Chapter Three

206 9 1
                                    

"Chelo!!! "

Sigaw ko sa gitna ng hallway ng eskwelahan.

Lumingon si Chelo sakin at kumaway. Nakangiti ang loko, may maganda sigurong nangyari sa kanya ngayong umaga. ^_^

" Dahan dahan sa pagtakbo Luna, alam mo naman na kagagaling mo lang sa hospital. "

Pawisan akong tumigil sa harap niya. Ang sarap kayang tumakbo .

" Pasensya na po.. "

Mapagbiro kong paghingi ng tawad kay Chelo, with payuko yuko pa sa ulo ko na mukha talagang nagsisisi.

" Cute mo talaga Luna ! "

Inambahan niya ako ng akbay at inipit ang ulo ko sa gitna ng dibdib niya at braso.

" CHELLOOO!! GAGO YUNG ULO KO!! "

sigaw ko ng mas diniin niya ang pag ipit dito. T.T Chelo mapapatay talaga kita pag di mo ko binitawan!

" Andito na tayo. "

Nagpalabas ako ng malalim na hininga ng bitawan na ako ni Chelo. Salamat naman...

" Pumasok na tayo Luna.. Marami ka pa naman namiss na mga lesson kaya tuturuan nalang kita mamamaya. "

Ngumiti ako at tumango tango.

Pumasok ako ng tuluyan kasabay ni Chelo. Ngunit nawala ulit ang ngiti ko ng maalala ang nangyari sakin dito noong lunes ng umaga. Hindi ko gustong paniwalaan na panaginip lang yun pero lahat sila nagpapakita ng motibo na maniwala nalang akong panaginip nga yun.

Mula sa bintanang nakabukas na nasa centro ng kinatatayuan ko, naalala ko pa kung paano ako nahulog dyan. Palaisipan pa rin sakin kung bakit ako napunta sa hospital at kung sino kaya ang tumulong sakin. It could be the Ghost pero imposible naman.

Paano kaya kung hindi talaga siya multo?

"Hoy! "

Nabigla ako sa biglang pagsundot ni Chelo sa aking tagiliran dahilan para mapastraight ako ng tayo. Sheez.. -___-

Sinamaan ko siya ng tingin saka sinapak.

" Wag mo nga ako gulatin Chelo! "

" hahahaha sorry, tulala ka kasi dyan, ayaw mo bang umupo? "

Aisht tama siya tulala nga ako kasi hindi ko man lang napansin na kanina pa ako nakatayo dito.

"Andito na si Ma'am! "

Sigaw ng isang babae. Si Rheya.

Agad akong napatakbo sa upuan ko at ibinaba ang bag sa may gilid ng lamesa.

Napatingin agad ako sa harapan kung saan humarap na si Ma'am sa buong klase.

" May bago kayong kaklase sa Quarter na to. "

Sininyasan niya ang nasa labas ng pinto para makapasok ang bagong estudyante. May bagong transferee sa 3rd Quarter? Nakakapanibago na may lilipat dito . This is the first time na may lumipat sa Erip Rehbehson Mav Academy ( ERMA ) kasi nga diba sabi ko nag iisang eskwelahan lang ito sa buong Deltha kaya posibleng sa malayong lugar pa siya nanggaling..

" He is from Alpha Deflon, nagtransfer siya dito for personal reason. Please introduce your name hijo. "

O.O what the.

" Zues Keiin Cerbas from Alpha Deflon. "

Yung lalaking multo..

"KYAAHH!! "

Tili ng kakababaihan sa room. Sinasabi ko sa inyo.. Gwapo talaga sya walang halong biro, pero.. T____T shit ba't nahihiya ako sa nangyari noong lunes, hindi ko alam kung totoo man yun o hindi pero nakakahiya pa rin.

" Quite Class! You may now sit. "

Buti nalang malayo yung bakanteng upuan sa akin. Kundi nakooooooo ayoko na talaga.

Agad akong napaiwas ng tingin ng bigla siya napatingin sa direksyon ko. Lorainne, tingin ka lang sa bintana pa as if na wala kang pakialam sa kanya.

Wala naman talaga akong pakialam sa kanya. Nakakahiya lang talaga yung ginawa ko.

" You look beautiful.. "

Agad akong napalingon sa likod. What the.. Ano yun?

Si Canjie ba yun? Siya kasi nasa likod ko nakaupo. Napalunok ako ng ilang beses.. Hindi naman sa kinakabahan ako pero natatawa ako.

XD bakla kasi si Canjie. Pero siya lang kasi yung baklang sobrang tahimik, malay natin siya pala yung nagsabi na maganda ako.

Kyaah sabi na eh, maganda ako.

"Ngiting ngiti ka dyan Luna. Para kang timang. "

+__+ ano?

" Ano sabi mo Chelo? "

Pabulong na bulyaw ko kay Chelo. Timang pala ah.

"Aray! "

Pabulong din na daing niya, sinapak ko kasi.

"Sige, sabihan mo pa ako ng timang.. "

Gigil na inabot ko ang tenga niya at pinaikot ko iyon.

"A-aray Luna, oo na oo na. "

Napakawala siya ng hangin matapos kong bitawan ang tenga niya na namumula na.

" Sige subukan mo ulit akong sabihan ng timang at... "

Naputol ang sasabihin ko ng napatingin si Chelo sa gilid ng lamesa ko. Kaya napatingin din ako dito.

Nakatayo ang bagong estudyante sa gilid ng lamesa ko. Napakurap kurap ako dahil mataman itong nakatingin saakin. Muntik pa akong matumba sa upuan ko ng bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko . Ang gwapo niya, matangos ang ilong, mataas na mga pilikmata at ang mga pulang labi na nababagay sa maputlang kutis ng kanyang balat.

KINAKABAHAN AKO?! BAKIT AO KINAKABAHAN? Buti nalang napahawak ako sa table ko kundi natumba na sana ako dahil sa kaba at gulat.

" tsk. "

Isang salita lang ang kanyang sinabi bago umlis sa harapan ko.
Matapos akong ismiran na para bang nadisappoint sa ginawa ko. May ginawa ba ako?

Nagpakawala agad ako ng hangin na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko man lang rin namalayang nakatayo na pala si Chelo sa upuan niya.

Nawalan ako bigla ng lakas dahilan para mabitawan ko ang pagkakahawak ko sa table.

"Woah! "

Agad akong hinawakan ni Chelo.

" Muntikan na. Okay ka lang? "

Tumango ako at ngumiti ng peke sa kanya. Alam kong galit siya. Ano ba problema ng transferee na yun?

Ang hiya ko kanina ay napalitan ng inis. Tsk pala ah. Gwapo niya sana. Pero mukhang masungit naman.

" Ano ba problema niya? "

Pupuntahan niya sana si Zues kaya lang hinawakan ko kaagad siya sa kamay. Umiling iling ako senyales na ayaw ko na magkagulo.

"Sit down class... Wala kayong mga respeto sa guro niyo. Mr. Cerbas, bago ka palang dito pero nagsisimula ka na ng gulo. "

Napatingin ang lahat sa lalaking nakaupo lang na para bang walang pakealam sa gurong nagsasalita sa harapan.

" Let's go back to the topic. "

Umupo ulit si Chelo sa upuan niya ng magsimula na ulit mag lecture si Ma'am.

Napapikit ako at dinama nalang ang hangin na nagmumula sa bintanang naka bukas sa aking gilid.

Kung ano man problema ng lalaking yun, ewan ko nalang talaga sa kanya. Ayokong magsimulang makealam sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan ng tudo ng makita ko siya nang lumapit siya sakin at na disappoint sa kung ano man ang ginawa ko. Pero isa lang ang nasa isip ko .

Ayokong mainvolve sa katulad niya .

***

the Chosen [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon