Card 1

35 1 0
                                    


Queen's POV

" woooooooooooooooahhhhh"
Umaalingawngaw na naman ang hiyawan.

Mga taong nagpapalakpakan. Mga taong di mapigil ang tuwa sa pagkapanalo.
At higit sa lahat, mga taong lugmok na animo'y pinagbasakan ng langit at lupa sa pagkatalo.

Nakakasawa silang panoorin. Wala namang bago.

Akala mo ang lilinis maglaro pero tsk, sindumi ng mga pagkatao nila ang paglalaro nila.

Akala mo simpleng laro lang ito, nagkakamali ka.
Hindi ito kagaya ng lotto, na pera ang kapalit.

Buhay ang kailangan mong itaya at may isang chance of winning.

Nagtataka kayo kung bakit pagat na pagat silang itaya ang buhay nila sa larong ito?

Ang mas makapangyarihan ang may karapatan.

" Ang bagong grupong nakakuha ng rank 5, ang Scorpion"
Sigaw nung announcer.

Mas lumakas ang hiyawan sa buong lugar.

Dumadagundong dahil hindi magkamayaw ang mga tao.

Nakakatamad. Makaalis na nga.

Mga walang kwenta naman ang mga tao doon.
Naglalaban para sa kapangyarihan. Para sa rank 1.
tsk.

Mga desperado.

Kasalukuyan akong naglalakad pauwi sa tinitirhan kong apartment. Tinanggal ko na ang maskarang bumabalot sa mukha ko. Masyado ng malalim ang gabi,
may pasok pa ako bukas.

Nakarating na ko sa apartment na inuupahan ko. Bago ako pumasok sa loob, nag ring yung phone ko. Tiningnan ko kung sinong tumatawag.

Tsk. Ace. I answer the call.

"Hey queen, did you like the show?"

Nangaasar ba sya?

" Ace, pinapunta mo lang ako dun para sa walang kwentang palabas!"
bungad ko sa kanya.

" Hey easy, maganda naman ah" Simpleng napatawa sya.
Halata mo naman sa tono nya na ang sarcastic nya.

" Tsk.Anong maganda? Ewan sayo bahala ka nga sa buhay mo"

I ended the call. Saka pumasok na ako sa loob ng apartment.

Akala ko naman sobrang importante ng ipapakita ni Ace sakin.
Hmmm. Mga desperadong nilalang lang pala na gustong makuha ang rank 1.

Naglinis na ako ng katawan pagkatapos humarap ako sa salamin.

Ang ganda. Napakaamo ng nakikita ko. Simpleng babae.

Pero looks can be deceiving. Huwad sa mga mata ng lahat ng tao.
Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo.
Di nila ako kilala at wala akong balak magpakilala.

Pagkatapos kung pagpantasyahan ang mukha ko naisipan ko ng matulog.

Neon's POV

Hmmmm. Ang liwanag naman, nagising ako sa sikat ng araw.
Bagong simula. Bagong araw na naman.

Bumangon na ako at naghanda dahil papasok na ako sa school.
Pagkatapos ng paghahanda ay nag-umpisa na akong maglakad.

Malapit lang naman ang pinapasukan kong school sa timitirhan ko.

Nang makarating ako para akong nilalamon ng kanilang mga titig.
Kahit kailan talaga hindi pantay ang trato sa mundong ito.

"BESHHHHHHHHHHHIEEEEEE" Kontodo kaway.
Nakakahiya ang ingay nya.

Queen of AcesWhere stories live. Discover now