Chapter 1

246 20 6
                                    

Micaleigh's POV

Hays. Pasukan nanaman. Ang bilis naman natapos ng summer . Nakakabitin.

"Bakit naka busangot ka baby?" Dad asked while driving me to school.

"Aren't you excited to go to school? May masakit ba sa'yo? I can call Mrs. Rivera to cancel all the classes then move it na lang next week." Dad suggested.Umiling ako dahil do'n.

"Dad, I'm fine. I'll be honest with you na nabitin nga ako sa vacation pero unfair naman sa mga students na nakarating na school before sa akin. Di porket tayo ang nag mamayari ng school pwede na natin gawin lahat." I answered.

Yes you heard it we own the school. I own it but nobody knows I'm the owner except for the principal.

"Okay if you say so my princess. We're here already." Dad said at bigla akong napatingin sa labas.

Welcome back to Hell Caleigh.

Wika ko sa sarili ko. I called my school as a hell because ng dahil sa eskwelahan na ito nagiging impyerno ang buhay ko. Lahat ng estudyante dito may kaya puros mayayaman. Lahat anak ng mga kilalang tao national & international. Our school is known for being the number 1 and the most prestigious school internationally.

Ang mga estudyante dito ay nahati-hati o may lebel kahit na silay mayayaman nakadepende ito sa katangian mo.

6. Mga karaniwan lang sila. Mga estudyante na laging napag tritripan. In short the Bullied one's. Mga parang hangin lang.

5. Mga makukulit. Wala silang ginagawa araw-araw kundi ang mang asar sila ang mga Bully sa school. Sila ang laging napupunta sa detention room.

4. Mga nerd. Mahilig silang gumamit ng sarili nilang mga lenggwahe na sila lang ang nakakaintinde. Laging inaasahan tuwing may group projects

3. Ang grupo ng magaganda. Bawat sa kanila isang katutak ang mga followers sa Instagram at Twitter. Yung mga iba nga eh inaalok na pakasalan o di kaya'y maging manugang ng mga followers nila. Sila ang Queen Bee ng eskwelahan.

2. Ang mga athletic na grupo. Mga malalakas. Hinahangaan ng lahat. Sila ang mga varsity ng school. Kinababaliwan ng lahat ng babae.

1. Sila yung mga tipo na top celebrities ang estado. Walang sino man ang hindi nakakaalam sa pangalan nila. Dito nabibilang ang mga ibang magaganda't gwapo na athletic pero ang halos sa kanila musicians at mga talentado.

Pero ang pinaka sikat sa lahat ay si Daniel Skye. Siya ang heartthrob ng buong eskwelahan. Bukod kasi sa may itsura siya may talent, matalino, at magaling sa lahat ng sports.

Yung mga walang skills wala silang pwesto sa school at isa na ako sa mga tao doon. Hindi naman talaga na wala akong skills.

Matalino naman ako ang katunayan nga eh ako ang Top sa klase namin mula Day Care hanggang ngayon grade 11 na ako.

Maganda rin naman ako. Yun nga lang Relatives at close friends ko lang ang nagsasabi nu'n.

Magaling din ako sa sports. Nag lalaro ako ng Volleyball even Softball at Badminton and table tennis minsan nga nag babasketball ako kasama ng mga pinsan ko but most of all mas mahilig ako sa board games gaya ng Games of the General, Chess, and Scrabble.

My Multi Billionaire Bullied Princess (☡Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon