Chapter 1

34 2 0
                                    

'This is our story.'

That are the exact words which end the book I'm reading. I closed it and look at the floor. Three different stories are in there. Katatapos ko lang basahin. Mystery, Romance and Fantasy.
I still can't get over, ba't ganun ang ending? Hindi ko tuloy mapigilan ang pagkainis sa author though at the same time humahanga ako sakanila, their imagination is so wide. Pero bakit naman kasi kailangan pang may mamatay na bida? Masakit kaya sa damdamin. I can feel the pain of the girl on the story. Namatay ang fiance niya. Hindi ko ma-imagine, what if that will happen to me? I probably can't take it. Weird man para sa iba dahil libro lang naman at hindi maaring mangyari sa totoong buhay o hindi naman totoong nangyayari, but admit it or not books can turn you upside down, kung ano man ang nararamdaman ng mga pangunahing tauhan sa libro ganun din ang mararamdaman mo, reading books will make you feel the different types of emotions. Kung minsan mapapaisip ka pa nga na nandun ka mismo sa libro. Mapapaisip ka if how will you going to deal with those problems they are facing. Iniisip mo pa kung minsan na ikaw 'yong leading lady o leading man. Reading is not simply reading the story but it is about feeling the story, relating on it. It is about understanding and loving it.

Reading is my escape to reality.

Paano kaya sila nakakaisip ng ganitong mga plot? I wish someday I could write my own story. Napabuntong hininga nalang ako. Tumingin ako sa kalangitan. It's full of stars. Sana kahit isa sa mga fictional characters sa mga stories ay mabuhay and of course he will become my knight in shining armor. Tama na nga ang pag p-pantasya because I know it will never happen. Tumayo na ako at lumapit sa veranda upang isara ang bintana. Tumungo na ako sa aking kama upang matulog.

Saturday comes. I don't have a class so I am currently reading a story on wattpad. I don't have a homework naman so I don't mind reading all day. Buti nalang din wala si mama at maaga silang umalis ni dad dahil for sure tatalakan na naman niya ako. I admit naman kung minsan nakahilata lang ako mag hapon, hindi rin ako kumakain, hapon na kung maligo, tumatakas sa bahay para pumunta sa mga book signing kung hindi nila ako pinapayagan, nagbabasa ng wattpad sa loob ng klase kahit nag d-discus ang teacher namin, but I make sure to prioritize my responsibilities as a student and as a daughter naman sa mga parents ko. Top student ako kahit na adik na adik ako sa pagbabasa.

I'm rummaging my things, naghahanap kasi ako ng babasahin ko but it turns out na nabasa ko na pala lahat. I think I should buy a new book.
I go straight into the bathroom and take a bath. I just wear my black short and peach loose t-shirt got my backpack and I'm ready to go.

Naghahanap ako ng libro na puwede kong bilhin kaso mayroon naman na ako ng mga 'to. Pumunta ako sa information desk.
"Excuse me po, Do you have some new books?" Tinignan niya ako at lumapit sa computer, nagtipa siya roon.
"Ikaw 'yong nagtanong noong nakaraan kung may mga bago kaming libro 'diba?" Naaalala pa pala niya ako. Tumango ako.
"Yes po." Ngumiwi naman siya.
"Naku, sorry Ma'am next week pa kasi ang delivery, balik nalang po kayo." That was the exact thing you've said to me the last time I go here. Pinuntahan ko na yata lahat ng NBS na malapit dito pero lahat nalang 'bumalik ka nalang po, ay wala pa', and so on and so forth. Tumango nalang ako at lumabas na. Saan kaya ako maghahanap ng libro?

Naglalakad na ako papunta sa sakayan ng bus. Nasa may waiting shed na ako naghihintay ng bus, may katabi rin akong lalake marahil naghihintay din siya ng masasakyan. May tumigil na bus papuntang Tarlac, sumakay naman na ang lalaki ngunit may nahulog siyang libro pinulot ko ito.
"Kuya, wait nahulog mo 'yong libro mo!" Sigaw ko pa sakaniya ngunit hindi na niya ito narinig at tuluyan ng nakapasok sa bus. Sayang naman ito. Wait, diba naghahanap ako ng babasahin? Baka naman ibinigay ito ni tadhana. Tinignan ko ang cover ng libro, the fudge Greek Mythology? Hindi naman ako mahilig sa mga myth. Ano ang gagawin ko dito? May tumigil naman na bus papunta sa amin kaya sumakay na ako. Umupo ako malapit sa may bintana, mas feel ko kasi ang pagbabasa pag nasa tabi ako ng bintana. Binuklat ko ang libro babasahin ko nalang ito baka magamit ko pa sa studies ko. Nagbabasa lang ako hanggang sa ilipat ko ang pahina at maynahulog na letrato pinulot ko naman ito at tinignan. Matangos ang ilong, singgkit na mga mata, mapupula at maninipis na mga labi, magulo ang buhok, lalakeng lalake ang itsura, para bang kinuhanan sa photo shoot ng isang tagline ng mga sikat na damit. Ang nakakapagtaka lang hindi naman siya ang lalakeng nakahulog nitong libro. Don't tell me ninakaw niya ito or napulot niya lang din kaya wala siyang pakealam kahit nahulog niya ang libro, or pwede rin na iba ang nagmamayari at napagkamalan ko lang na 'yong lalake kanina ang nakahulog. Ibabalik ko nalang siguro itong libro kapagnakita ko itong lalake. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana.

Witch List Where stories live. Discover now