Chapter nine

2.4K 69 37
                                    

UNEDITED

————————————————————

"AHHHHHHHH nakakainis! nakakainis talaga!"

"Hoy bruha, basag na yung eardrums ko sa tili mo! Putek," reklamo ni Kat, bestfriend ko. We're currently talking on the phone. Kinukwento ko sa kanya yung nangyari kanina...

FLASHBACK

Papikit na sana ang mg mata ko, ilang seconds na lang at pipikit na talaga ako pero anak ng butterflies, bigla akong napadilat nang may kumakatok sa pinto ko. 

If you could still consider it as katok, eh parang sinisira niya na yung pinto, like hello? hating gabi na po. Uso din ang matulog.

Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at pinilit na ipikit ang mga mata ko pero nang mas lalo pang lumakas ang mga katok, padabog akong tumayo at binuksan ang pinto. 

Pagkabukas na pagkabukas ko, tumambad sa 'kin ang bogbog sarado at lasing na Xander. Sinandal niya ang lasing niyang katawan sa pintuan habang nakatingin ng diritso ang mga namamaga niyang mata sa 'kin. Kung hindi lang siguro si Xand ang nakatayo ngayon sa harap ko, malamang pinagsaraduan ko na ito ng pinto. Pero hindi, ang Xander na puno ng yabang—na ngayo'y nakakaawang tignan—ay inalalayan ko pang umupo sa kama ko. 

Dapat akong mainis sa 'kanya dahil dinisturbo niya yung beauty sleep ko, at hindi maawa.

"Ano bang nangyari sayo," inis kong tanong habang inaalalayan siyang lumakad papunya sa kwarto niya.

Buti nalang at mabait ako. Sus kung hindi, baka hinayaan ko na siyang gumulong gulong sa hagdan. Tsss! Ang bigat niya kaya. Pag ako sinungitan pa talaga ng lalaking to, hinding hindi ko na talaga siya tutulungan.

Habang inaalalayan ko ang braso ni Xand, bigla na lang niyang nilapit yung mukha niya sa 'kin. "Alam mo, maganda ka rin naman pala no," seryoso niyang sabi. Gusto ko matawa, syempre maganda ako! Pero, parang nanigas yung buong katawan ko sa sinabi niya. Nararamdam ko ding mga bumibilis yung tibok ng puso ko. Tengene ka Xand! Ano ba tong pinaggagagawa mo sa 'kin.

Ilang araw palang kitang nakilala, parang may something na nagpupull sa 'kin papunta sayo.

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya, at hiniga siya sa kama. Kung ibang lalaki siguro ang nagsabi na maganda ako, malamang inirapan ko lang sila. I know I'm pretty. Dyosa pa nga eh, pero si Xand! Parang iba tologo eh.

Normal lang naman kasi sa 'akin na sabihan ng maganda pero nung si Xand ang nagsabi, lecheng puso yan. Lumulundag sa saya eh.

He's drunk Kaye.

Oo nga naman, lasing siya. Pero diba sabi nila, dalawang tao lang naman ang hindi nagsisinungaling. Yun ang mga bata at lasing.

Pero... AY EWAN! Napapraning na 'ko.

"Teka lang, gagamutin ko muna yang mga sugat mo," ano ba kasing pumasok sa utak ng lalaking to para makipagbasagan ng ulo.

Alam niya bang ayaw na ayaw kong nagagasgasan yung gwapo niyang pakmumukha?

Takte ano ba tong pinagsasasabi ko.

Antok lang yan kaye.

Lalabas na sana ako para kunin yung first aid kit ng biglang may humila ng braso ko. Dahil hindi ko expected, nadala ako sa paghila niya at napahiga ako sa tabi ni Xand.

Dub.dub Dub.dub Dub.dub

Sheyyt naririnig niyo ba yung naririnig ko? Nabibingi na 'ko sa lakas ng tibok ng puso ko. Nilingon ko si Xand sa tabi ko at napansin kong nakapikit yung mata niya habang hawak yung kamay ko.

The Bloodsucker's Prey (Vampire)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon