DESTINY'S P.O.V
Dumiretso kami ni Dax sa house ni Lhizzie after ng school fair. Usapan na namin kanina na mag sleep over at mag-movie marathon sa bahay ni Lhizzie since her parents are on vacation.
Aside kay Dax si Lhizzie ang girl best friend ko. Since kinder pa kami magkakakilala. We grew up together. Kaya kilala na namin ang isa't-isa.
Bale tatlo kami ngayon na nakasalampak sa carpet sa may sala.
Nagaayos yung dalawa ng food at ng mga movies na papanuorin namin.
Kanina sa sasakyan habang papunta kami ni Dax dito hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi ng manghuhula.
Actually, buong araw ko siyang iniisip. Buong araw akong lutang. Kumbaga sa makina nasa auto pilot mode lang ako kanina. Parang zombie, gumagalaw pero walang buhay.
Hindi ko na nga naiisip kung authentic bang manghuhula iyon o ano.
Mas worried ako sa kung ano ang mangyayari pag hindi ako naniwala.
Ibig sabihin pag hindi ko siya nakita. Hindi na ko magkaka-boyfriend?
NO! ayoko. Gusto ko ng boyfriend.
Ayoko maging NBSB Forever!
Wala akong patid sa pag-iisip. Hindi ko alam na kanina pa pala ako kinakausap ng dalawa kong best friends.
Kung hindi pa pumitik ng kamay sa mukha ko si Dax hindi ko pa mapapansin na kasama ko sila.
I am so lost in space!
Bale ganito ang pwesto namin.
Si Dax nakaluhod paharap sa akin at akala mo magician na pumipitik sa harap ko. Yung parang nanggigising ng taong nahypnotize. Sa likod niya naka indian sit si Lhizzie. Taas ang kilay at naka cross-arms.
" Hello? Anybody Home?" pa-kwelang tanong ni Dax sabay batok ng mahina sa ulo ko na parang kumakatok lang sa pinto.
"Ouch naman" nakairap na angil ko sa kanya.
Alam ko medyo O.A ang reaction ko pero kung don ko naman sila madadaan para hindi na nila ko uriratin pa eh sige na. Magpapaka OA na ko.
Pero knowing my bestfriends hindi papasa sa kanila ang ganong drama. hehe...=D
"What's wrong with you Bez? It's like you're not here with us." Nagtatakang tanong ni Lhizzie.
"Oo nga. Kanina ka pa tahimik sa sasakyan. Tapos tinatanong ka namin kanina ni Lhizzie parang di mo kami naririnig."
Matagal na hindi ako sumagot. Hindi ko kasi alam anong sasabihin ko.
Salubong na ang kilay ng dalawa. Kung naibang araw lang to baka nagpagulong gulong na ako sa carpet sa kakatawa sa kanila.
Para kasi silang mga alien sa itsura nila ngayon. Alam ko naaasar na sila.
"WHAT????" sigaw nilang dalawa.
Sasabihin ko ba? Sasabihin ko ba na kaya ako nagkaganito eh dahil lang sa isang hula.
Baka pagtawanan lang nila ako. Kilala kasi nila ako na hindi naniniwala sa magic, kulto, witch craft, spells, horoscope, bituin, engkanto at kung ano ano pa.
Naniniwala kasi ako sa Destiny. Kaya nga yun ang pangalan ko. I believe na si God lang ang pwedeng magsabi ng mangyayari sa future.
Tapos heto ako ngayon at wala sa hulog ng dahil sa isang hula.
Pilit kong binubura sa ala-ala ko yung mga eksena kanina.
Ayokong maniwala. Pero paano kung totoo?