Chapter 14

760 25 13
                                    

Shandy

Dahil maluwag naman ang traffic, nakarating din agad kami sa apartment. Pinagbuksan niya ako ng pinto, which was kind of a sweet gesture. Simula pa kanina sa airport, napakasweet na nito. It's not that I'm complaining, pero kailangan kong makalayo muna sa kanya para sumigaw at tumili sa sobrang kilig. Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang kilig.

Gamit ang susi ko, binuksan ko ang main door. Niluwagan ko ang pagka-kabukas nito para makapasok siya.

"Ilagay mo na lang muna d'yan ang luggage ko." Turo ko sa may sofa.

"No, ituro mo na sa akin ang room mo at ako na mismo maglalagay nito..." Pangangatwiran pa nito.

"Nu ka ba? Nakakahiya, magulo ang kwarto ko, di ko alam kung anong delubyo ang makikita ko pag pinasok ko 'yon." Palusot ko pa.

"It doesn't matter, sige na at ilalagay ko na ito."

"No! Ako na bahala d'yan, alam kong may trabaho ka pa, sobrang pang-a-abala na ang ginagawa ko, at baka mamaya bigla kang umatras pag nakita mo ang kwarto ko."

"Andy, I'll always make time for the people who are important to me, and you're one of them, and hear this, nothing from your room will ever make me change my mind in courting you and to less like you."

Langya, ba't ba ang tamis ng dila nito.

"So, now. Please, just tell me where your room is..."

Ngumiti pa ang mokong ng pagka-tamis-tamis, pano pa ako tatanggi. Bahala na. Sumuko na lang din ako at tinuro ang kwarto ko. Pagka-unlock ko ng pinto at buksan ito, abot-abot ang kaba ko, pano kung dinaanan pala ito ng bagyo, bawas ganda points yun panigurado.

"Your room is nice..."

"T-thanks, pakilagay na lang dyan sa gilid."

Di ito nakinig, pumasok pa ito sa kwarto at inilapag ang bagahe ko sa tabi ng kama ko, pagkatapos ay inilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto ko.

"So, you like powder blue? I thought you are a girl who loves pink."

"Pink is overrated." Sagot ko na ikinalingon niya. "I love the color blue, it reminds me of the clouds, at isa pa, nakakarelax tingnan."

"Hmm.. That's good to know..." Sabi nito na nakangiti habang nakatingin sa akin.

Putek! Pigilan n'yo ako, sasakmalin ko na 'to.

"We should get out now, baka iba pa magawa ko." Sabi nito habang naglalakad papalapit sa pinto. At nang nasa tapat ko na siya, bigla itong yumuko at bumulong sa akin...

"As much as I want you under me in your bed, I know you're not ready. And I'm not going to touch you unless you are already mine." Then he walked out of the room.

He left me there, as if wala siyang sinabi. Nag-init ang mukha ko dahil sa mga binigkas niya. Para nanamang sumali ng marathon ang puso ko.

Langya! Gusto ba talaga niya ako o gustong patayin. Aatakihin ako sa puso dahil sa taong 'to.

Naabutan ko syang nakaupo sa sofa.

"Gusto mo ba ng maiinom?" Offer ko dito.

"Water will do..." Sagot nito.

Kahit parang tila nanginginig and mga binti ko, nagawa ko pa ring makarating sa kusina ng maayos. Napasandal ako sa lababo at napabuga ng hangin. Napahawak ang kamay ko sa dibdib ko kung saan nandon ang puso kong ang bilis pa rin ng tibok.

Kalma lang heart! Wa masyadong excited! Kalma lang tayo.

Nang medyo nahimasmasan na ako, hinarap ko ang ref upang kumuha ng maiinom. Naagaw ng pansin ko ang post it note na andun.

Into Your World - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon