Chapter 6: Second kiss.

15 1 0
                                    

KIAN'S POV.

Ang dami namang pasikot-sikot dito. Sabi nung pinagtanungan ko kanina 4th floor daw pero hindi ko naman makita dito ang room 405. Nakakainis! Pagod na ako kakalakad.

Ayun may babaeng nakatalikod! Magtatanung na lang ako sa kanya. Nilapitan ko siya at kakalabitin ko na sana siya pero bigla siyang..

Bumagsak.

Buti na lang nasalo ko siya. Tinignan ko yung mukha nung babaeng nasalo ko.

O_O

Si..

Si..

Si Ms.Sungit! >.<

"Hoy babae! Gumising ka nga!" patay na ba siya o buhay pa? Hindi siya sumasagot. Ang init niya, inaapoy siya ng lagnat.

"Hindi mo ba alam na may lagnat ka?! Pahamak ka talagang babae ka!"

Wahh! Saan ba rito yung clinic? Shiz! Binuhat ko siya na parang bridal style. Buti na lang walang tao.

*KRINGGGGGG*

Hala! Recess na. Maglalabasan na sila. Nakakahiya kapag may nakakita samin. Baka kung ano pa ang isipin nila about samin nitong si Ms.Sungit! >.<

Takbo.

Hanap.

Nasan na ba yung clinic? -.-

Naku po! Ang dami ng naglalabasan. Naririnig ko na rin ang mga bulungan nila. Urgg! Nakakairita na!

Hanap.

Ayun! Yun na siguro yung clinic. Tumakbo ako papasok ng clinic. Pagod na ako at ang sakit na ng kamay ko, kanina ko pa siya buhat-buhat! I hate her talaga! Hinding-hindi ako magkakagusto sa babaeng katulad niya. Pahamak siya lagi! >.<

"Anong nangyari sa kanya hijo? Sige, ihiga mo siya dun sa kamang yun" tinuro niya yung unang kama.

"Nawalan po siya ng malay at inaapoy siya ng lagnat"

"Sige ako na ang bahala sa kanya. Pwedeng ka ng bumalik sa klase mo pero kung gusto mong bantayan tong girlfriend mo.. Okay lang.."

Girlfriend? Hindi ko girlfriend yang babaeng yan! HINDI! >.<

"Hindi ko po siya gi-"

"Si Kaylee Reyes pala ito eh.. Kagandang babae talaga niya.. Mabait at matalino pa"

MAGANDA? Bulag ba tong nurse na to? Nagagandahan na siya sa babaeng to? Pero sige na nga, aaminin ko na. Maganda siya, maamo ang mukha, para siyang anghel at simple lang siya. Tama ba tong sinasabi ko? Ako ba talaga to? Wahh! Pero sa Mabait? Hindi ako sang-ayon dun. Pwede pa sa matalino pero mabait? Tss! Ang sungit sungit kaya nitong babaeng to. Tapos lagi ring nakasigaw. -.-

"Ah..O..nga po.."

"Sobrang taas ng lagnat niya kailangan na natin siyang dalhin sa hospital"

"U-hmm sige po.."

*KRINGG..KRINGG*

["Hello? Nurse jane speaking"]

["Yes sir"]

"Ayy hijo.. Ikaw nalang ang magdala sa kanya sa hospital may emergency lang.."

"Teka la-" umalis na agad siya ng clinic. Ano bang klaseng nurse yun? Tsk. Walang kwenta!

Kailangan ko pa ba talaga siyang dalhin sa hospital? Wag na! Buhay pa naman siya eh. Siguro naman kaya niya pa yan!

Lumabas na ako at naglakad lakad na. Naiisip ko si Ms.Sungit. Paano kung mamatay yun dun sa clinic? Konsensya ko pa! Pahamak ka talagang babae ka! >.<

Captured By Your Smile. (CBYS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon