Nagising ako na basang basa ng pawis at hingal na hingal. What was that? Bakit ganoon ang napanaginipan ko? Pinunasan ko ang pawis sa aking noo at hindi na rin maawat ang aking pagluha.Bumaba ako sa aking kama at tinignan ang orasan. Four o'clock palang pala ng umaga. Sa paggala ng aking mga mata ay nahagip ko ang isang notebook sa tabi ng lamp. Kinuha ko ito, kulay itim at makapal. May mga disenyo rin ito ng mga inukit na bakal, may lock rin ito. Kanino naman ito at paano 'to napunta rito? Binaliktad ko ang libro para sana hanapin ang susi at baka nakasulat sa loob nito ang pangalan ng may-ari kaso wala namam. Tiningnan ko rin kung saan ko ito kinuha at baka naiwan lamang doon pero wala, tiningnan ko na rin at baka nahulog lang ang kaso ay wala parin.
Tinitingnan ko lang ang libro at sinisiyasat dahil hindi na rin naman ako makatulog. Pinihit ko 'yong hook na nakalagay sa may lock at laking gulat ko nang bigla nalang itong bumukas. Tiningnan ko ang unang pahina at wala namang pangalan na nakalagay, blanko lamang ito. Inilipat ko ang mga pahina kaso ay hindi ko naman maintindihan ang mga nakasulat dahil ibang baybayin ang ginamit. Nakasulat ito sa hindi ko malaman kung anong klaseng mga letra. Kung sisiyasatin marahil ay ito ang sinaunang pagsusulat nila rito. It's not even familiar to me. Inilapag ko nalang ang libro at pumunta ng banyo upang maligo.
Pagkatapos kong maligo ay tiningnan ko ang schedule na ibinigay saakin ni Irma kahapon. Ang sabi niya kapag red ang label ay mag susuot kami ng school uniform at kapag black ay ang aming house uniform, pumunta ako sa closet ko at tiningnan ang mga damit na nandoon, nakita ko ang mga iba't ibang uri ng cloak na kulay itim, pinili ko ang hindi masyadong mahaba, kinuha ko ito at inilapag sa kama, naghanap naman ako ng panloob.
Isang long sleeve white polo and a paneled black skirt na kung saan naka tuck in dito ang polo ang aking damit. Isinuot ko na ang cloak at kinuha ang high heel desert boots na nakita ko sa gilid, inilugay ko lang din ang aking buhok.
Narinig ko ang katok sa may pintuan at dali-dali ko itong binuksan. Bumungad saakin ang mukha ni Irma na nakangiti.
"You look great." 'Yan agad ang mga salitang lumabas sa bibig niya, nakaramdam ako ng hiya dahil doon. Ngumiti nalang ako sakaniya.
"Let's go? Did have your breakfast?" Isinara ko ang pintuan at sumunod na sakaniya. Umiling naman ako at bigla niya nalang akong hinila. Nanaman!Tumakbo kami pababa sa hagdan at pagkalabas namin sa dorm ay dumaan kami sa kanan at tumigil kami sa isang coffee shop.
We had our breakfast there, wala naman kaming pinag usapan. Pansin ko nga napaka tahimik niya, magsasalita lang kung importante ang gusto niyang iparating kung hindi naman puro matatalinhagang mga salita ang binibigkas niya.
Nasa classroom na kami at hinahanap ng mata ko si Tanaree, mukhang wala pa siya.
"She have different schedule with us kaya hindi mo talaga siya makikita." Tinignan ko naman siya. Ganoon na ba ka obvious ang mukha ko kaya niya nalamang hinahanap ko si Tanaree o baka naman nababasa niya ang nasa isip ko?
"It's the first one." Sabi niya at binuksan ang drawer na nasa lamesa niya. Inilahad niya naman saakin ang librong kinuha niya roon. At first I am hesitating if I would take the book or not but she gave me a 'take this or else look' kaya wala na rin akong nagawa.
Binuklat ko naman ito at tumambad saakin ang mga salitang hindi ko maintindihan, kagaya rin ng nasa notebook kanina. Ang pagkakaiba nga lang ay nakasulat ito sa latin at may mga threads pa na naka kalat kung saan-saan may mga pinatuyong dahon din ang naka dikit."Those are some spells, hindi ka pa marunong sa mahika at hindi ka pa maaaring gumamit nito ngunit maaari mo namang basahin ang mga 'yan para kapag maaari ka nang gumamit ng mahika ay may alam ka kahit kaunti. May libro ng latin sa library puwede kang humiram doon para maintindihan mo ang mga nakasulat. Ang mga tuyong dahon naman diyan ay halimbawa ng mga halamang gamot, iyang mga tali na kukay pula ay nagtuturo kung ano ang pagkakasunod sunod." Napangaga naman ako. I can't believe this. Pag-aaralan ko na talaga ang witchcraft, never in my wildest dream that I've dreamt about it, maliban nalang kanina. Tumango-tango naman ako sakaniya at humingi ng pasasalamat.
YOU ARE READING
Witch List
FantasyKase Aurora Lim is a book lover. She explore different genre of stories. She goes to book signings. She have her bias authors. Name a book and she have it! A typical teenage book lover. Like you or should I say like us. But, What if because of her...