08.

94 8 0
                                    

8:25 pm

Dialing. . .

Call Connected.

"Ano?"

"Hello Wooziii!"

"Yeah. Hi Seungcheol."

". . ."

"Hoy."

"A-ah... ano?"

"Nevermind. Ibaba ko na lang ito."

"Wag! Ikaw naman. Manghingi nga lang uli ako ng advice sayo Woozi eh."

"Wala ka bang kaibigan? Tsk! Sa akin ka hingi ng hingi ng advice."

"Meron akong mga kaibigan. Kaya lang busy naman sila lagi para sa iba kaya ito psh."

"Ah i see. Kaya ako itong ginugulo mo."

"Hahaha! Kunwari ka pa. Gusto mo naman eh."

"I-block kita jan nyeta. Ano na naman ba advice kailangan mo... Oh wait."

"Bakit Woozi?"

"Wala. May naisip lang."

"Ako ba iniisip mo? Hehehe."

"Sakit ka lang sa ulo."

"Awww wag mo naman kasi ako masyadong isipin Woozii."

"Para kang ewan. Anong advice ba kailangan mo?"

"Ano.... ito talaga kasi ang kailangan kong advice Woozi."

"Sige ano?"

"May nagustuhan kasi ako."

"Oh? Kakatapos niyo lang ng ex mo may nagustuhan ka na kaagad?"

"Woozi kasi.. matagal na iyon. Matagal na talaga ako nakamove on jan! Tinetest lang kita kung maganda ka talaga magbigay ng advice."

"Okay.. wow? Test pa talaga ah?"

"Okiee! Sorry again. But the thing is gusto ko muna maging kaibigan siya kasi naman. Doon muna naguumpisa lahat hindi ba?"

"Pfft okay."

"Nakikinig ka ba?"

"Malamang. Kahit nonsense pa yan matapos lang panggugulo mo."

"Grabe ka naman Woozi."

"Ituloy mo na lang."

"Iyon nga. Gusto ko siyang maging kaibigan pero yung problema kasi ang hirap sa kanya ay yung pakisamahan siya. Sa kanya ako pinakanachallenge kasi never pa ako pinagtatabuyan ng taong katulad niya."

"So? Ang problema?"

"Yung ugali niya. I mean hindi problema iyon pero kung paano ako mapapalapit sa kanya kahit ganon siya."

"Paano ka ba niya pinagtatabuyan?"

"Sinasabihin niya akong lumayo, binubugbog, minumura ganon hehe."

"Hindi na ako nagtataka."

"Eh?"

"Kausap nga lang kita gusto na kitang sipain, yung nagugustuhan mo pa kaya."

"Eey! Ang harsh mo naman sakin Woozi!"

"Sige ganito gawin mo."

"Ano?"

"Tanggapin mo lahat ng ginagawa niya sayo. Bawasan mo din pagiging makulit mo kung makulit ka talaga, gets mo?"

"Iyon na nga ginagawa ko eeh."

"Then bigyan mo na ng bulaklak o idate mo, nyeta! Tutal gusto mo naman siya di ba? Baka mapalambot mo puso niya pagumamin ka."

"T-talaga?"

"Subukan mo. Ganon napapanood ko sa drama."

"Woozi naman e!"

"Atleast you give it a try. Nasa iyo kung gusto mo itry suggestions ko or maghintay ka na lang palambutin siya hanggang sa magdikit na din bituka niyo."

"Okay na sige. I-try ko na lang yan pagnawawalan na ako ng pag-asa psh."

"Sige lang."

"Mahal ko na talaga siyaaa~"

"Ang bakla mo pakinggan."

"Ganon talaga paginlove! Ikaw kasi mukhang hindi pa nainlove."

"Oo na. Ano bang nagustuhan mo sa kanya?"

"Ayy! curious ka Woozi ah~"

"Nagtatanong lang. Wag mong sagutin kung ayaw mo."

"Grumpy talaga siya, harsh at mahilig magmura. Hindi ko alam kung ano nagustuhan ko sa kanya pero alam kong mabait din iyon tsaka hindi mahirap mahalin."

"Aah."

"Hindi ko nga alam kung bakit ako natamaan sa kanya kung ayaw niya naman sa akin e."

"Haha."

"Bakit mo ba ako pinagtatawanan Woozi?!"

"... Wala. May naalala lang ako."

Advice / jicheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon