Chapter Nine

91 4 0
                                    

"Argh ! "

Daing ko kasabay ng pagluhod ko sa sahig . Unti unti nang namamanhid ang buo kong katawan . Nanghihina dahil sa sabay sabay na pag atake sakin. Malakas na pagyanig ulit ang aking narinig .

Kelan ba matatapos to ?!!! >____<

Malakas na pag yanig ng lupa na talaga ang kinakatok ko ngayon kesa sa kulog at kidlat!! ..

Marko!! Maawa ka naman sakin! Kakatapos ko lang kay Hanzle ! Kakatapos ko lang maligo sa tubig , wag naman sa putik TT.TT

"Focus Lorainne , your not paying attention again!"

Galit na sigaw ni Marko sa kabilang dulo ng di ko alam . Ume-echo kasi sa buong Garden . Isang napaka di- ordinaryong harden . Nang magsimula kaming maghensayo kanina lang , isang malakas na pagyanig ang bumalot saamin. Tila ba binigyan ng balot ang buong harden na dahilan para makuryente ako kada malalapat ang likod ko sa pader na yun . Hindi ko kasi namamalayan na may pader . Napakainvisible naman kasi - 3-

Kung pwedi ko lang sirain yun eh. Kaya lang, one time ginawa ko yun . -_- err bumalik din saakin yung ginawa ko sa pader . Ewan ko ba kay Marko at may pa etchos pa siyang ginawa dito . At nakakaiyak din dahil sa liit ng lugar , mahinang pag yanig lang sa lupa kaya nakong patumbahin . Kaya grabe nalang kung magalit si Marko dahil sa lagi nalang akong napapadaing.

"Lorainne ! What the heck?! "

Nawala lahat ang nagtataasang kahoy at mga gumagalaw na katawan ng lupa .

Bumalik sa normal na harden ang lahat . Mula sa kumikinang na mga damo at bulaklak . Mga kahoy na hindi na kasing laki ng kanina .

Napabuntong hininga ako , pero agad din na napangiwi dahil sa naramdamang hapdi .

Napahawak agad ako sa braso na natamaan kanina ng mga matutulis na sanga .

Naramdaman ko ang paglapit saakin ni Marko . Nakasandal na ako sa puno ngayon at namimilipit sa sakit .

Ang dami ko palang naging sugat .

" What the heck Lor-- Nasugatan ka ? "

Agad siyang napaluhod at tiningnang maiigi ang mga sugat na natamo ko .
Nanlambot ang mga mata niya habang matamang nakatingin sa mga braso ko .

" K-kanina pa ba ito ?"

Tumango ako .. Oo kanina pa .. At nakakapagtaka lang dahil hindi ito naghilom . Baka naman di talaga lahat ng bampira immortal . -__- Boplaks parin yung palusot ko . Bampira nga diba so natural lang na immortal sila .

" Kailangan natin bumalik sa mansyon . Kailangan nila itong malaman . "

Inalalayan akong makatayo ni Marko at tinulungan akong makalakad papunta sa mansyon .

At dahil natalo ako laban kay Marko . Magsisimula na naman ako kay Lara bukas . Yan ang rules na kailangan kung sundin . Noong isang araw matapos akong idismiss ni Lara , hindi ako nakapasok sa sumunod kong klase dahil natalo ako kay Lara . -_- At first nalilito pako and then na gets ko rin . Pati nga si Lara nabigla noong nalaman niya ang rules ng klase ko . And by then , kinabukasan nanalo ako kay Lara at kinagabihan nanalo ako kay Hanzle . Pero :( sad to say na natalo ako kay Marko . Masyado siyang malakas . Kumpara kay Lara at Hanzle . Pero alam ko naman na kung bakit ako nakalampas ay dahil tinake for granted lang nila ako . -__- at aaminin ko , nasiyahan ako dahil kahit minaliit ko sarili ko atleast nakarating dito na may paghihirap .

"Remember this Lorainne , once you fail to fight Marko . I won't go on easy on you again . "

(_.____) yan ang sabi ni Hanzle noong makalagpas ako sa pagsubok niya . But I fail . Kaya I know hindi na ako nila palalampasin ng ganon nalang . Lalo pa at malaman nilang nasugatan ako dahil sa hindi pa ako masyadong handa .

"Mikahel , open the door . "

Paguutos ni Marko na agad naman narinig ni Chelo dahil binuksan niya agad ito .

And to his suprise nakita niya akong duguan at sugatan . Tinulungan niya rin ako hanggang sa marating ko ang upuan .

"We saw the fight . Kaya sinenyasan namin si Marko na itigil na . Tingnan mo sarili mo Lorainne . You look so mess up!"

Napatingin ako kay Lara . She's right , para akong tanga dun na umiilag sa bawat pag atake at di man lang nakabato ng pagatake sa kalaban . Ang tanga lang .

Nagsisimula nang mamuo yung hiya ko .

" What are you doing all this time Lorainne ?! You move forward to the level without any lesson you learned ?! Are you that desperate para marating ang pinakahuling klase mo?! "

Natigilan ang lahat . Si Marko na ang sumisigaw , and to think na siya ang pinakatahimik sa lahat . Pangalawa na kasi si Xyn at Zues. Simula ng dumating daw ako maingay na daw yung dalawang yun . Bakit ko ba sila iniisip ?! Pinagalitan na nga ako .

" Kung di ako tumigil , pano kung napatay kita ?! "

"Cut it out Marko . Gagamutin ko na si Luna kay lumabas muna kayong lahat . "

Utos ni Chelo na agad din naman nilang sinunod .

Kasalanan ko to . Naging mahina ako kaya hindi ako pinahirapan nila Lara at Hanzle . At kaya ako nalagay sa ganito . Kung sineryuso ko lang talaga ang dalawang naging laban ko . Siguro naiwasan ko na ang ganitong mangyayari .

" Sana lang di ito makaabot kay Zues . "

Napatingin ako sa kanya . Bakit ayaw niyang malaman ni Zues ?

" Pagnalaman niya to tiyak na ipapatigil niya tong paghehensayo mo . "

Tama siya . Si Zues lang ang tutol sa naging plano pero dahil majority wins , wala siyang nagawa .

Ilang buwan ko na rin siyang di nakikita .

" N..nasaan ba si Zues ? "

Mahina kong tanong kay Chelo na abala sa pagbebenda ng mga sugat ko sa braso .

" Nasa Town Square . Pinaglalaban pa rin nila ni Xyn ang karapatan mo . "

Natigilan ako . Naalala ko palang dapat hindi ako nandito sa Alpha Deflon . Sa mansyon na dapat hindi ko tinitirahan ngayon .

Nakalimutan kong sabihin na wala na nga pala ako sa kwartong kinamulatan ko bilang isang bampira . Nilipat nila ako dahil nga sa sinugod ang parte ng mansyon na yun noong nakaraang araw .

Hindi dapat sana ako nandito , I should be in the council . Pero hindi pumayag si Zues . He want me to be here , safe and sound . Kaya yun ang dahilan kung bakit andun sila ngayon .

" Chelo , bakit sinugod ng kapwa niyo bampira ang mansyon noong nakaraang araw ? "

Hindi muna siya nakapagsalita at niligpit muna ang first aid kit . Nakatalikod siya saakin at nakikita ko kung paano gumagalaw ang muscles niya sa braso na bumabakat sa polo niyang puti .

" Mikahel, may hindi ka ba sinasabi sakin ? "

Tulad ng dati , kapag nagsesekreto siya , mannerism na niya talaga ang tumalikod . Kapag nagsisinungaling siya , ayaw niyang magsalita .

May hindi siya sinasabi , nakikita ko yun .

Hindi na ba niya ko pinagkakatiwalaan ?

***

Hayerr!! Bumalik sa rank ang story nato ! Thanks guys !! Aiming for Top 20! xD lablots guys !!

-mochii47

the Chosen [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon