Chapter 2

6 1 0
                                    

James's POV

"AHHHHHH!"
Huh! Anong nangyare dun?

Kapatid ko ang daming kalokohan. Kulang ata 'to sa alaga. Nakuu! 'Yang Yuan na yan ang puno't-dulo, kaya tuloy nababaliw kapatid ko.

"Ayos ka lang baby girl?" mahinahon kong tugon.

"What the heck! Kung sino ka man, umalis ka nga! Layuan mo ak-sh*t!" Sunod-sunod na talak ni Avi. Anong problema niya?

Aba minura ako nang kapatid ko. Tapos, hindi niya pa alam kung sino ako. Loko yun ah! Kakaltukan ko yang loka-loka kong kapatid.

Aish! Nababaliw na ata siya. Wala akong magagawa kundi pilitin na buksan ang pinto. Wala naman siguro siyang kababalaghan na pinaggagawa.

"Hoy! Hopya, naboboang ka na naman. Halika na sasabay ka sa akin hindi ba?" sigaw ko habang kumakatok.

Malelate na kami. Kapatid kong 'to hindi na nagbago. Pagong kumilos.

"Damn! Who the hell are you? And where I am?" sigaw niya na galit na galit. Aish! Nababagot na ako.

Pinilit kong buksan ang pinto at naalalang may susi pala ako ng kwarto niya. Bakit? Syempre promise namin na free kaming pumasok sa kanya-kanyang kwarto.

"Hop---ANONG GINAGAWA MO? HOY! MAGTAKIP KA NGA." bigla akong napatalikod nang makitang nakahubad at nakaharap sa salamin si Avi.

Hayys! Anong trip niya? Dapat pala hindi ko nalang pinasok yung room niya kung alam ko lang na ganito madadatnan ko.

Hay! Bigla nalang akong lumabas sa kwarto niya dahil hindi ko na kinaya. Kuya niya ako pero siyempre ang laki nang respeto ko sa kanya.

"Magdamit ka nga! Nakakahiya ka!" sigaw ko at bumaba na. Papasok na ako nang hindi siya kasama. Mukhang wala naman siyang balak pumasok. Buti nalang yung sa likod lang ang nakita ko. Hay! Kung pwede lang burahin ang laman ng isip ko.

Habang pababa ako ay nakasalubong ko si mama. "Anong problema? Parang gulat na gulat ka? Nasan na nga pala ang kapatid mo? Hindi ba sabay kayo?"

Hindi ko na alam kong alin ang sasagutin ko sa dami nang tanong ni mama.

"Ma, puntahan mo nga sa kwarto niya. Nababaliw na. Dalhin niyo na rin sa mental hospital. Mauna na po ako, hindi ko na siya isasabay mukhang walang balak eh."

"Ah ganun ba? Sige, mag-ingat ka."
wika niya.

Umalis na ako sa bahay. Hay! Hindi ko talaga makalimutan ang nakita ko kanina. Kapag nakita ko si Yuan naku! Susuntukin ko yun.

Tanga kasi kapatid ko eh. Doon pa sa loko-loko nabaliw. Ayyy kung pwede lang na ako na ang mamimili nang mamahalin ni Avi.

Pagkarating ko ay pinarada ko ang kotse sa parking lot. Pagkalabas ko ng kotse ay natapat naman ako sa isang kotse kung saan nakatayo si Yuan. Sakto!

"Sir, kung may kailangan ka pa po tawagan niyo po ako." sabi nung driver ata niya. Ang pagkaka-alam ko ay marunong siyang mag-drive.

"Sige po!" maligayang tugon ni Yuan. Eh? Ang lawak ata nang ngiti niya ngayon?. At mukhang walang kaaway.

Napatingin sa akin si Yuan at nabigla nalang ako nang lumapit siya sa akin at...

Niyakap ako?

The F! What the hell! He's damn crazy idiot!

Plano niya ba 'to?

"Good morning kuya--I mean good morning bro!" The hell. Ugh! This crazy bastard! Kung ano man ang plano niya the f*uck I care.

"You! Akala mo maloloko mo ako? Anong ginawa mo sa kapatid ko?" Galit kong bigkas.

"Aba! Wala akong kinalaman ko? Teka, anong ginawa ng kapatid mo? Asan ba siya? Gusto ko nga palang mag-sorry sa kanya."

Nakakalalaki tong taong 'to ah!
Tyaka bakit parang ibang-iba siya sa Yuan na kilala ko. At---haiyys!

"Kung balak mong saktan ang kapatid ko...inuunahan na kita. 'Wag siya!" sabay alis sa harapan niya.

Halatang nagulat siya sa mga sinabi ko. Tama lang yun!

Tama nga ba ginawa ko? In the first place, wala naman siyang ginawan sa kapatid ko. Si Avi dapat managot nito eh! Ay! Ewan ko ba.

Nag-aalala lang talaga ako kay Hopya.

Dumiretso na ako sa room ko. Pagakarating ko ay puro kwentuhan ang mga naabutan ko.

"Hey,

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 04, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You and IWhere stories live. Discover now