Eleven

1.2K 35 1
                                    

(11) Beatrice the Bitch

-&-

Odette wants to make a scene pero hindi natuloy dahil hinila siya ni Nathan, Odette's Brother iyon ang pagimporma ni Cheska saakin.

At the afternoon ay sumilip ako sa classroom ni Brian, hindi pa nila breaktime at busy'ing-busy ito sa ginagawa. Seryoso at nakakunot ang noo nito pero ng magawi ang tingin sa bintana at nakita ako ay kaagad na ngumiti ito saakin at kumaway napalingon tuloy sa akin ang guro nila na nakaupo sa lamesa nito.

Tumayo ito at naglakad papunta sa pintuan. She opened it at ngumiti saakin."Miss McKenzie." She acknowledged.

"Hi Maam Kaith! Ah tinignan ko lang si Brian." Paliwanag ko dito.

"Ah ganun ba. Sabagay break time ng mga college department nga pala." She nodded. Bumukas ang bibig nito pero itinikom ulit ng may isang batang babae ang lumapit dito at hinila papasok.

"TEACHER! TEACHER! SI MICO INAAGAW YUNG COLORS KO!" By the looks of it I could tell that this one is a spoiled brat 'ni hindi na naisara ni Maam Kaith yung pinto dahil hinatak na talaga siya papalayo nung bata napailing ako at napangiti.

"Ang arte mo naman, Lescie." Nanlaki ang mata ko ng sabihin iyon ni Brian. Ngumisi pa ito.

"Brian! Tumigil kana baka umiyak pa yang si Lescie alam mo naman na iyakin yan e." Sumulpot sa tabi ni Brian si Johann. Nag-apir ang dalawa.

The girl they called Lescie didn't say a thing sa halip ay nagmartsa ito pabalik sa upuan niya.

"Brian, Johann that's bad. You don't treat a girl like that." Pangaral ni Maam Kaith.

Brian just nodded at patakbong lumabas.

"Ate! Tara na. Kain na tayo." He said.

"Hindi ka ba sasabay sa kanila?" Maam Kaith's student will go with her for lunch and break times siya ang bahala sa mga bata pero puwede namang sunduin ang mga bata kung gusto.

Umiling siya."Ayoko. I want to eat chocolates but Maam Kaith don't let me."he said pouting. Napailing ako.

"Okay. Paalam muna tayo sa Maam mo."

Pumasok ako sa loob."Maam Kaith! Sabay na po kami ng kapatid ko. Ihahatid ko na lang po siya ulit after lunch." Paalam ko. Tumango lang ito dahil busy pa rin sa batang si Leacie na hindi tumatayo kahit ang ibang bata ay excited na sa paglabas.

Johann looked at us before he smiled.
Nang makarating kami sa cafeteria ay tumakbo agad ito sa bakanteng lamesa at inilapag ang gamit pagkatapos ay naupo.

"Brian! Diyan ka lang. Behave 'kay? Oorder lang si Ate." I said at tumango naman ito.

Paglapit ko sa cashier ay tinanong agad ako nito kung anong order ko pagkatapos kong masabi ang mga ini-order. Naghintay ako sa kabilang part ng cashier kung saan hinihintay yung order.

 Callie McKenzie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon