DESTINY'S P.O.V
Tumatakbo na naman ako.
Mula umpisa ng kwento na to palagi na lang akong tumatakbo. Nakakapagod na.
Runner ba ang peg mo sakin author?? Tss..
Anyway, Kaya nga pala ako tumatakbo kasi ilang minuto na lang eh magbe-bell na.
Isasara na ng guard yung gate ng school.
Ibig sabihin non late na ako. At may parusa ang bawat late. Madalas pinag da-duck walk ng prinicipal mula gate hanggang sa pinto ng classroom. Nakakahiya yon diba!
Ayokong maparusahan! Napuyat kasi ako kagabi kakaisip. Ayan tuloy late na ako nagising.
Yung hula pa din kasi ang nasa isip ko. Sabi kasi ni Dax eh totoo daw na manghuhula yung kinuha niya para sa booth namin.
Paano kung totoo nga yung hinula niya sa akin?
Kagabi napag desisyonan ko na maniniwala na ako sa hula. Wala namang mawawala kung maniniwala ako db? mas malaki ang mawawala sa akin kapag hindi ako naniwala tapos totoo pala.
Ayoko maging NBSB forever!
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang paghanap, ni wala man lang clue. Saka para saan ba tong tarot card?Lagi ko tuloy dala dala sa bag ko.
Hay sa wakas bakarating din ako. Badtrip! late pa din.
Kahit pala tinakbo ko na mula sa subdivision namin eh hindi pa rin ako umabot.
Nakakainis! late na kasi ako nagising kaya hindi ko na naabutan yung driver namin. Naghatid na kay mommy sa office. Eh since malapit lang naman sa bahay ang school ko eh naisipan ko na takbuhin na lang.
Pero wala ding saysay ang pagod ko.
Aantayin ko na lang ang parusa sakin ng principal.
Napansin ko may isa pang estudyante na parating. Siya yung nilampasan ko kanina.
Nakasuot siya ng uniform ng school namin pero nakakapagtaka na ngayon ko pa lang siya nakita.
Hindi ako friendly tulad ng mga bestfriends ko pero kilala ko sa mukha ang lahat ng estudyante sa school namin. At sure ako na hindi ko siya kilala. Ngayon ko lang talaga siya nakita.
Bago kaya siya?
Relax lang siya habang naglalakad ha. Hindi niya ba alam na late na siya?
Tignan natin kung makapag relax ka pa diyan kapag pinarusahan na tayong dalawa!
Lihim ko siyang pinagmasdan habang nakayuko ako.
"Hmm...Gwapo siya ha! matangkad at maganda ang katawan. Pwede na." bulong ko sa sarili ko.
Teka? sinabi ko bang pwede na?
Ngayon lang ako nagkainteres sa lalaki. Maliban kay Dax eh wala nang ibang lalaki na pumasa sa paningin ko.
Hindi sa pangit ang mga lalaki sa school namin ha. Hindi ko lang talaga sila type.
"so type mo siya?" sabi ng boses sa utak ko.
Ako? type siya? Bigla-bigla ay naguluhan ako sa sinasabi ng isip ko. Namula ang mukha ko dahil don.
"baka siya ang sinasabi sa hula" dugtong pa ng isip ko.
Lalong namula ang mukha ko. Tumingin ulit ako sa lalaki na palapit na sa akin.
bumilis ang tibok ng puso ko. parang naghahabulang daga.