▪ 3

26 1 0
                                    

Klyde's P.O.V

"Hello guys. Sarap ba lunch niyo?" Tanong ni Ms. Ana

"Okay naman po~" sagot namin

Biglang pumasok si Matthew na parang galit dahil sa pagbagsak ng pinto.

"Oh~ Is that the new student?.." Pabulong na tanong ni Miss

"Ehem. Anyway, let's do our usual routine, okay? Let's do attendance!" Masayang sabi ni Miss

"Barabat?"

"Present!"

"Cabaltica?"

"Andito po!"

Sunod-sunod na tinawag ni Miss lahat ng girls hanggang sa nagulat ako dun sa tinawag niya na di sinagot.

"Solana?"

Katahimikan ang sumalubong. Tinignan ko ang upuan niya at nakitang nanduon naman ang bag niya.

Tinignan ko sina Allie na nakatingin din sakin.

Tinaasan ko siya ng kilay na para bang tinatanong kung nasaan si Kate. Na sinagot niya naman ng kibit-balikat.

"Baka po nag-cr lang miss. Nandito naman po yung bag niya eh." Sagot ko

"Ah, okay." Sabi ni Miss

Nagpatuloy si Miss sa pagtatawag ng mga apelyido, eh hanggang ngayon, hindi pa bumabalik si Kate.

Ano kaya nangyari dun?

Allie's P.O.V

"Alonzo?" Tanong ni Miss

Hindi pa din sumagot si Klyde at tulala lang sa pintuan.

"Alonzooo?" Tanong muli ni Miss

"Klyde!" Sigaw ko

Wala pa ding imik at nakatulala padin sa pintuan namin. Blangko ang mukha at tila nagaalala.

"Alonzo!?" Pasigaw na tanong ni Miss

"KLYDE!!" Sigaw naming lahat

Napatalon siya sa taranta sa sarili niyang upuan at naglinga-linga pa ng ulo.

"Y-Yes po?!"

"Are you with us, Alonzo? Okay ka lang ba? Kanina ka pa namin tinatawag lahat ah." Sabi ni Miss

"I'm s-sorry, miss. May iniisip lang po." nakatungong sagot niya

"Are you with us na?" Tanong ni Miss

"Y-yes po.." nahihiyang sagot niya

Di na pinansin ni Miss si Klyde at nagpatuloy sa pagtatawag ng apelyido.

---

Matapos magtawag ni Miss ng mga apelyido, ay may saglit na katahimikan dahil nagsusulat siya sa whiteboard.

Biglang bumukas ang pinto.

At sumalubong ang isang Kate na mugto ang mata at medyo magulo ang mata.

Sa malayo, hindi halata ngunit kapag tinitigan mo'y mapapansin mo.

Dumiretso siya sa upuan niya ngunit iniwasan niya ang upuan ni Matthew. Ka-linya niya kasi si Matthew.

Nakita ko kung paano dahan-dahan na nilapit ni Klyde ang sarili niya kay Kate at may ibinulong.

Tumango lang si Kate at tinignan si Klyde. Nagtaka ako sa tingin ni Kate na para bang takot na takot.

Anyare kaya dun nung nasa CR siya? Maitanong nga mamaya..

(After Discussion)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Do or Die.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon