Chapter two: Mr. Concieted

3.9K 66 12
                                    


Who the hell is that Xander guy? Are we going to see each other often? O-oh, I can sense trouble already. 

Habang nag-uusap si mommy at ang mayabang na yun, tinaastaas ko naman ang phone ko para makahagilap ng signal.

After few minutes of circling around the parking area para makadetect ng signal ay tanging pawis lang ang napala ko. Gosh, what kind of a place is this?

Sobrang ganda ng probinsyang to para hindi ko maipost sa social media! If I stay here for two months, does that mean na hindi ako makakapagpost ng updates sa mga accounts ko? This is ridiculous.

I grew up posting every little thing on my social media accounts. Paano na lang ang mga friends ko? Hindi nila malalaman ang mga pinaggagagawa ko! And my haters! Oh, my haters. Hindi ko sila mapapainggit sa mga ginagawa ko.

I think I'm having a love-hate relationship with this place na.

"Kaye, come here. I have few instructions for you before I leave," lumapit ako sa kinatatayuan ni mom. Nasa labas na siya ng kotse at nasa tabi niya si Mr. Yabang.

"Mommy, are you sure na dito mo talaga ako iiwan? What if may mangyari sa akin dito at hindi kita ma contact since walang signal," pagmamakaawa ko. Maybe she would change her mind and take me somewhere na kahit papaano ay may wifi.

I tried to look kaawa-awa pero walang epekto kay mommy. At the corner of my eye, I saw Xander smirked.

"Stop being so melodramatic, Kaye. Nothing bad will happen to you since Xander is here. Siya ang magiging tagapagbantay mo," she patted Xander's back as if sinasabi niyang 'alagaan mo ng mabuti ang anak ko.

I almost dropped my phone sa sinabi ni mom. What? Xander is my nanny? Nababaliw na ba tong si mommy? Bakit niya ako ipagkakatiwala sa isang lalaki? Hindi niya ba naisip na baka may gawing masama tong lalaking to sa akin? He's a guy and I'm a girl. Those things don't go together without any malice!

At sa lahat pa talaga ng pwedeng magbantay sa akin, yung asungot na yun pa talaga. Kung sa ibang lalaki siguro ay pwede pa, pero kay Xander? I can't stand his vibe. I can perfectly handle myself if this were the case.

"There's no way in hell, mom!" Naiinis kong sabi, lumapit ako kay mommy hinawakan ang kamay niya. "He's mayabang and I don't like him. Wag mo akong iwan sa kanya, please," i faked cry. Feel ko talaga ay hindi mapagkakatiwalaan si Xander.

"Ba't mo naman nasabi na mayabang tong si Xand, Kaye?" Tinaasan ako ng kilay ni mommy.

Sasagot sana ako nang biglang nagsalita si Xander.

"We just met few minutes ago, tita. Baka na misinterpret niya lang ang pananalita ko kaya nasabi yun," ngumiti siya kay mommy. Halatang nagbabait-baitan lang tong lalaking to. Sipsip!

I gave him a death stare before ako nagsalita.

"Seriously? Ngayon naman ay painosente effect ka pa?" Naiinis kong sabi kay Xand. He just raised his two hands as if he he's saying na he is innocent at hindi niya alam ang pinagsasasabi ko.

"Enough already, Kaye," medyo naiinis na sabi ni mommy. She doesn't like it when I'm being maldita and reklamador. That's how she calls it. I call it being reasonable.

"Don't worry po, tita. Kaye is in good hands. Ako na po ang bahala sa kanya," pagsisiguro ni Xand. Nagthumbs up si mommy sa kanya habang ako naman ay nakanga-nga lang. I'm in shock. I cannot believe this.

The Bloodsucker's Prey (Vampire)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon