Chapter 2

12 1 0
                                    

Unti-unti kong imunulat ang aking mga mata. Tumambad saakin ang puting kurtina at pader. Naaamoy ko rin ang mga gamot, ang sakit sa ilong. Walang duda nasa hospital ako. Ano ba ang nangyari? Sa pagkakaalam ako napunta ako sa isang hindi pangkaraniwang lugar. Panaginip lang ba 'yon?

"Oh my god!" I exclaimed. I remebered, nagkaroon nga pala ng earthquake baka naalog ang utak ko at kung ano ano na ang napapanaginipan ko. Pero bakit parang totoo? Nababaliw na ba ako? Ganun nalang ba kalakas ang lindol at ang lakas din ng tama nito sa utak ko. Ano na kaya ang nangyayari sa labas? Maayos kaya ang kalagayan ng mga tao? Siguro naman oo dahil hindi naman kami nagsisiksikan dito sa hospital ako lang yata itong napuruhan, hindi lang physically pati mentally.

Bigla namang bumukas ang pintuan at pumasok ang mga hindi pamilyar na tao. Dalawang babae at isang lalake.
"Ahm, mali po yata kayo ng pinasukang Room." Hindi naman nila ako pinansin at nagtinginan lang sila, Ang isa naman ay kumuha ng mansanas na nasa bed side table at kinagat ito. Nagulat naman ako sa inaasta nila. Guwapo at magaganda sana sila kaso may saltik nga lang. Hindi kaya mga sindikato sila tapos dudukutin nila ako at ibibenta ang mga laman loob ko? Hindi pa ako handang mamatay, sisigaw na sana ako kaso bigla na namang bumukas ang pinto at iniluwa nito- It can't be! So, it isn't a dream?

Pumasok ang witch na babae kanina.
"W-what are you d-doing here? Who the hell are you?" Why do I need to stammer. Isa-isa ko silang tinignan. Ngumisi naman saakin si witch girl. Ang daming katanungan ang naglalaro sa isip ko ngayon.
"How do you feel?" Tanong saakin ni witch girl. Hindi naman ako makapagsalita. Unti-unti siyang lumalapit saakin at umaatras naman ako sa kama kahit wala naman akong aatrasan. Gusto kong tumakbo pero for sure wala akong matatakbuhan. Ano ang gagawin nila saakin?
"H-huwag kang lumapit." Pakiusap ko ngunit hindi siya nakinig. Baka papatayin na niya ako at nagdala pa siya ng mga alepores niya. Nakatingin lang naman saamin ang mga kasama niya.
"Relax, we won't eat you." Sabi ng lalake na blond ang buhok, maputi ito at chinito, hugis puso ang mga labi nito at pinkish, bilugan ang kaniyang mukha.Nagsalita na rin naman si witch girl.
"Don't be afraid on me, 'di naman kita papatayin or what ever you're thinking. We won't harm you, I just did what I've done to you yesterday because you might panic." Pagpapaliwanag niya. Ngunit kahapon? That means I sleep for almost twenty four hours?

"I still can't control my spell that's why. Akala nga namin hindi ka na magigising, medyo nagkamali kasi ako sa pagbigkas ng mga spell ko. You should still be thankful at nakagawa ako ng paraan para magising ka." She said it casually. Para bang hindi buhay ang pinag-uusapan namin. Nakakainis din ang babaeng ito. Ang sarap niyang sabunutan.
"Well I don't need to thank you because first of all it's your fault for recklessly spilling your spell and secondly it's your responsibility to right your wrong." May pa spell spell pa kasing nalalaman hindi naman pala alam gamitin. Kumukulo talaga ang dugo ko sakaniya.
"Sana pala hindi nalang ako gumawa ng paraan para gumising ka at nag ala Sleeping Beauty ka na forever kahit wala ka namang beauty." Irap nito saakin.
"It's your conscience though. Para pala alam mo walang forever at huwag mong sabihin na wala akong beauty kasi kung wala ako 'non ano pa kaya sa'yo." Humalakhak naman ang lalake na hindi ko alam ang pangalan at palihim naman na tumatawa ang dalawang babae. Sinamaan naman sila ng bruha ng tingin.
"Feisty mouth, I like it. I think I already like you." Sabi naman ng lalake.
"Sorry not sorry but I don't like you." Feeling close. Inirapan ko siya at tinawanan niya lang namam ako.
"Tumayo ka na riyan at magbihis may pupuntahan tayo." Sabi ng bruha at inabutan ako ng isang paper bag. Tinignan ko ang laman nito at mga damit pala. Doon ko lang din nahalata na naka hospital dress pala ako. Inirapan ko muna siya bago tumayo at dumiretso sa banyo.

Isang sweatshirt na gray at white short ang suot ko. Lumabas na ako ng banyo at sinenyasan naman ako ng babae na may mahaba at kulay kahel na buhok na sumunod sakanila. Hindi pala iyon hospital kundi isang clinic. Lumabas na kami at naglalakad sa hallway, nasa unahan si bruha at nasa likod ko naman ang tatlo. Hindi ko pa pala alm ang mga pangalan nila. Hindi ko nalang ito binigyang pansin.
Naglalakad kami ngayon sa hallway at halos nakatingin saakin ang mga estudyante, kung nakamamatay lang ang mga tingin na ipinupukol nila saakin marahil ay patay na ako. Ngayon lang ba sila nakakita ng tao? Pinagmamasdan ko lang ang paligid, ang laki ng paaralan. Luma na ang disenyo pero napaka ganda parin. Sa gitna ay ang building ng paaralan na may malaking orasan sa tuktok nito. Sa mga gilid naman nito ay shops. May mga restaurants din at sa likuran nito ay isang skyscraper. Napaplibutan ng mga puno at bulaklak ang paligid sa gitna naman nito ay ang fountain may mga bench din sa lilim ng mga puno. May mga cottage naman sa isang gilid at sa ilalim nito ay ilog, kumbaga parang mga lilly ang mga cottage at nakalutang ito sa tubig. Pinaghalong modern and classic style. Ang ganda, parang hindi totoo.

Witch List Where stories live. Discover now