Chapter four: Hormones and You

2.9K 41 15
                                    


Tinignan ko si Xander ng matindi. The eff, Girlfriend? Eh parang kanina lang ay kinamumuhian pa namin ang isa't-isa. Anong kalokohan to?

Sinubukan kong ialis ang pagkahawak niya sa bewang ko pero mas lalo niyang pang hinigpitan ang paghawak dito. Parang nararamdaman kong di na ako makahinga sa higpit.

Nilagay ko ang kamay ko sa likod niya at kinurot siya. Mabilis niyang niluwagan ang pagkahawak sa akin. Gago.

Tinignan ako ni Xander sa mata na para bang sinsabi niya na makisabay ako. Inirapan ko siya at humaharap uli sa mga kasama ni Kol.

"So, you're taken na pala. Sayang naman," pabirong sabi ni Kol.

Taba ba yung narinig ko? Sayang raw!

Shit, nakakainis talaga tong lalaking to. Kung kailan ako nakahanap ng gwapo at matinong lalaki ay saka pa siya eepal. As if naman talaga na papatulan ko tong mokong na 'to.

Di pa nga nangangalahati si Kol kay Xand— este, hindi pa nga nangangalahati ni Xand sa kay Kol.

Alam kong pwede ko naman sabihing hindi ko siya boyfriend, pero nang makita ko kung paano magnakaw ng tingin si Xander doon sa babaeng kasama ni Kol ay napaisip ako. Well, two can play the game. Sabi nga nila, 'keep your friends close but your enemies closer.

"Oh yeah. Unfortune-" napahinto ako sa pagsasalita nang bahagyang kinurot ni Xand ang gilid ko. Gumaganti ah. Masakit yun.

Napansin kong nakataas ang kilay ni Kol, hinihintay ang sagot ko.

Ngumiti ako ng matamis sa kanila at nagpatuloy sa pagsasalita. "As what I was supposed to say. Fortunately, Xander is my oh-so-loving boyfriend," mukhang kombensido naman sila sa palusot ko pero nang tinignan ko si Mary or whatever her name is, inirapan niya lang ako at para bang... Nagseselos?

Tinignan ko si Xander at napansin kong nakatingin rin siya sa babaeng maharot na iyon. Hmm, something's fishy here.

This game looks fun. I'm going to make this b— really jealous.

Di naman kami magkakilala tapos tinatarayan niya na ako. Naku, I'll freaking crush her.

At isa pa tong si Xand, dahil sinira niya ang chance kong makakuha ng boylet para
lang siguro pagselosin iyong isa ay ako naman ang sisira ng sa kanya. The way he looks at that girl, I knew she's someone special to him.

Idadamay niyo pa ako sa quarrel niyo ha, now I'm hitting two birds in one stone.

"New couple, huh," sabi nung Mary. Yung pagkasabi niya ay parang di siya naniniwala na kami talaga ni Xander. Well bitch, mamatay ka sa inggit. "So, tell us how you guys met." panghahamon nito.

Parang nanigas si Xander sa hamon ni Mary. Alam kong di niya napagplanuhan ang tungkol dito kaya I let my creative imagination take the lead.

"Good question. We actually met at an event my mom organized. Well, being him-" tinignan ko si Xander sa mata at pi'ninch ang cheeks niya. Nakita kong parang paniwalang-paniwala naman yung mga kasama ni Kol pero that Mary girl, she looks constipated. "-he's different from any other guys that were there, too. We immediately hit it off," I finished at nag smile sa kanila. Para namang nabunutan ng tinik si Xander nang malinis kong naituwid ang palusot namin.

"He's different cause he's an asshole, that is why," napatingin kaming lahat kay Mary. "Don't look so surprised, guys. We all know that he is,"

Hmm, nag-iba yata ang hangin.

Chris chuckled. "Pagpasensyahan mo na tong si Mary. May pinagdadaanan lang kasi kaya ganyan," paliwanag niya. "Excuse us," umalis si Chris kasama si Mary.

The Bloodsucker's Prey (Vampire)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon