Chapter 1

13 2 0
                                    


Liana's POV

"Ms. Alfonso, what is the meaning of auxiliary verb?"

Kringggg...

Yes! Gosh...saved by the bell. Muntikan na ako. Kasi eh si Art pinuyat ako kagabi kaka-chat. Ayan tuloy hindi ako nagkapag-review sa recitation ngayon.

Well it's recess time...

Lumapit sa akin ang tatlo kong mga kaibigan: Avi, Yana, at Kc.
Naka smirk sila saken?

Whatever.

"'Lika na guy's. Nagugutom na rin ako" sabay haplos ng tiyan kong nananaba na.

"Oh! Oo nga gutom na gutom na rin ako. Mapapadami yata ako ng order." Yana said.

"Lalo na ako...ang sarap kayang kumain ng libre. Di'ba Liana?" Avi.

Hahaha Mukhang ang saya nila today? Anong ganap?

"Oo nga! Gaya nung panlilibre satin ni Yana last week--- oh my gosh!" napahinto ako dahil may naalala ako.

It's my turn.

Nakalimutan ko!!!

"So naaalala mo na Liana? Girl, don't deny it." sabay kapit ni Kc sa bisig ko.

Homayghad!

Hindi ako handa! Allowance ko 'to for this week. May magagawa pa ba ako?

Hindi ko sila pwedeng hindi-an.

Bahala na si Batman.

"Ok.ok...I admit nakalimutan ko kaya hindi ako handa---"

"Sus palusot. Halika na at gutom na kami, alam mo bang wala akong umagahan? Kaya let's go!."

Aish! Kung pwede lang tumakas.

...

"Mamumulubi ako sa inyo. Ang sisiba niyong kumain ano?" sabi ko.

"Wow! Nagsalita ang hindi matakaw, ikaw kaya ang may pinakamaraming in-order nung ako yung nanlibre. Bumabawi lang ako no." bigkas ni Yana na punong-puno ang bibig ng pagkain.

Huhuhuhu mangungutang ata ako sa banko mamaya.

"Uy! Ayan na sila. Gosh sana dito sila umupo." sabi nung isang babaeng mahalimparot. Makalipstick ba naman kaya mo mauubusan ng lipstick.

So ayun nakatulala at naglalaway kaming lahat sa kanila.

God's sake. Bakit may mga ganyang nilalang sa mundo, nakakabaliw.

Yuan, Juss, Cris, Ali

Sila ang mga lalaking bumihag hindi lang puso ko kundi sa puso ng lahat ng kababaihan sa campus, pati nga ata mga bakla.

Ganun sila kaimpluwensya.

My god! All of them are single and of course always ready to mingle. They are bad boy's.

Pinipilit ko silang hindi kabaliwan pero ang lakas talaga ng impact nila.

Lahat na ata napapasunod nila.

"Tabi!" sigaw ni Yuan dun sa lalaking nasa unahan ang pila.

"Ang yabang niyo! Ampapanget niyo naman. Wala naman kayong kwenta sa campus na 'to, dapat ang mga tulad niyo kinikick-out---"

'Di natuloy ang sasabihin nung lalaki dahil natikman niya ang umaapoy na kamao ni PacMan ay este Cris.

"Shut up bitch! Wala kang binatbat!" sigaw naman ni Ali.

Oh di'ba? Now you know? Ganyan sila kabarumbado.

Kawawa naman yung mga nasasaktan nila. Ewan ko ba, kaya siguro wala silang jowa dahil wala silang puso.O 'di naman kaya mga bitter sila. Wala rin naman siguro silang balak na magseryoso sa mga babae. Baka nga laruan lang kaming nga babae sa kanila.

You and IWhere stories live. Discover now