"Scram." Jihoon simply said kaya agad na nagbigay daan ang mga estudyante sa daan niya papasok ng canteen.
Jihoon is not a gangster nor a popular bad boy type of student, okay? Masungit lang siya ngayon dahil kulang sa tulog ang liit kaya iyan, kinakatakutan tuloy ng mga estudyante dahil iba daw ang aura na pumapalibot sa kanya ngayon, well except his friends na hindi marunong makiramdam sa paligid ngayon.
"Sa akin yan!" sigaw ni Minghao habang pilit kinukuha kay Seungkwan ang hawak nitong sandwich.
"Papalitan ko na lang hyung!— Mphhh!!"
Napatingin si Jihoon kay Jun na napa-facepalm at napapailing na si Vernon kina Minghao dahil parang mga bata itong nag-aaway sa tabi nila samantalang si Jihoon? Ayun, nagmadaling maglakad para makadistansya sa mga bwisit niyang kaibigan.
Kaagad na nakahanap ng bakanteng table si Jihoon at umupo doon kasunod ng mga kaibigan niya. Mabilis niyang nilabas ang laptop at sinimulan lagi ang kung anong ginagawa niya.
Editing.
Ano ba ini-edit niya? Obviously ang thesis ng ka-grupong kasama niya. They're almost done at si Jihoon na lang kasi ang hinihintay nila para sa 'finishing touch' na sinasabi ng mga kasama. Kaya ang gusto mangyari tuloy ni Jihoon ay matapos niya na kaagad ito para wala na siyang gawin.
"Seryoso Jihoon? Itabi mo nga muna yang laptop mo at kumain ka. Pinaghihintay mo yung pagkain mo oh!" saway ni Jun.
"Sige." kinuha lang ni Jihoon ang soda can at ininom iyon habang hindi inaalis ang tingin sa screen ng laptop.
"Geh lang."
Lumilikha ng maliliit na ingay ang bawat pindot ni Jihoon at madaling-madali ito na halata namang gusto matapos kagad ang thesis nila.
"Vernon tingnan mo doon!"
"Oh?"
"Kawawa talaga si Scoups hyung ano?"
'Scoups?'
Napatigil si Jihoon sa ginagawa niya at nilingon nito ang tinitingnan nina Seungkwan sa gitna ng cafeteria.
Nakita niyang nakayuko ang ulo nung Scoups habang ang babae ay naka-cross arms at may mapang-asar na ngisi sa labi. Ang kawawa at sikat na Scoups rapper ng school nila... ay nababasted ng cheerleader captain na si Yuna, sa harap ng maraming estudyante.
"Saklap naman."
"Oo nga e. Kung ako na lang sana niligawan ni Scoups."
"Sayang yung flowers oh.."
Dinig na dinig ni Jihoon ang usapan ng mga babaeng napapandaan sa table nila kaya napatayo na siya para makita ang bulaklak na sinasabi ng mga 'to.
Nanlaki ang mata ni Jihoon ng saktong pagtayo niya ay dinidiligan ni Yuna ng juice ang bulaklak sa sahig.
Kawawa nga talagang Scoups.
Napayukom na lang sa palad ito at mabilis na naglakad paalis sa harap ng marami. Napahiya siya. Nasaktan. Nagsisisi na din. Dahil malamang sinong taong matutuwa pagginawa iyon ng taong nagugustuhan niya?
Kaya matapos ang eksenang nangyari napaupo uli sila magkakasama at si Seungkwan na hindi mapigilang itikom ang bibig ay di mapigilang magkomento sa nasaksihan syempre.
"Hmp! Walangyang babae... Maganda nga pero panget naman yung pag-uugali. Tama ba yon?"
"Yuna is obviously a bitch, Seungkwan. Sorry for the term tho but that's exactly what she is. Hindi ko din maisip na magagawa niyang pahiyain si Scoups dito sa canteen." napatango si Seungkwan sa sinabi ni Vernon.
"Totoo bang bisex daw yang si Scoups?" singit ni Jun sa usapan.
"Ewan. Sabi nila kasi nagkaroon daw siya ng boyfriend na lalaki e." sagot ni Seungkwan. "Pero di ko alam kung sinong lalaki naman sinabi nila errr. Sabi sabi lang eh."
"Anong pangalan niya?" nabigla naman sina Jun ng nagtanong si Jihoon sa kanila.
"Si Scoups?" sagot ni Minghao.
"Hindi. Anong tunay na pangalan niya ang tanong ko."
"Naalala ko lang Seung- eh. Kasi pareho sila ni Seungkwan na may Seung hehe."
Kung tama ang hinala ni Jihoon...
"Seungcheol..." Jihoon mumbled.
"Iyon nga! Seungcheol pangalan niya hyung!"
![](https://img.wattpad.com/cover/128925281-288-k129820.jpg)
BINABASA MO ANG
Advice / jicheol
Fanfic❝Hi! Ako pala si Seungcheol! Pwede bang manghingi ng advice?❞ ✨ #1. jicheol episto story .