Good Singer Oppa

21 1 1
                                    

( Sa lahat po ng mga kpoppers kaya ko po nilagay yung oppa kasi older rin po yung guy and syempre gaya nila Nam Joohyuk at Lee Jongsuk wafuu rin po yung lalaki) - Anonymous

Alam niyo ba yung feeling na napaka-exhausted mo kasi puro kayo lipat ng lipat ng state? Nakakabawas ng ganda kaya... Choss! So it all started ng nagsamba kami. Honestly religious talaga kami and top priority namin yun but this time parang inaantok ako at di ko na kayang buksan yung mga mata ko so syempre I need to keep myself to stay awake. kaya para magising ako naghanap ako dun sa choir namin ng alam na, mga gwapo hahaha! So yun na nga naghahanap hanggang sa nakita ko si oppa  nasa tapat ko lang pala dami ko pang hinahanap. Ganun naman talaga eh nandyan na sa harapan mo di mo pa nakikita kahalagahan niya. hahah Hugot! so anyways yun nga nakita ko siya. Napakagwapo niya. Di naman siya katangkaran pero sakto narin ito. Napakabilugan ng muka niya. Yung mga mata niya nakakahumaling kahit mga salamin ito sa mata. Ewan pero kung makikita niyo siya panigurado magwagwapuhan din kayo pero ops akin na yun wala ng aagaw.

While our minister is preaching. I can't take my eyes off of him. Alam mo yung feeling na naglue nalang sakanya yung mga mata ko. Hindi ako nagsasawa tignan muka niya. Habang nakatitig ako sakanya bigla niya rin ako tinitigan. Syempre si ako umiwas. Nung babalik ulit yung mga mata ko sakanya nakatitig na siya sakin. Omegesh kinikilig na talaga ako nung time na yun hanggang sa yung kapatid ko kinalabit ako at tumingin ako sa mama at kapatid ko at nagtataka ako nakangiti sila na parang may pinapahiwatig. Di ko naman sila maintindihan. So fastforward... Kumakanta na ulit yung choir tapos tinitigan ko lang si oppa at grabe kahit napakarami nila siya lang yung naririnig ko at napakaganda ng boses niya sobra. Napakaconsistent niya at alam mong bukal sa loob niya yung pagkakanta niya. 

Natapos niya yung pagsamba namin at grabe nasa sasakyan na kami ng biglang nagsalita si mommy. "Nak, nakita ko yung nakasalamin kanina nakatitig sayo ah. Buong lesson nakatitig lang sayo." Nagulat ako ng mapansin yun nila mommy at kaya pala sila nakangiti kanina dahil pala dun. Hay naku! Kaya ngayon sa pagsamba namin lagi lang kaming nagtititigan pero wala kaming time mag-usap. :(  Di ko pa nga rin alam name niya hahaha! Pero ngayon magchoichoir na ako samin so makakasama ko na siya. Baka yun na yung chance ko diba?

- Anonymous


Chapters of the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon