Chapter 5

931 44 7
                                    


Sa tatlong araw na naka-admit si Jaime, walang mintis ang pagbisita ko sa kanya.

He's a nice kid, tulad ni Ericka.
Somehow, nakikita ko sarili ko sa kanila. Pero maswerte sila dahil may magulang pa sila kahit papano.

Ngayong araw na siya madi-discharge kaya halos lahat ng Toralba, present.

Habang busy ako sa pagta-type ng discharge instructions niya, biglang sumulpot si Dereck sa tabi ko.

"Busy, ah..."

"Lagi naman, ikaw lang naman ang always petiks, eh." Bagot kong tugon dito.

"Grabe ka sa akin, di kaya.."

"Eh, ba't andito ka?"

"May kinunan lang ako ng dugo.. yung pasyente nyo sa room 702" Paliwanag nito.

"May inaway ka nanamang bata, tsk."

"Kasalanan ng mga doktor, ino-orderan nila ng blood chem ang mga bata..."

"Sus! Daming palusot..." Natatawa kong sagot dito.

"Nga pala, di kami matutulog ni Ericka sa apartment mamaya..."

Napatingin ako dito at kumunot ang noo. "Bakit?"

"Alam mo ikaw, maaga kang magkaka-wrinkles, laging nakakunot ang noo mo."

"Bakit nga?"

"Uuwi kami ng Batangas, bibisita lang kami kila nanay, namimiss na daw kasi nila si Ericka at ako..."

"Tsk! For sure, si Ericka lang namiss nila..." Natatawa kong kumento dito. "Pero mamimiss ko din si Ericka, ilang araw ba kayo, doon?"

"Wow ha! Salamat! Oo at ramdam ko pagmamahal mo..." Pagdadrama pa nito na ikinatawa ko.

"Ilang araw nga?"

"Mga 3 days lang." Bigla nitong sinipat ang relong pambisig. "Makaalis na nga, baka hinahanap na ako sa laboratory..." Tumayo na ito at naglakad palabas ng station.

"Bye! Love you too." Pahabol ko dito na natatawa.

"Ang sweet nyo talaga..." Narinig kong sabi ng Head Nurse namin na si Ma'am Kazukie.

Hindi po sya haponesa, feeling lang, mahilig lang nanay nya sa hapon. Dilat po mata nyan, di singkit. Hahaha

"Hay naku, ma'am Kaz, nang-iintriga nanaman kayo."

"Hindi kaya..." Umupo ito sa tabi ko. "Mas bet ko yung loveteam nyo ni Mr. Toralba." Pang-aasar pa nito.

Napalingon ako dito.

"Ay malala... Ba't naman si Mr. Toralba?"

"Aba, bakit hindi? Maganda ka, gwapo siya. At saka, akala mo ba di ko napapansin na malapit sayo yung anak nya..."

"Sus! Ma'am Kaz.. Langit siya, lupa ako. At Oo, maganda ako. Isa pa, wala akong panahon sa love love na yan, busy ako."

"Bitter mo..."

"Bitter na ba yun? I'm just being realistic."

"Sige, hindi na lang. O, siya, tapusin mo na yan, at tumawag na ang accounting okay na daw bill nila. Bilib din ako sa kanila, sila may-ari ng ospital pero sumusunod sa proseso..."

"Oo nga, eh. Ayaw ng special treatment..."

"Meron! Sayo!", natatawa nitong sabi bago umalis.

Lilingo-lingo na lang ako at pinatuloy ang pagtapos ng aking ginagawa.

Nang matapos ay pinrepare ko na ang mga gamot na kakailanganin ni Jaime pauwi.

Napalingon ako sa labas nang may marinig akong boses.

Biglang pumintig ang puso ko na pagka-lakas-lakas ng makita ko si Liam.

Sh*t heart! Kalma! Oo mabait sya, pero nakalimutan ka naman nya. Pero, lintek, ang gwapo talaga nya, okay nang kalimutan nya ako ng kalimutan. Landi din, noh?! My Gosh! Tumingin ka lang sa gawi ko, it means may forever tayo.

Nakita kong natapos na ang tawag nito.

And my world...

STOPS...

Parang nag slow-mo ang lahat.

Lumingon sya, sa gawi ko.

At nyetakz!

Ngumiti sya!

Ang gwapo talaga! Sarap gahasain!

Wait!!

Oh my! Lumingon sya!!!

Lumingon sya!!

May Forever Kami!


Into Your World - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon