▪ 1

50 2 0
                                    

Kate's P.O.V

Pumasok kami isa-isa sa room matapos magba-bye kay Matthew.
Nakakapagtaka ang ugali ni Matthew, normal naman siyang teenager katulad namin pero nakakatakot siya.

Malapit ako sa pintuan kaya kita ko ang lahat na nasa labas. Tinignan ko kung sino pa ang nasa labas dahil naramdaman kong kulang ang mga pumasok. Bago ako tumingin sa labas ay tinignan ko ang oras sa wristwatch ko.

11:33PM.

Matapos makita ang oras ay lumingon na ako para tumingin sa labas at nakita ko si Arci na tulala. Sinundan ko ang tingin niya at nakita si Matthew na suot na naman ang nakakaloko niyang ngiti.

Umiling ako at inalis sa utak ang ngiti ni Matthew.

"Uy.." Nakarinig ako ng bulong mula sa likod ko

Nilingon ko ito at nakaharap si Klyde.

"Mhm?" Sambit ko

"Okay ka lang? Anong meron sa labas? Kanina ka pa nakatingin dun ah.." Sabi niya

Nagtaka ako sa sinabi niya at tinignan muli ang oras sa wristwatch ko.

11:45PM.

Huh? Dose minutos akong nakatingin sa labas? P-Paano nangyare yun?

"Uy, okay ka lang? Namumutla ka. Dalhin na kita sa clinic.." alalang sabi ni Klyde

"Ha? D-Di, okay lang ak-ako.." Sagot ko

"Sure ka? Nakakatakot naman yang inaakto mo Kate, dalhin na kita sa clinic. Halika na, baka kung ano pa mangyare dyan sa'yo." Sabi ni Klyde at tumayo para samahan ako

"Hindi nga, Klyde. Okay lang ako. Siguro, gutom lang. Sige na, umupo ka na." Matigas kong sabi

"Okay.. Sabay tayong mag-lunch ah?" Malambing niyang sabi

"Mhhm.." Tungo ko

Gusto kong makinig sa lesson pero binabagabag ako nung nangyari sa tila'y biglang pagbilis ng oras..

Nagulat ako bigla nang pumasok si Arci na parang hilo din. Bago pa siya makalayo ay hinawakan ko ang braso niya na siyang dahilan kung bakit siya lumingon sakin.

"Okay ka lang?" Seryoso kong tanong

"Huh? Oo, okay lang ako." ngiti niyang sinagot

"Ahh, okay. Para ka kasing nahihilo.." Sabi ko

Binitawan ko yung braso niya at tumango. Pinanood ko ang pagbalik sa upuan niya.

Nahagip bigla ng paningin ko si Allie na putlang-putla, tulala at parang wala sa sarili.

Anong nangyayare..?

       

        ✂️-----------Lunch-------------

"Kate oh." sambit ni Klyde habang inaabot ang baunan ko na kinuha niya

"Thank you.." Sagot ko

Naka-bilog kaming magbabarkada habang kumakain. Nasa kanan ko si Klyde, nasa kaliwa ko naman si Allie habang kaharap ko si Lijan.

"Allie." sabi ko

"Oh?" Ngumunguyang sagot ni Allie

"Okay ka lang ba kanina? Namumutla ka kanina eh."

"Ahh. Natakot kasi ako." Sabi niya

"Huh?"
"Bakit?"
"Nakakita ka nanaman?"
"Luh Allie ha."
"Anyare?"

Do or Die.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon