Page One

708 5 1
                                    

My Diary,

                Hello my diary! How are you? Me? I guess I’m fine. Geez. Okay. End with pretentions. My diary, I think I’m not fine. Totoo yan. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko ngayon ang sama-sama ko. Masama ba ako diary? Tingin mo? Haay. May nasaktan kasi ako. Marami akong nasaktan. Ewan ko, maybe because I’m a big time careless.

Remember what I told you before? Kim and I broke up. Yun! Natatandaan mo yun diary? We broke up kasi hindi na kami magkasundo. You know, at first akala ko siya na yung babae para sa akin. She’s my first love. Yes, nainlove talaga ako sa kanya nung lumabas kami ng PBB house. Naging loveteam kami sa loob and nung paglabas namin, the management pursue it, so ayun naging official loveteam kami. Since then, lagi kami magkasama so ayun na inlove talaga ako sa kanya. Naging kami diary, pero ayun I think we never claimed it publicly. Still, everyone thinks that we are in a relationship so ayun, hindi na rin namin naamin ng ayos. Our fans are really overwhelm sa mga nangyayaring growth sa amin ni Kim. We did our best to satisfy them.

Seems every relationship tends to end. After four years of being committed, we broke up. Ayun nga, kasi hindi na kami magkasundo. Maraming complications. Maraming problems ang dumating. Yeah, Yeah, I know naman na every relationship will undergo with different problems which will make the relationship stronger pag nalagpasan niyo. But yung sa amin ni Kim, hindi namin nalagpasan yung mga problemang dumating sa amin and ayun pareho kaming sumuko. So it’s a mutual decision na iend na namin yung relationship namin.

Since hindi namin naamin ng maayos in public yung relationship namin, hindi rin namin maamin na hindi na kami. The management still pursues the loveteam kahit may problema kami personally. We still have to do whatever we have to do since after all, it’s still work. And both of us have no choice but to be professional. In front of the camera, we are still that loveteam for reel and real. We have no choice. So ayun, naging ganun yung set-up namin hanggang sa nakilala ko personally si Bea.

Si Bea, she’s my ultimate crush. Kahit nung hindi pa ako pumapasok sa PBB, crush na crush ko talaga siya. So I felt very lucky nung nagkaroon ako ng chance to know her personally. Ayun nga lang, we have to go discrete sa namumuong friendship namin. Hindi ko magets, siguro kasi nga may ka loveteam ako. You know diary, since I have this initial feelings for her; I had a crush on her, the growth of our friendship was fast. Actually, I’am not that sure sa feelings ko for her. Kung love na ba or it’s just a simple affection.  Still, I court her. Pero ayun, hindi ko pa din naamin yun publicly kasi nga diba may ka loveteam pa ako at tsaka siguro I still wanted to have at least private life pagdating sa personal life ko. Eventually, naging kami. Sobrang saya ko nun diary. See, my ultimate crush became my girlfriend. We still go discrete. Madalas tumatakas ako para makasama siya. We’re like that for who knows for how many months.

Haaay. Like I said before, seems every relationship tends to end. Naghiwalay kami. Yeah. This is maybe the worst thing I did. I loved her pero I never stand for her. Gustong gusto ko siyang ipaglaban kaso paano ko gagawin yun kung pakiramdam ko halos lahat ng tao sa paligid ko ayaw sa relasyon namin? Sobrang sakit nung nakikita kong nasasaktan ang mahal ko ng dahil sa akin. Napakasakit makita ang taong mahal ko na nasasaktan pero wala akong magawa. At the end, naghiwalay kami. That’s mutual decision. Napakasakit nun, yung ilet go mo yung taong mahal mo kasi hindi mo siya kayang ipaglaban. Yung hindi mo siya kayang panindigan. Ganun. Haay.

Sobrang daming nangyari. Ang gulo diary. Ni hindi ko na nga namalayan ang mga naganap. Hindi ko na nga naiintindihan ang nangyayari. Bakit sila nagagalit sa akin? Bakit sakin nila sinisi lahat? Hindi ba nila alam na dahil sa kanila sobra akong nasasakatan? Tao lang ako nagkakamali. Hindi ako perpekto pero I tried my best to satisfied them. Pero anong gagawin ko kung yung gusto nila ay hindi na pwedeng mangyari? Haay.

I feel like everyone is asking me kung paano ko nagawa yun. Hell! Why don’t they ask me kung kamusta ako? Pero either way, hindi ko rin alam ang isasagot ko. Paano ko nagawa yun? Anong sasabihin ko? Na hindi ko sinasadya na may masaktan? Na hindi ko intensyon na may masaktan? Ganun? Kamusta naman ako? Can I really say na “Hey! Thank you for asking, I’m fine.” Argh! Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Ang gulo ng utak ko ngayon diary. Ang tanging alam ko lang sa mga oras na ito, it really hurts. My soul and my mind, I dunno, I feel like they’re dying. Sobrang sakit talaga. Sobrang sakit.

-GA

His DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon