Chapter 1: Ang hula.

29 1 0
                                    

DESTINY'S P.O.V

 

A DAY BEFORE THE SCHOOL FAIR

Kanina pa ako paikot-ikot sa school  pero hindi ko pa din makita ang hinahanap ko. Uneasy na din ang pakiramdam ko dahil sobrang nanlalagkit na ko sa pawis and ang dami ko rin kasing bitbit na props pang-decorate sa booth namin para bukas.

Pagkatapos talaga namin magdecorate magpapasundo na talaga ko sa driver para makauwi na kagad ako sa bahay. 

I need to have a bubble bath. Pakiramdam ko kasi isang taon akong di naligo sa dami ng pawis ko ngayon. Ayoko na nga punasan yung braso ko at baka makakuha na ako ng maraming libag. Eeeww!

Imagine ang init-init sa school grounds dahil tanghaling tapat tapos maalikabok pa. Bakit kasi ngayon pa naisipan ng adviser namin na mag-ayos ng booth eh pwede namang sa hapon. yung tipong wala ng araw. tss...kaasar.

Pagliko ko sa hallway papuntang library doon ko nakita ang hinahanap ko. Ayun yung mokong kong best friend at mukang nambobola na naman ng isang tatanga-tangang freshman.

Tsk.. wala talagang pinagbago. o_o

Malapit na ako sa kanila pero hindi pa rin niya ako napapansin. Dedma ka ha! tignan naten.

"Naku wag kang maniniwala diyan" Sigaw ko dun sa dalawang nagbobolahan. Nagmamadali akong lumapit sa kanilang dalawa sabay siko sa tagiliran ni Dax.

"Oh Bez..Anung ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni mokong.

"Ako? ah kasi may hinahanap akong bolero ng mga freshmen eh..miss may napansin ka bang mambobola dito? nakangisi kong tanong dun sa babaeng kausap ni mokong.

Halatang naive pa yung girl kasi puno ng pagtataka yung mukha niya. Hindi na gets yung sinabi ko. Naku! mabobola ka nga ng mokong na yan. 

"ikaw talaga bez...wala namang bolero akong nakikita." kakamot kamot ng ulo na sagot ni Dax.

"Ako kitang-kita ko. Nagkakamot pa nga ng ulo eh" babatukan ko na talaga yung girl pag di pa niya na gets ang sinasabi ko.

Mukha namang narealize nung girl yung sinabi ko at biglang tumingin sa gawi ni Dax. Nagtaas ng kilay tapos bigla na lang umalis. Haha! hindi naman pla siya tanga eh..slow lang.

"Grabe ka talaga bez..umalis tuloy." Nakasimangot na angal ni Dax.

Aba! may gana pa tong sumimangot. Binagsak ko nga sa harapan niya yung mga bitbit ko sabay pameywang.

"Puro ka landi..kanina pa kita hinahanap. Diba magaayos tayo ng booth ngayon? Sabi ni Maam kailangan daw matapos natin ang decoration by 4 pm. Ikaw pa ang ginawa niyang in-charge di ba? " nanlalaki ang matang sermon ko sa kanya.

Biglang nataranta si mokong at napatingin na lang sa  relos niya. Wow! doraemon na G-shock. Hehe bibili din ako niyan.

BIgla biglang dinampot ni Dax yung mga binagsak kong gamit sabay hatak sa kamay ko.

Lakad takbo ang ginawa namin papuntang school grounds. 3:10 na kasi nung tumingin siya sa relo niya kaya meron na lang kaming 50 minutes to decorate. 

Terror pa naman yung adviser namin. Pagsinabi niyang dapat tapos ng 4 PM dapat tapos talaga, much better kung mas maaga.

Dali dali naming inayos yung booth. Madali lang naman siyang idecorate kasi fortune telling booth yung na-assign sa section namin.

Eksaktong 4 PM dumating si Maam. Tagaktak ang pawis na pinakita namin ni Dax yung dinecorate naming booth.

Mukha naman siyang satisfied pero ni hindi man lang kami pinuri for a job well done. Wala kasi sa vocabulary ni ma'am ang mga words na well done, good job or kahit man lang appreciation. Tss..

Gusto ko ng boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon