Tahimik yung byahe pabalik sa bahay namin. Sa totoo lang, nakakaintimidate siya. At habang patagong tinitingnan ko siya, napansin ko. . .Aaah, may itsura pala siya. Hindi naman pala siya mukhang kidnapper at mukhang halos magka-edad lang kami.
"What?" sabi niya.
Hala, napansin niyang nakatingin ako sa kanya. Pinikit ko agad mata ko para isipin niyang tulog ako.
"Wag ka nang magtulugtulugan dyan, dilat na dilat mata mo kanina. If you have something to say, spit it out" sabi niya.
Nahalata ba? Hmp, best actress pa naman ako last year sa theatre play namin. Noli me tangere, ako si Sisa nun. Galing galing ko kaya nun lalo na nung tinatawag ko si crispin at basilio. Diba every year may school play ang bawat section or kami lang ba yun?
"Ah. . . . Thank you sa paghatid sakin" sabi ko. Mukha naman siyang mabit, isa pa nagpinky swear naman siya.
"Just a while ago you accused me of being a kidnapper and now you're thanking me?" sabi niya.
"Aba malay ko ba kung ano itsura ng kidnapper" mahina kong sabi ko.
"Malapit na ba?" sabi niya.
"Diyan lang sa may yellow na gate" sabi ko at tumigil na ang kotse at bumaba na ako.
"Thank you ulit. Sorry napagbintangan kitang kidnapper" sabi ko.
"Oh eto, pambayad dun sa fishball mo kanina" sabi niya habang inaabot niya sakin yung pera.
Naalala niya pala na natapon yung fishball? Mukang mabait naman pala tong si kuya eh.
Kukunin ko ba yung pera? Kaso pambili din ng pagkain yun eh. . .
Oo nga! Sayang pangpagkain ko din! At di ko naman hiningi sa kanya diba? At nakakahiya din pag di ko kinuha? Hmm. . . tama tama ka dyan Yumi.
"Thank you" sabi ko nung kinuha ko yung pera.
"And miss, do me a favor" sabi niya.
Ay may favor pa si kuya. Sige kuya! Dahil mabait ka naman pala, no problem! Masungit ka lang pero ok ka naman pala.
"Ano yun?" sabi ko at nginitian ko siya.
"Wag ka na ulit magpapakita sakin" sabi niya at nagdrive na siya paalis.
.
.
.
Ha?Ten seconds bago ko naprocess yung sinabi niya.
"HOY! Ayoko na rin makita ka noh!" sigaw ko sa kanya kaso malayo na yung kotse para marinig niya pa ako.
Kapal ng mukha ni kuya!
Nginitian ko na nga siya at nagsorry na ako tapos ganun? Eh kung sana goodbye na lang sinabi niya edi wala pang sama ng loob, diba? Naku kuya wag ka na rin magpapakita sakin kundi naku! Baka mabatukan pa kita!
Oo nga pala, magkano tong inabot niya saking pera. . . 1000 pesos?!
"HOY TEKA!" sigaw ko pero wala na yung kotse niya.
1000?! Eh 50 lang naman yung utang niya sakin ah! OA naman tong kuya na toh. Anong gagawin ko sa 950 na toh? Hindi ko naman pwedeng gastusin toh, di naman toh akin.
Bahala na nga, saka ko na lang poproblemahin.
"Hoy Yumi!" sigaw ni mama.
*pak!*
Hinampas niya pa ako sa uloT___T
"Anong oras na ha?! Bat ngayon ka lang?!" sabi niya.
Biglang may pumasok na bright idea. Ok Yumi, eto na ang chance pa i-reclaim mo ang title mo bilang best actress ng noli me tangere.
BINABASA MO ANG
Class A vs. Z
Romance"Do you trust me?" Di ko alam ang sasagutin ko. Dapat mo bang pagkatiwalaan isang lalaki habang may hawak siyang baril? "Well I don't care if you do 'cause you don't have a choice"