Pagka Graduate ko ng College sa aming probinsya lumuwas agad ako ng Maynila para makita si Toto. Ang aking kababata na lihim kong iniibig. Naks lalim.
Ako si Chanel Charina Dela Vega. 19 years old.
Sabay kaming lumaki ni Toto sa probinsya. Palagi kaming magkasama sa lahat ng bagay. Kambal Tuko nga ang tawag samin ng mga kapitbahay namin hindi raw kase kame mapaghiwalay.
Papasok na ako sa pinagtatrabahuhan nyang art gallery. Isa sya kasing pintor.
Sikat din sya maging sa ibang bansa dahil sa mga art works nya.
"Manong nandito ba ngayon si Trey Santillier?" tanung ko sa guard na nagbabantay sa art gallery.
"Opo ma'am nasa loob po sya. Girlfriend po ba kayo ni Sir?" usisa sakin ng guard. May pagka chismoso pala to.
"Ah. Hindi kaibigan nya ako"
Pumasok na ko sa loob at nakita ko ang mga art works nya.
Nakita ko syang may kausap na lalaki. Hindi ako pwedeng magkamali sya nga iyon. Maraming beses ng nafe feature ang pangalan nya sa mga magazines kaya nakikilala ko ang pagmumuka nya.
Ibang iba na talaga sya. Hindi na sya ang uhuging batang kalaro ko noon. Oo inaamin ko kahit mukang gusgusin sya noon e gwapo rin naman sya. Pero ngayon ibang iba na sya. Kahit 20 pa lang sya e gumagawa na sya ng sarili nyang pangalan. At bukod pa dun isa run sya sa mga tinitilian ng mga kababaihan sa Pilipinas. Naks!
Nung makapag paalam na ang mga kausap nya sa kanya, dahan dahan akong lumapit sa kanya.
"Toto!" tawag ko dito.
Napakunot ang noo nya ng tawagin ko sya. Bakit hindi ba nya ako natatandaan?
"Ako to si ChaCha yung kababata mo. Naks ang gwapo mo na ah. Samantalang dati uhugin ka pang bata. Tapos ngayon kung manamit ka hindi ka na gusgusin" natatawang sabi ko.
Lalong kumunot ang noo nya dahil sa sinabe ko.
"Im sorry Ms. Pero hindi kita kilala baka nagkakamali ka lang. Hindi ako yung Toto na sinasabe mo" umalis na sya sa at iniwan lang akong nakatanga doon.
Imposibleng magkamali ako. Ang puso ko. Dahil kahit sa mga magazine ko lang sya nakikita bumibilis na ang tibok nito. Lalo pa na kanina nung papalapit ako sa kanya. Daig pa ang may nagrarambulang sampung kabayo sa bilos ng tibok nito. Pero bakit hindi nya ako kilala? Nabagok ba ang ulo nya at nagka amnesia sya kaya hindi nya ako kilala?
Pagka uwi ko sa bahay, Nagkulong lang ako sa aking kwarto at umiyak ng umiyak. Habang inaalala ko ang masaaayang araw namin ni Toto sa probinsya.
"Toto baka mapagalitan tayo ni Aling Pasing pag pinanguha natin tong mga tanim nyang santan" saway ko sa kanya habang namimitas sya ng mga bulaklak.
"Di ba paborito mo tong bulaklak na to? Kaya ito na ipinipitas na kita"
"KAYO PALANG DALAWA ANG SUMISIRA NG MGA TANIM KO" bulyaw samin ni aling Pasing.
Hinawakan ni Toto ang kamay ko sabay sigaw ng
"TAKBO!"
"HOY KAYONG DALAWA BUMALIK KAYO DITOOOOOOO!" sabi ni aling Pasing pagkalabas nya ng kanilang tarangkahan.
Kami naman ni Toto ay tuloy lang sa pagtakbo at hindi pinapansin ang nanggagalaiting si Aling Pasing.
Nung hiningal na kami, Umupo kami sa ilalim ng puno ng mangga.
"AHAHAHA!"
"Anung tinatawa tawa mo dyan?" tanung ko.
"Kung nakita mo lang ang pagmumuka ni Aling Pasing. Grabe muka syang halimaw sa banga sa sobrang galit satin" sabi nito.
