▪ 2

33 3 0
                                    

✂️----------Kinabukasan-----------

Lijan's P.O.V

6:32AM nang dumating ako sa school. Sobrang aga pa ngunit lahat ng mga kaklase ko'y nasa room na namin.

Nagulat ako at nakaramdam ng hiya. Agad akong mahinanong tumakbo papunta sa upuan ko.

Pagka-upo ay tinanong ko si Diether na katabi ko.

"An'meron?" tanong ko

"Late ka na ah." Sabi niya

"Huh? Anong late? 7AM pa naman start ng klase ah?"

"Di mo ba na-receive yung memo kagabi? Dapat daw 6:15AM, nandito na tayo." Explain niya

Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko.

"A-Ay, di kasi ako nag-online kagabi eh hehe." sabi ko

"Okay lang naman, di naman ata galit si Ms. Soriano." Ngiti niya

Tumango ako at nanahimik na.

"So, are we all complete na?" tanong ni Ms. Soriano

"Yes po, Miss." Sagot ng President namin

"So, hindi po ako ang nagpa-utos na papasukin kayo ng 6:15AM. Ini-utos po ito ni Ma'am Lecaros dahil sa bagong student-"

Hindi pa natatapos magsalita si Miss ay nagsi-angal na ang mga kaklase ko.

"Luh dahil lang don?!"
"Whaaaaatttt!!"
"PA-VIP NAMAN YUN"
" What. The. Heck."
"Dahil lang sa kanyaaaa?!"

"QUIET!" sigaw ng Peace Officer

Lahat sila'y nanahimik habang ako'y nananahimik na nagkasalubong ang kilay.

Dahil lang kay Manalus, 6:15AM na dapat ang pasok? si Ma'am Lecaros pa nag-utos? Means, special siya.. Hmm..

"Mga anak, we have no choice but to listen to Ma'am Lecaros. The new student came from Stanford Institute-"

Ang iba'y nagulat at nanlaki ang mata.

Oo nga pala, Stanford Institute..

"-which is the most prestigious school in our region (NCR). We have to impress the new student and show him that our school is really worthy." Explain ni Miss

Nagtaas ng kamay si Klyde na tinawag naman ni Miss.

"Yes, Mr. Alonzo?"

"But Ma'am, is making the students go to school at 6:15 in the morning will make our school worthy? As much as we know Ma'am, The Department of Education's rule is that students must go to school at 7o'clock in the morning to have an 8 to 10 hours sleep to be able to have a proper functional mind."
Sagot niya

Tila'y nawalan ng isasagot si Miss.

"Nice one Klyde.." bulong ni Diether na siyang binalikan ng kindat at ngiti ni Klyde

"Mr. Alonzo, why are you asking me that question? Why don't you go and ask Ma'am Lecaros? Hm?" Pataray na tanong ni Miss

"ay, hehe, sorry miss, di na po." sabi niya dahilan kung bakit nagsibungisngisan ang mga kaklase namin

Do or Die.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon