Writers and Readers Filipino Club

935 29 19
                                    

Welcome to writers and readers filipino club! This club is open for all genre.

Club's Motto: To be fair with everyone.

Club's Mission: To help writers and readers find their own satisfaction.

Ang club na ito ay ginawa para sa mga WRITERS na gustong umani ng sandamakmak na votes, comments at magkaroon ng mga readers sa kanilang story. Sa club na ito ay may chance na maifeatured ang story mo for one week na mas magpapaingay pa lalo dito dahil ang bawat sasali sa club na ito ay REQUIRED na basahin, iboto at bigyan ng comments ang story na maifefeatured upang makasali sa pairings.

Ginawa din ito para sa mga READERS  upang makahanap sila ng interesting stories. Sa pamamagitan din ng club na ito ay makakatulong sila sa iba sa pamamagitan ng pagvotes sa bawat chapters at pagcomments sa kwento. Just check on my profile. May mga list ako doon for recommended story na maaaring magustuhan ninyo. Bawat story na ifefeatured ko dito ay inaad ko din sa featured story list so kindly browse on my profile.

Opo. Maganda ang aming layunin ngunit mahigpit po ang patakarang aming ipinapatupad dito. Para na rin maiwasan ang mga mandaraya at mananamantala kung kaya bago kayo magjoin sa club na ito ay maiging basahin ng mabuti ang mga nakasulat sa ibaba.

1. Lahat na genre ng story ay pwede dito. Meaning random for random ang gagawing pairings. Since we are applying our club's motto, bawat iaasign na story sa inyo ay kapares din sa bilang ng chapters na meron kayo para naman FAIR.

2. Dahil random, kahit anong genre ay maaaring maiassigned sainyo kaya kung kayo ay PICKY at REKLAMADOR ay mangyaring huwag na po kayong sumali!

3. Kung hindi ninyo kayang sumunod sa bawat rules ay mangyaring huwag na kayong magjoin! Sumali ka pa kung ayaw mo naman pala.

4. Bawal ang mga mandaraya dito na matapos lang basahin at ivote ng kapartner ang story nila ay basta basta na lamang aalis na hindi naman ginawa yung dapat na gawin. Mahiya ka naman!

5. Ang registration ay makikita sa featured story of the week. Mangyari munang sundin ang instruction na nakalagay sa page na iyon para makasali kayo sa pairings.

6. Kailangan basahin mo ang story na inassigned sa inyo at bigyan ng ATLEAST TWO comments for ANY chapters at bigyan ng votes LAHAT NG CHAPTERS! Same instruction being applied sa mga story na maifefeatured. (WHOEVER DOES NOT FOLLOW THE RULES WILL BE AUTOMATICALY BANNED!) Please lang po mga ate saka kuya do not tolerate does kind of people. Kayo ang kawawa niyan at marami din silang maaaring madaya kung hindi ninyo agad irereport!

7. Speaking of report, May isa akong page na ginawa para sa gustong magcomplain! Nabasa ninyo na ha! May isa ditong page na nakalaan para sa mga magcocomplain! Ayokong kung saan saan kayo nagpopost! Nakakalito! Kung ang page ay para sa registration ay mangyaring lahat ng ipopost ninyo doon ay para sa pagregister lamang po, kung sa pairings ay para din sa pairings. I WILL NOT ENTERTAIN THOSE MESSAGE NA WALA SA TAMANG PAGLALAGYAN! Masakit po kasi sa mata!

8. Kung mga may katanungan pa po kayo just leave me a message on my inbox. I REPEAT I WILL NOT ENTERTAIN THOSE MESSAGE NA WALA SA TAMANG PINAGLALAGYAN! Diyan ko na po kasi makikita kung sino yung mga nagbasa at umintindi ng mga rules na ito. Isa pa po, hindi ko sasagutin ang mga tanong lalong lalo na kung nakasulat naman dito ang sagot. Kaya po mangyaring basahin at unawain mabuti.

9. Every MONDAY po ang bawat update ng pairings! Every SUNDAY ang update ng panibagong FEATURED STORY na kailangan basahin, icomments, at ivote para makapasa sa pairings. Meaning po MAY LIMIT ang pagbasa ng story ng partners ninyo po. Monday till Friday lang po. Once na hindi ginawa ng partners ninyo ang dapat nilang gawin sa story mo, pagsapit ng SATURDAY ay ireport kaagad ng maibanned na siya.

10. Ang club na ito ay kapareho din ng ibang club kaya kung may makitang pagkakapareho ay hindi sinasadya. Still this club has it own rules that we must follow!

PROCEED TO THE NEXT PAGE ONCE YOU SUMMARIZED AND UNDERSTAND ALL THE RULES WRITTEN ABOVE!

Writers and Readers Filipino ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon