*BANG! BANG!*O_____O
Ano yun?!
Fireworks??
Teka. . .
Bat nasa clinic pa rin ako? Pagtingin ko sa bintana, gabi na. Patay na naman ako kay mama nito!
Ano ka ba naman Yumi! Sabi ko iidlip lang ako eh, full blown sleep naman ang ginawa moT___T
Pero medyo ok lang, maganda naman panaginip ko. Nililigawan daw ako ni James Reid pero childhood friend ko daw si Daniel Padilla^\\\^ haaay, buti pa sa panaginip, kinikilig ako.
Ok lang, may pamasahe naman ako this time kasi natulugan ko ang lunch time. . . Kaso nagugutom naman ako ngayon.
.
.
.
La kayang pagkain dito sa clinic? Syempre nagugutom ang pasyente kaya siguro may pagkain naman dito diba? Kahit skyflakes lang>___<Hanap. . . Hanap. . . Uy! Band aid! Penge ng isa, just in case.
Hanap ulit. . . Ano ba yan, puro gamot lang nandito. Sabagay, clinic 'to pero dapat may pagkain din! Magsusuggest nga ako sa clinic.
Haay, uuwi na nga lang ako. Atleast dun may pagkain. Ano kaya ulam?
Paglabas ko ng pintuan. . .
*BANG!*
O______O
"Aaaahhh!" napasigaw ako bigla.
B-bala ng baril ba yun?!
"What the hell?!"
May narinig akong nagsabi at bigla na lang ako tinulak pabalik ng clinic at sinara ang pintuan.
.
.
.
Nananaginip parin ba ako? Hindi ba si kuyang masungit 'to? A.k.a si kidnapper pero di pala talaga kidnapper. Nakaputi siyang polo at mukang nagulat din siya ng makita ako.Tiningnan niya ako at napansin ko. . . May hawak siyang baril.
O____O
Sisigaw na sana ako pero tinakman niya bigla ang bibig ko. Hindi ga siya kidnapper pero killer ata 'to eh! Nakatulog lang ako paggising ko eto ang sumalubong sakin. Masyado pang mahaba ang buhay koT____T
Di pa ako nagkakaboyfriend! Di pa ako pwedeng mamatay!
"Ssshhh. Calm down" sabi niya.
Calm down? Anong calm down eh may hawak siya na baril!
"Sabi ko sayo wag ka na magpapakita diba? Or are you just looking for trouble?" sabi niya sakin.
Biglang nawala takot ko sa kanya, napalitan ng inis. Tinanggal ko yung kamay niya sa bibig ko.
"Ayoko din kita makita noh! Isa pa school ko 'to kaya malamang nandito ako" sabi ko sa kanya.
"It's 2 in the morning, ano pa ang ginagawa mo sa school?" sabi niya.
.
.
.
.
Eeeeeh???!!!2am?! Seryoso?? Double dead ako kay mama nito!!!
"Uminom lang naman ako ng gamot ah! Bat ganito katagal akong nakatulog?" sabi ko.
May kinuha siya sa may table malapit kung saan ako natulog.
"Eto ba ang ininom mo?" sabi niya, hawak niya yung gamot na ininom ko kanina.
"Oo. . ." sabi ko, medyo nahihiya. Alam niya ba na gamot yan kapag masakit yung puson?
"Stupid! Bat ka naman iinom ng sleeping pills?" sabi niya.
Sleeping pills? Eh akala ko pang dismenoriya siya eh! Kaya naman pala ang tagal ng tulog ko=____=
"Wala kasi yung school nurse kanina, kala ko gamot para sa sakit-" napatigil ako bigla.
"Sakit sa?" tanong niya.
"Ilong" sabi ko bigla.
Ala naman sabihin ko sa puson! Nakakahiyang sabihin sa kanya (isang lalaking di ko naman kilala na may posibiliad na kidnapper din siya) na may bisita ako noh isa pa, ilong agad naisip ko.
"Ilong?" sabi niya.
Napahawak ako bigla sa ilong ko "Ah, oo eh. Nauntog ako kanina sa pintuan-ang sakit kaya naghanap ako ng gamot" sabi ko sa kanya.
"Un-f*cking-believable" sabi niya.
"Hoy! Bad word nga sabi yan eh!" sabi ko sa kanya at nilagay niya ulit ang kamay niya sa bibig ko.
"Shut up. Do you know how much trouble you are in?" sabi niya at parang nag-dark ang aura niya. Natakot ulit ako.
"Masen, we have a problem. May outsider akong nakita sa clinic, kasama ko siya ngayon" sabi niya dun sa kausap niya sa cellphone na kinuha niya sa bulsa niya.
May kasama pa siya. Ano ba ang ginagawa niya sa school?
"I thought you said there'd be no casualties! For f*ck's sake you had one job Masen!. . . Ikaw na ang bahala kay Liu Ye. Shoot him if you have to. Ako na ang bahala sa outsider" sabi niya.
Shoot him?
.
.
.
.
Aaaah. Gets ko na."Nasa shooting ba tayo?" sabi ko.
"What?" sabi niya.
"Shooting as in camera, tv- nasa shooting ako ng action movie noh? Oh teleserye?" sabi ko.
Aaaah gets ko na. Imposible naman na killer siya eh may kotse to eh at mukang mayaman. Baka artista siya.
"Sus! Buking ka na! Kunwari ka pa dyan, sana sinabi mo na lang na shooting 'to. Masyado ka namang in character, ano bang part mo? Teka, pwede ba akong umextra? Sige na! Matagal ko nang gusto lumabas sa tv! Kahit dadaan lang ako sa likod" sabi ko.
Tapos gagalingan ko sa pagextra tapos makikita ako ng director, mapapansin niya na magaling akong extra tapos aalukin niya akong maging artista. Tapos mapapanuod ako ng mga tao sa school tapos magsisisi sila na binully nila ako! Tama! Good idea Yumi!^___^
"Totoo ba toh?" sabi ko at kinuha yung baril niya.
"No wait-!"
*BANG!*
O_____O
T-totoo siyang baril. . .
Hindi 'to shooting.
Kinuha niya bigla yung baril at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Touch my gun again and I promise you, you will regret it" sabi niya. This time, takot na talaga ako.
Nagring ang phone niya.
"Hello?. . . Ok lang kami, it was an accident. Dadalin ko na siya sa labas" sabi niya at binaba na niya phone niya.
"S-san mo ako dadalin?" sabi ko, nanginginig sa takot.
Tiningnan niya ako sa mata.
"I'll take you to safety" sabi niya.
"Safety? A-no naman ang delikado sa school namin?" sabi ko.
"Natatandaan ko nung sinabi kong may nakatakas na killer?" sabi niya.
Naaalala ko nga, nung muntikan niya akong mabangga.
"We'll he's here in Mont Crest Academy. And he brought some friends" sabi niya.
Pano ako napunta sa ganitong sitwasyon?Q____Q
"Do you trust me?"
Dapat ko bang pagkatiwalaan ang lalaking may baril?
"Well I don't care if you do 'cause you have no choice"
Eh sana di mo na lang ako tinanong>___<
Author's note:
Thank you for reading:)
BINABASA MO ANG
Class A vs. Z
Romance"Do you trust me?" Di ko alam ang sasagutin ko. Dapat mo bang pagkatiwalaan isang lalaki habang may hawak siyang baril? "Well I don't care if you do 'cause you don't have a choice"