Chapter 2

190 19 6
                                    

Micaleigh's POV

Pag pasok ko pa lang sa classroom namin pinag papawisan na ako. Marami kasing mga matang nakatitig sa akin na tila ba sinusubaybayan lahat ng kilos ko.

"Ayyyy. Palaka!" Sigaw ko. Paano ba naman kasi may paang humarang sa dinaraanan at huli na nung nakita ko.  Kaya ayan tuloy nasubsob ako sa sahig at pinag tawanan nanaman ako ng buong klase.

"Hahaha. Ilang palaka ang nahuli mo?" Pang-aasar ni Klaine na siyang tumisod sa akin.

Tumayo ako at tuloy-tuloy sa paglalakad papuntang bakanteng upuan sa may likod ng classroom namin. Hindi ko na lang sila pinansin baka kasi mas lalong mapagtripan pa ako.

Aish! First day na first day pa lang ng klase napagtripan nanaman ako ng mga kumag na mga varsity.

Pagkarating ko sa upuan sumalampak agad ako at plinug ang earphones ko.

Earphones plug! Music in! Volume up! Ignore the world Caleigh. Wika ko sa sarili.

Habang nag papatugtog ako nag i-iscroll ako sa twitter gamit ang dummy account ko. May official account naman ako sa twitter, Facebook, Instagram, at iba pa pero iilan o madalang ko lang ito gamitin. Hindi naman sa may pag ka anti social ako kundi para makaiwas ako ng gulo.

Sa facebook ko iilan lang ang friends ko mga close friends and relatives lang actually madaming nag fri-friend request ngunit puros mga nambubully naman sa akin iyon.

Sa twitter naman naka private ang account ko madaming nag pepending follow request ngunit close friends and relatives lang din inaaccept ko.

Sa Instagram naka private din ito. Madami din nag fo-follow request ngunit close friends and relatives lang ang inaaccept ko. Kaya di ako nag accept dahil baka ibash ako ng mga bully ko ganun din sa Facebook.

Ganyan lahat ng mga Personal or True account ko. Sa facebook real account ko ang gamit ko at lagi akong online, active rin ako sa Group Chat pero GC lang ng mga close friends and relatives  din lang naman ang mga kausap doon.

Sa twitter may dalawa akong account, isang dummy at ang tunay. Dito ako lagi tumatambay. Kasi sa 140 na characters lamang naipapahiwatig ko na ang aking saloobin. My dummy account is famous madaming naka-follow even students here in Icon University dahil marami daw nakakarelate sa kanila. Wala ni sino man ang nakakaalam na ako ang may gamit sa account na yun.

Hays. Makapagtweet nga muna.

@JamLife_Stories

First day of school.🤗 First day in hell. 😌👆 Good Luck students.👍😇
✔ Sent

573 🗨 763♺ 2345 ♥

🗨        ♺       ♥

Binasa ko lahat ng mga comments at aba! Halos lahat Iconians.

Wala pa kayang mga teachers to?

Scroll ...
Scroll ...
Scroll ...

@DanielSkye

I know who you are .

Nang dahil sa nabasa ko bigla kong nabitawan ang cellphone ko sa panginginig at bumagsak ito sa sahig. Nakaagaw tuloy ng attention.

"Uy. Okay ka lang Pheds?" Nag aalalang tanong ni Bryan habang pinulot ang cp ko na nahulog. Tumango lamang ako.

"Sure ka bes? Parang namumutla ka." Singit naman ni Allen

My Multi Billionaire Bullied Princess (☡Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon