▪ Prolouge

35 4 1
                                    


Lijan's P.O.V
(pronounced as Li-yan)

"Lijan! Ano? Sasama ka ba?!" Sigaw ni Ariane

"Wait lang kasiiii." Sagot ko habang kinukuha ang phone ko sa bag.

"Ang bagal mo kumilos Lijan ih."

"Psh, masyado ka lang mabilis kumilos Ariane kaya nagmumukha akong mabagal."

Tumakbo kami ni Ariane simula 3rd Floor papaba sa Ground Floor kung nasaan ang canteen at kung nasaan sila Arci.

"Ang tagal niyo eh. Saan ba kayo nanggaling?" Tanong nila

"Si Lijan kasi." Sagot ni Ariane

"Anong ako?!" Sabat ko

"Tigil na nga, pumila na kayo para sa bibilihin niyong pagkain." Sabi ni Allie

Arci's P.O.V

Nasa canteen kami ngayon at kararating lang nila Lijan.

"Uy." Sabi ko habang papalapit ako sa table namin

"Bakit?" Tanong ni Elyzah

"May bagong student daw ah. Papasok tomorrow." Sabi ko habang ngumunguya na ng Fries na binili ko

"Hah? Di ba masyadong late na yung transfer nun? October na ngayon ah." Sabi ni Allie

"Babae o Lalaki?" Tanong ni Klyde

"Lalaki daw." Sagot ko

"Luh, andami nang lalake nun. Sana ilagay na nila sa kabilang section yun, kawawa na tayong mga babae sa room eh." Sabi ni Kate

"Ansama niyo naman sa amin girls. Kami ngang mga boys ang nanlilibre sa inyo, nagpapakopya sa inyo, kami pa ang nagbubuhat pag groupings! Tsk." Biro ni Diether

"Wews. Baka naman sa kabaliktaran dits?" Pambabara ni Nicole

Nagtawanan kami sa ekspresyon ng mukha ni Diether na tila bang na-offend sa sinabi ni Nicole. Mas lumakas ang tawa namin ng tuloy-tuloy ang pambabara nila sa isa't-isa.

Magsasalita pa sana si Diether nang biglang lumapit sa amin ang isa sa mga classmates namin.

"Mr. Decano, pinapatawag po kayo ni Ms. Lecaros sa office niya." Sabi ni Kirsten

Tumigil sa kakatawa at sumimangot bigla si JM at tinignan kami isa-isa. (O_o)

"Sure ka, Kirsten? Ako ang pinapatawag?" Tanong ni JM

"Opo." Nakangiting sambit ni Kirsten

"Baka naman nagkamali ka ng rinig?" Tanong ulit ni JM

"Hindi po."

"Sure ka talaga? Ako? JM Decano? Sure ka? 100% sure ka?" Tanong ulit ni JM

"Oo nga po eh. Kung ayaw niyo po pumunta, kayo na lang po mismo magsabi kay Miss." Sagot ni Kirsten

Natawa kami sa sagot ni Kirsten na halatang naaasar na sa paulit-ulit na tanong ni JM

Napahinga ng malalim si JM, at tumayo para sundan si Kirsten.

"Pagdasal niyo ko, uy. Marami pa kong pangarap sa buhay mga tol. Yoko pa ma-expell." Biro ni JM

"HAHAHHAHAH. Gago! Wag ka magbiro ng ganyan. Sige ka, mamaya magka-totoo yan." Tawa ni Allie

Tumawa na lang si JM at tuluyang sinundan na si Kirsten papunta sa Office.

"Ano kaya ang ginawa nun at pinatawag na ng dean natin?" Tanong ni Micha (mi-ka)

Do or Die.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon