Chapter 3: Is he my BOYFRIEND?

25 1 0
                                    

"Kaylee. Mahal kita.. mahal na mahal. Sayo lang ako natutong magseryoso. Sayo lang ako sumaya ng ganito.. pero.."

PERO?

Pero ano? Bakit may 'pero' pa? Kinakabahan ako sa susunod niyang sasabihin.

Iiwan niya na ba ako? WAG! Hindi ko kakayanin Trevor! T_T

"Pero ano?"

"Wala yun.. Hindi kita kayang mawala.. mahal na mahal kita" hinalikan niya ako sa noo.

Parang may mali. Parang mayroong meaning yung 'Pero' niya. Gusto kong malaman, gusto kong malaman yung totoo.

Please Trevor, sabihin mo na sakin.

"Yung totoo?"

"W-wala nga" bakit nauutal siya?

Diba minsan kapag nauutal tayo, kinakabahan dahil nagsisinungaling? Wahh! Sana mali ang iniisip ko. Sana walang iba si Trevor.

"Okay"

"Sige babe, uwi na ako. May pasok na tayo bukas. Matulog ka na ah!"

"Opo. I love you babe"

"I love you too!" hinalikan niya ako sa noo.

Hinatid ko na siya sa gate at pumasok na rin ako agad sa bahay. Dumiretso na ako sa kwarto ko dahil tulog na si mommy. Nagshower at natulog na ako. May pasok na nga pala kami bukas. First day of school na!

(-.-)zzzz

(-.)zzz

*Bringgggggg..Bringgggggg* My alarm clock rings. As usual my daily routine, gigising ng maaga, maliligo, magbibihis, kakain, at papasok na sa school.

Bumaba na ako para kumain.

"Mommy, kilala niyo po ba yung nagligtas sakin?"

"Ang sabi niya sakin.."

"Ano po?"

"Gino.. Tama si Gino.."

"Ah okay po mommy.. Gusto ko po sana siyang makausap.."

"Sige. Ipapahanap ko na lang siya"

"Okay po.."

"My princess.. naghihintay na si manong ferd sa labas" 

"Yes mommy, susunod na po ako" dahil princess ako ng pamilyang to, may tagahatid pa ako sa school. Si manong Ferd, siya ang driver ko. Kinuha ko na yung bag ko at nagmadaling bumaba. Baka kasi  kanina pa ako hinihintay nina Trevor, Vanessa, Zyree, Brayden at Steven.

Pagkatapos kong kumain ay lumabas na rin ako agad.

"Bye mommy, i love you.." ki-niss ko siya sa pisngi at niyakap ko siya.

"Takecare my princess" urgg! princess na naman, pwede namang KAYLEE/KALE nalang. si mommy talaga ginagawa pa akong bata. Well, hindi naman ako pwede magreklamo dahil magtatampo lang si mommy. Sumakay na ako sa kotse at inihatid na ako ni manong Ferd. Our school is not that far away from our house, 10 minutes away from our house.

Ang bilis ng panahon. Hindi ko pa nae-enjoy ang summer tapos first day of school na agad ngayon.

"Princess nandito na tayo.. susunduin na lang kita mamaya.." sabi ni manong Ferd.

"Sige po manong Ferd. Okay na ako, wag niyo na po ako sunduin or hintayin kasi gagabihin kami. Hahatid naman ako ni Trevor eh.. sige po ingat" umalis na rin agad si manong Ferd at pumasok na ako sa campus. Nagpunta ako sa garden at doon ko nakita sila Vanessa.

"Guys nandito na pala si kale eh.. let's go!" sabi ni Vanessa.

1 week kaming naka-civilian muna. Well, hindi ko alam kung bakit pero ganun talaga dito sa Sheynford University or SFU.

Captured By Your Smile. (CBYS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon