Lazy morning ass

50 3 7
                                    

Gab's P.O.V

Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing! Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing! (Alarm sound)

Umaga nanaman, Summer pa! Napaka init. 

ANG PANGIT PA NYAN IS MAY SUMMER CLASS AKO

Ako nga pala si "Gabriel Alphonse Merida" . College student sa isa sa pinaka mukang perang university. Legal Management ang course ko, pangarap kong maging abugado at magalaga ng pagong.

Gumising na ko kaagad at naghilamos. Naligo nadin ako ata nagbihis kasi 9 pasok ko

"Anaaaak! Bumaba ka na at malalate ka na." Sigaw ng nanay kong may speaker sa bibig.

"Oo ma, hindi mo kailangan iparinig sa buong village yan." Sumbat ko

At nakahain na ang pagkain

Malamang kumain ako, alangan na titigan ko lang yun diba at panuorin na may tumubong halaman.

Pagkatapos kong kumain agad kong tinawagan yung bestfriend/labidabs ko sa phone.

"Claaaaiirreee! Ilang taon ka bago matapos maligo at magbihis! Tara na late na tayo!" Sabi ko

"Oo na kung gusto mo mauna ka na kasi ang pangit mo" sagot naman nya

"Hoy hindi mo ba kilala kung sino ultimate attraction?" sumbat ko

"Mount mayon? attraction yun diba? at ultimate ang laki?" pangiinis nya

"20 pesos? pwede na ba yan sa joke mo?" sabi ko

At sa inis nya, binaba nalang nya phone.

Yan pala ang bestfriend ko si "Claire Marisse Gonzales." Isang Mass Comm student sa school ko, actually ilang taon na kaming mag bestfriend nyan since 1st year highschool. Napaka energetic ng babaeng yan. Pagod na si Pacquiao, sya buhay na buhay padin.

Tinext ko na sya na hintayin ko sya sa Sm north.

Pagdating kong Sm north nakita ko na sya.

"Hooooooooy! NAPAKA tagal mo naman! Nauna pa ko leche" sabi ni claire

At bago ako sumagot binatukan ko sya

"Bakit galit ang queen masungit ko? Ano problema mo papalag ka na ba?" sagot ko

Sabay hindi nya pag sagot, hinila na nya ako papuntang FX.

Pagkasakay namin ay inabot nya sakin bayad nya

"So driver ako? Ganun ba yun?" pangiinis ko

Bigla syang nagpacute at nagpopose pose ng japan japan na ewan

Eh ako hindi ko matiis kaya inabot ko nalang sa driver.

Makalagpas ang ilang minuto at antok na antok ako, kinalabit nya ako at tinuro yung nagmomotor na sumusunod sa sinasakyan namin.

"Tignan mo yun ohhh! Kamuka ni jollibee" Sabi nya kasabay ng malakas na pagtawa

Haha napaisip ako, Oo nga no. Ang cute siguro kung nagmomotor si jollibee.

"Hoy Claire! Try mo magpatulog minsan ha? Kasi pag hindi mo ko pinatulog, kokonyatan ko yang noo mo na naka embosed." Sabi ko sakanya

Sabay yung malungkot na sobrang cute na muka nya, tinitigan ko muna syang matagal tapos natulog nadin ako. 

May hobby talaga akong titigan muka nya eh. Mahal ko kasi and crush ko din sya pero hindi nya alam so ayun. Boy tago ang peg ko.

Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon