun. Gusto ko talagang maglibot ngayon para na din makahanap ng magagandang tanawin."

Seducing Athena (Filipino) (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon