Funny Lie

26 5 3
                                    

Claire's P.O.V

Hala nagiiyak iyakan ako para lang umuwi sya, Potek Claire ano bang nangyayare sayo! Umayos ka nga! Hindi mo sya mahal diba and bestfriend lang tingin mo sakanya. Anong idadahilan ko bat ako nagiiyak-iyakan! 

Tinawagan ko ulit sya para tanungin kung nakauwi na sya

"Hoy! Gab nasa bahay ka na ba? "

"Oo! Nasa bahay na ako, what's wrong labidabs ko?" Sambit nya habang humihingal na tilang nagmadaling umuwi

"Ahh.. ehhh. kwan... yung aso ng kapitbahay ko si milfred, tinahulan ako natakot ako"

"Haaa?! Wala namang aso jan malapit sainyo ah?" Sagot nyang nakapagtataka

"Merooon! Hindi lang sya lumalabas nakawala kanina ehh, so anong nangyare sainyo nung babaeng yun at aba! 7:05 na ng gabi ah! Usapan natin 7:00 lang!" 

"Wala naman, kwentuhan at uminom ng ilang bote lang" Kabadong sagot nya

"Leche! Uminom kayo tapos may nangyare sainyo?! Bahala ka nga sa buhay mo!"

Binabaan ko sya ng telepono at nagtantrums sa kama.

Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! Ano bang pumasok sa isip ko! Ano bang nasabi ko! Hindi maari! Kilala ko yung kupal na yun manyak yun at panigurado may nangyare pero kung may nangyare man o wala bakit ako nagkakaganito! Mahal ko na kaya sya?! Hindi. Siguro napipikon lang ako sa pagmumuka nya kasi ang panget at napaka tanga nya

Kinabukasan hinintay ko sya duon sa sm north para sabay pumasok at last day na ng summer class. Tinawagan ko sya.

"Hoooy! Wala na bang itatagal yan?! Andito na ko Sm north so mauuna na ko papasok?!"

"Teka malapit na!" Nagmamadaling sagot nya

After 5 minutes dumating sya

"Hoy claire, galit ka ba sakin? Nilutuan kita ng isa sa mga favorite mo, Carbonara!" Sagot nya habang nakatingin sa lupa

Ohhh shit ang sweet talaga ng mokong na to, ano gagawin ko? mumurahin ko sya? babatukan o sisipain?

"Ohh? Ano yan? Suhol? Pero salamat ha! Sige bati na tayo pero pagkaubos ko nito sapakan na tayo ah?" 

Kingina best answer mo na yan claire? Ano ba?! Ang sweet nanga nya ginanun ko pa sya. Wala naman sya ginawang mali, ako ang mali

"Yehey! Bati na tayo, tara sakay na tayong FX para hindi tayo malate" Sagot nya

Gab's P.O.V

Haaaay! Etong babaeng to hindi ko talaga maintindihan, Nagseselos kaya to oh nangiinis lang. Well ayos lang sana magustuhan nya luto ko. Master Cooker pa naman ako.

Dumating na kaming school at nagaayos ako ng gamit ko dahil exam, yung friend ko si mark tinawag ako

"Master Idol! Patapos na klase hindi padin ako kinakausap ni ellaine." Sambit nya

"Hay nako co-attorney dapat makagawa ka ng plano, pero kung ayaw nya de tropahin mo muna pag mejo okay na dun ka nalang pumasok" 

Sa mga sandaling sinabi ko yan sakanya naisip ko na baka naman talaga kaibigan lang tingin sakin ni claire, pero hindi padin ako susuko kagaya nung sabi ni mich. Kayang kaya ko to! Lalaban ako pero pag once na napuna ko nang wala na talagang pagasa then ititigil ko nalang at magpapaka layo layo ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon