Rude Awakening

239 3 0
                                    

Ma amoy ko ang herbs at spices sa ere. Di ko pa alam kung ano yan pero sigurado ako sarap yun. 

Pero andito ako ngayon sa CHK gym. Madilim, walang tao. May malaking spotlight naka focus sakin.

Biglang pumasok si Coach. Naka chef uniform at chef hat si Coach Jerry at at at... MAY BIGOTE BA SIYA?

"Ito po ang menu natin for the evening, Ma'am at Ma'am," sabi ni Coach Jerry. He presented me with a menu book.

"Specialty tonight? Esss-spaghetti and meatballs!"

Sandali lang... Ansabe ni Coach? Ma'am at Ma'am? Nag-iisa lang ata ako dito eh.

Lumabas si Tots sa pinto na nasa likod pala ni Coach Jerry. Ewan. Parang may pinto lang nag appear out of nowhere para sa grand entrance ni Tots. Taray nga!

At ang suot ni Tots ay ang practice wear namin. Usual practice wear. The shirt, jersey shorts, at tsinelas combo.

I wondered why she was here and I looked down, sa sarili ko, at nakita ko
na ito din ang sinusuot ko. Naka jersey top ako, shorts, at naka rubber shoes.

This is so weird 😵😵

Nilapitan ako ni Tots and she held out her hand. I took it and she led me to a funny table set-up. Pinaupo ya ako sa mga kaha ng beer na nakastack. Upside down mga ito at may nakalagay lang na maliit na unan sa ibabaw nito.

Umupo ako na walang reserba o doubt. Ewan ko lang. May tiwala lang kasi ako na kumpotrable yan.

Kumportable nga. Lalo na napansin ko na umupo siya sa kabilang side.

Magkaharap na kami at gusto ko siyang tanungin pero sobrang in a daze ako. Indi ako makapaniwala na kasama ko siya ngayon at solo ko siya.

Kinuha niya yung menu sakin at sinira ya ito. Huh? Wala ba siyang plano mag-order. Nilapitan siya ni Coach and Coach Jerry bent over kasi bumulong sa kanya si Tots.

Pagkatapos nun, he stood up straight again. "Excellent choice, Caloy," sabi ni Coach Jerry, sabay ng malaki na ngiti.

Anyare kay Coach? Ba't ang extra smiley niya ngayon? Unbelievable. Not Coach Yee!

Pumasok siya muna sa pinto leaving me and Tots alone together.

Bigla lang si Ate Ayel at si Ate Kathy pumasok. Si Ate Ayel ay meron accordion at tinugtog niya ito. Si Ate Kathy naman ay nagsimula kanta in a deep, rich baritone.

🎶 Oh this is the night
It's a beautiful night
And we call it bella notte 🎶

Lumabas ulit si Coach Jerry at may dala siyang dalawang wine glasses at isang litro ng... Coke? Wut?

🎶 Look at the skies
They have stars in their eyes
On this lovely bella notte 🎶

After na pour ni Coach Jerry yung Coke sa wineglasses namin kinuha namin mga ito. Tots held out her glass to me and I clinked it with mine.

Ting!

Uminom kami. Wow! Coke lang ito pero shit, ang sarap! Ang fizzy. Ang lamig. At habang nagiinom siya, nakatitig siya sa akin. Kumikintab ang mga mata ni Tots. Parang puno na puno siya ng ligaya dahil magkasama kami ngayon. 

Girl Crush (Dianabel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon