10:15 pm
Dialing. . .
Call Connected.
"Hi again!!!"
"... please lang. Tigil-tigilan mo na pagtawag sa akin pwede?"
"Ow sige! Ano muna palang pangalan mo?"
"Woozi."
"Okay Woozi! Pwedeng manghingi ng advice?"
"Ang harot din ng pwet mo ano?"
"Hahahaha! Aba syempre asset ko din pwet ko!"
"Lintek pfft..."
"Ano yon Wooziii?"
"Wala."
"So ayun! Pa-advice naman Woozi."
"Haist... Ano ba yon?"
"Yasss! Sige! Ganito kasi... I'm a bi, ok? May boyfriend ako kaya lang naghiwalay din kami dahil sa may nagustuhan siyang iba. Then ayun naging friend ko na lang yung ex ko."
"Tapos?"
"One day, nakilala ko din yung pinagpalit sa akin ng ex ko. Lalaki din pala."
"Oh ngayon?"
"Eto na nga. Nagkagusto sa akin yung boyfriend ng ex ko pero hindi ko—"
"Wait, pwede bang pangalanan mo yung ex mo? Nakakalito na dahil ex boyfriend tapos boyfriend ng ex."
"Kailangan ba pangalan talaga nila?"
"Kahit nickname o gawa ka na lang. Bahala ka."
"Okay si Soo yung ex ko. Si Han yung boyfriend niyang may gusto sa akin."
"Okay, si Soo yung ex boyfriend mo. Nakipaghiwalay siya dahil kay Han tapos yung Han pala niya nagkagusto din sayo. Parang love triangle lang."
"Oo, ata? Kaya iyon nga. Type ako ni Han pero hindi ko siya gusto ah. Mas gusto ko pa rin yung ex ko dahil mabait iyon unlike sa pinagpalit niya sa akin."
"Bitter."
"O-oy! Bitter na kung bitter! Atleast gwapo pa rin."
"Mayabang."
"Aba't–!"
"Tsk! Kaya ka pala iniwan ng ex mo. So anong advice ba kailangan mo?"
"Gusto ko pa rin kasi hanggang ngayon si Soo kaya lang, tangina ng boyfriend niya dahil nagkagusto naman sa akin. Akala naman niya papatulan ko siya. Kaya magmove-on na lang sana ako kaysa bawiin ko pa si Soo pero hindi ko naman alam kung paano magmove-on."
". . ."
"Wooziii?"
"Seryoso ka ba?"
"Sayo? Oo naman!"
"Tang—"
"Joke lang!! Don't say bad words, ok?"
"Tch. Tanga, move on na lang hindi mo pa alam."
"Alam ko! Pero hindi ko alam kung paano, ok?"
"Babaan sana kita kaya lang tatawagin mo lang uli ako."
"Hehehe so... advice naman kung pano mag-move on."
"Libangin mo sarili mo, magfocus ka sa kung anong goal mo sa buhay. You only live once at sulitin mo buhay mo. Hindi yung pinoproblema mo sila at wala ng taling lovelife mo."
". . ."
"Okay na ba? Kasi gusto ko na matulog."
"A-ah! Oo nga! Tama! Thank you sa advice Woozi!"
"... Tsk ewan."
Call Disconnected.
BINABASA MO ANG
Advice / jicheol
Fanfiction❝Hi! Ako pala si Seungcheol! Pwede bang manghingi ng advice?❞ ✨ #1. jicheol episto story .