Chapter 1: 5 Vs. Me.

64 1 0
                                    

KAYLEE'S POV.

"Babe, una na ako. Magpasundo ka na lang sa driver mo. May practice pa kasi kami ng basketball ng mga ka-teammates ko"

"Tss. So pinapunta mo lang ako dito?" I hate you Trevor! Pupunta daw kaming mall tapos ngayon iiwan niya ako rito? >.<

"Sorry na babe. Babawi ako promise! Biglaan kasi to eh.."

"Tss!" tinalikuran ko siya. "Bahala ka!" sigaw ko sa kanya.

Niyakap niya ako mula sa likod. "Wag ka nang magalit. Pupunta na lang ako sainyo mamaya, okay? I love you babe" hinigpitan niya yung pagkakayakap niya sakin. "Wag mo akong iiwan ah? mahal na mahal kita"

Wah. Hindi ko alam kung magagalit ako sa kanya o kikiligin eh. Stop it Kaylee! Hindi ka kinikilig. Galit ka! Galit! Aish! You're making me blush Trevor Adam Mendoza. :">

"Sayo ko dapat sabihin yan. Wag mo akong iiwanan ah? Hindi ko kasi kakayanin. Mahal na mahal kita" Iniharap niya ako sa kanya at..

He kissed me on my forehead.

"Hinding-hindi kita iiwan. Promise!"

"Siguraduhin mo lang"

"Syempre naman. Basta sayo babe laging sigurado! Sige una na ako. Umuwi ka na agad ah! ingat ka babeee" he winked at me and gave me a smile.

Hindi ko kayang magalit sa kanya ng matagal. He is my First Love. Hindi ko kaya kung mawawala siya sakin. Thank you na lang kay Brayden. Dahil kung hindi ko naging kaibigan si Brayden, hindi ko makikilala si Trevor. Magbestfriends kasi sila.

Ang swerte ko dahil nagkaroon akong boyfriend na katulad ni Trevor. He's almost perfect. Gwapo, mabait, gentleman, sikat, mayaman at habulin ng babae. 

Marami akong kaagaw sa kanya. Pero kahit ganun, hindi ako nagpapatalo. Hindi ako tanga para pakawalan pa yung taong mahal na mahal ko.

Kahit wala pang pasok, maraming magagandang pasyalan at tambayan dito sa campus. Naglibot-libot muna ako sa garden at nagpunta naman ako sa swimming pool. Buti naman at walang nagswi-swimming lesson ngayon dahil gusto kong mapag-isa.

Hayy buhay parang life. Hehe. Sana magpasukan na agad. Namimiss ko na yung mga kaibigan ko. Kamusta na kaya sila? Si Vanessa na sa Paris ngayon, dun siya nagbabakasyon. Taray no? ganun talaga si Vanessa. Kung saan-saan nakakarating. Si Brayden at Steven naman busy sa sports. Si Zyree, hindi ko alam. Wala na akong balita sa kanya simula nung nagbakasyon. Siya yung hindi ko masyadong kaclose sa barkada. Sana maki--

*BOG*

O.O

Nakakagulat naman! sino naman kaya tong pumasok at galit kung magsara ng pinto! Halimaw yata to eh! -___-

May nakita akong 5 babae. Magaganda sila at papalapit na sila sakin ngayon. Anong kailangan nila sakin? Sa mga tingin nila ay para nila akong kakainin ng buhay. May ginawa ba akong masama? Wala akong maalala.

"Ikaw? Ikaw lang yung ipinalit sakin ni Trevor?!"

*PAAKKK*

She slapped me. T_T

Napahawak ako sa pisngi ko. Ang sakit niya manampal. Ang lakas. Gusto ko siyang gantihan. Gusto ko siyang sabunutan at sampalin pero ayoko! Nagpromise ako kay Trevor na hindi ako makikipag-away. 

"S-sino ka ba?" tanong ko.

Anong laban ko sa kanila? Isa lang ako, 5 sila. Kahit pagsasampalin at sabunutan ko silang 5. Taob pa rin ako. Pwedeng pwede nila akong pagtulungan at patayin ngayon.

Captured By Your Smile. (CBYS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon