Ano nga ba ang ibig sabihin ng pinaasa? Yun ba yung pinakita niya lahat sayo na may gusto rin siya sayo pero at the end sasaktan ka at sasabihin sayo na hanggang kaibigan lang ang turing niya sayo? Let's say ganun na nga pero ano rin ba ang ibig sabihin ng umasa? Yun ba yung lahat ng gawin niya may meaning lahat sayo kahit wala naman talaga? Na lahat ng trinatrato niya sayo ganun lang rin pala sa ibang tao? Diba napakahirap ng sitwasyon? Parang gusto mo na ng puso at isip mo na sumabog nalang at minsan parang gusto mo na nga lang magkaamnesia para wala ka ng intindihin sa mundo eh. Pero ganun talaga that's how love goes... masasayahan ka, iiyak, kikiligin at hindi talaga maiiwasang UMASA.
Lagi akong nandyan tuwing kailangan mo ng sandalan. Sa tuwing sinasabi mo na ayaw mo na at di mo na kaya at wala kang believe sa sarili mo nandidito ako saya na nagsasabing "Kaya mo yan!" Sa tuwing nagjojoke ka nandidito ako para sayo kahit ang cocorny na ng mga jokes mo. Lagi akong nakikinig sa mga kwento mong paulit-ulit mo ng kwinekwento. Lagi akong nandyadyaan para sayo pero bakit siya pa? Bakit di nalang ako? Ginawa ko naman lahat ah? Bakit siya pa? Ano bang wala ako na meron siya? Bakit siya pa na walang pakialam sayo at ako nandidito naghihintay lang na mapansin mo ang nararamdaman ko. Tama nga sila bulag ang pag-ibig... di ka niya mahal, mahal mo siya at mahal kita... Ang galing naman ang tanga lang... Umasa rin ako sa mga kilos mo na kakaiba kesa sa mga ibang babae. Minsan ang sakit makita na may kasama kang ibang babae. Nakakaselos pero anong magagawa ko di naman tayo para magreklamo ako na lumayo ka sakanila pero bakit ganun nagpatulong ako sa kaibigan ko na tanungin ka kung alam mo na may gusto ako sayo at nireply mo "Matagal na. But I like someone else." 2 beses ko ng sinabi ang nararamdaman ko sayo pero bakit hinaayan mo lang ako at di mo sinabing may iba kang gusto at siya yun at hindi ako? Sana sinabi mo nalang ng maaga ng hindi ganito kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Nagmukha akong tanga. Umasa sa wala... Ngayon tanggap ko na pero it takes a long time to move on. Mahirap sa sitwasyon na ito lalo na at BESTFRIEND mo ako. Gusto rin kitang iwasan pero ang hirap... magkasama sa trabaho pareho din ng circle of friends... pero kakayanin ko. hanggang sa dumating ang panahon na WALA NA AKONG NARARAMDAMAN PARA SAYO.
-Anonymous
BINABASA MO ANG
Chapters of the Heart
RomanceChapters of the Heart is representing all of the people who experience difficulties because of love... whether it is heartbroken or successful in their relationship. This story will tell you what LOVE really is. You will realize if you're loving som...