Chapter 6: May Pasabog sa Dulo

420 26 9
                                    

"Paano po nangyari yun? Bakit hindi ko kayo kilala?" tanong ni Kiko.

"Mahabang kuwento, Kiko. Pero saka na natin pag-usapan yan. May iso-solve pa tayong misteryo."

Gusto pa ring malaman ni Kiko ang nakaraan sa lolo at lola niya pero mas nangingibabaw ang pagkasabik niyang malaman ang kapangyarihan ng sandok at ng misteryosong papel. Bukod dito, ay may dalawang oras na lang bago dumating si Kylene.

"Paano ba natin sisimulan?" tanong ni Kiko.

"Hindi ko rin alam, pero ang sabi ng diwatang nagbigay sa'kin niyan, gagamitin mo 'yan para lutuin ang paborito mong meryenda."

"Kwek-kwek!"

Pagkasabi nito ay nawalang bigla ang multo ni Lolo Peks. Hindi na nagulat si Kiko sa paglaho ni Lolo Peks.

"Lolo Peks? Talaga nga naman oh."

Naalala ni Kiko na nangitlog na ang pugong si Nicole kaya pinuntahan niya ito para maumpisahan na niya ang pagluluto.

"Pasensya ka na, Nicole. Kailangan kong ilaga 'yung ibang mga itlog mo. Mangitlog ka na lang ulit ha?"

Habang kinakapa ni Kiko ang mga itlog ni Nicole...

"Sure, Kiks. Anytime."

Napabalikwas si Kiko sa kinauupuan at agad niyang hinugot ang kamay sa kinauupuan ng naglilimlim na si Nicole. Nanlaki ang mata ni Kiko sa gulat.

"Hanggang ngayon ba naman nabibigla ka pa, Kiks?" tanong ni Nicole na may halong kaunting pagkadismaya.

6.7 seconds ang lumipas bago napabuntong-hininga si Kiko.

"Sabagay, what's new?" sagot ni Kiko.

Unti-unti nang natatanggap ni Kiko ang mga nangyayari pero hindi niya pa rin alam kung bakit nangyayari ang mga ito.

"Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari, Nicole. Hindi ako sinasagot nang maayos nina Lolo Peks at Lola Pots. Ano nang gagawin ko? I deserve an explanation!" sabi ni Kiko na feeling nasa teleserye.

"Kung walaaa ka naaang maiiin--" napahinto sa pagkanta si Nicole nang mapansing naging seryoso ang mukha ni Kiko.

"Ito na nga, ie-explain ko na, Kiks."

Tumayo sa kinauupuan si Nicole at nagsimulang lumakad palapit kay Kiko. Napaatras naman si Kiko at inayos ang sarili mula sa pagkakabalikwas sa lupa. Paglabas ng kulungan ay umilaw ang katawan ni Nicole at nag-transform sa isang magandang diwata. Kumpleto, bes. May pailaw ang background. May pa-flower crown, at may mga lumilipad na paruparo.

Paghupa ng mga pa-effects ni Nicole ay umupo siya sa harap ni Kiko na para bang maglalaro silang dalawa ng jackstones.

"Noong panahong bata pa ang lolo ng lolo mo, nagkaroon ng propesiya ang matandang duwendeng si Jacob na darating ang isang malagim na araw sa sangkatauhan. Magdidilim ang langit at hindi sisikat ang araw na katulad ng dati sa loob ng maraming taon, at nagkatotoo ito. Siguro naman ay narinig mo ang tungkol sa mga World War 'no?" tanong ni Nicole kay Kiko na all ears sa pakikinig.

Patikim ng Kwek Kwek moTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon